977 Galit ni Lord Meh Meh (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Subalit…

Hindi nagtagal matapos noon, ang mga tao na tiwala sa kanilang sarili ngayon ay alam na ang

ibig sabihin ng… sampal sa mukha!

Nakatayo pa rin sa battle arena stage si Lord Meh Meh at nanalo ng sampung sunud-sunod na

laban!

Sa huli…

Kahit ano pa man ang hugis o hitsura ng kalabang Spirit Beast, kahit gaano pa ito kadakila o

nangingibabaw ang Spirit Beast ng sila ay tumapak sa arena platform, sa oras na tumunog ang

kampanilya na hudyat na simula na ng laban, ang inosente at walang imik na hitsura ni Lord

Meheh ay mahinang uunga lamang sa kaniyang kalaban ng isng beses. Walang pagbubukod,

bawat isang Spirit Beast sa unang pagkakataon ay mabilis na tatalikod at tatakbo palayo na

bahag ang mga buntot…

Ang iba pa nga ay hinimatay sa entablado, bumubula ang bibig at nakatirik ang mga mata…

tulad ng mabangis na tigreng Spirit Beast sa umpisa!

Sa ganoong pagkakataon, lahat ng sumubok na humanap ng dahilan tungkol sa kakaibang

pangyayari upang pangatwiranan ang kanilang mga palagay at mabilis na nanahimik.

Nang mangyari iyon sa isang Spirit Beast, naisip nilang iyon ay aksidente lamang, dalawang

Spirit Beast maaaring nagkataon lamang ngunit sa ikatlo… sa ikaapat… sa ikalima…

Naintindihan na ng mga tao na hindi iyon aksidente lamang o kaya ay isang hamak na

pagkakataon ngunit… iyon ay dahil sa walang muwang at inosenteng tupa!

Nakita ng kanilang mga mata na kahit ang matayog at dakilang mga Spirit Beast ay takot na

takot na naging dahilan ng hindi mapigilan na kahihiyan… Ang mga iyon na masakit sa mata

tingnan… ay halos pahintuin at patigilin sa pagtibok ang puso ng lahat!

Sampung laban na mabilis napagtagumpayan. Wala si isang patak ng dugo, walang pagpunit at

paggutay, walang sagupaan. Mula sa umpisa hanggang sa huli ay mabilis itong natapos.

Sa oras na ibukas ni Lord Meh Meh ang kaniyang bibig, lahat ng Spirit Beasts ay natutumba at

nagmamakaawa!

Ang mga taong nagtungo sa Spirit Beast Arena upang sumubok sa mga labanan ay mga taong

walang pag-aaring Spirit Tamer Bracelet. Nagtungo sila doon upang makakuha ng tagumpay,

upang makakuha sila ng Spirit Tamer Bracelet na inaalok bilang premyo sa Spirit Beast Arena.

Lahat ng kanilang Spirit Beasts ay tanging mababang uri ng mga Spirit Beasts lamang at wala

man lang isang mataas na uri sa kanila!

At sinumang nagmamay-ari ng Spirit Tamer Bracelet ay hindi pinapayagang lumahok sa mga

labanan sa Spirit Beast Arena.

Ang ilagay sa kumpol ng mga mababang uri ng Spirit Beasts, si Lord Meh Meh na isang

Guardian Grade Spirit Beast na itinago ang malakas na presensiya ay tila isang tagak sa kawan

ng mga manok, mataas na nakatayo sa karaniwang mga hayop! Isantabi na ang kumpetisyon.

Sa buong sampung laban ay hindi kinailangan ni Lord Meh Meh na iangat ang kaniyang paa

mula sa lupa miski isang beses. Ang kailangan lamang nitong gawin ay ibukas ang bibig ng

sampung beses, umunga ng sampung beses at ang mga kalaban niya ay mabilis na natalo,

mdaling napanalunan ang mga laban…

Dahil sa nasanay silang makakita ng malupit at patayan sa pagitan ng mga Spirit Beasts, ang

mga manonood ay nakaramdam ng pagkalito at kaguluhan.

Hindi nila mahanap ang tamang salita upang ipahayag kung ano ang nararamdaman nila ng

mga sandaling iyon.

Ang tanging nais nilang sabihin ay…

[Anong uri ng kalokohan ang tupang iyon!?]

[Talaga bang may nabubuhay na ganitong mababang uri ng Spirit Beast na kailangan lamang

ibuka ang kaniyang bibig at gawin ang ingay na iyon at lahat ng mga Spirit Beasts ay hindi na

mapigilan ang takot?]

[Paano naging posible ito!?]

Sa huli, ang tagapagbalita ay nagulantang at hindi makapagsalita. Matapos ang huling laban ay

kinarga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh na "maingat" na nakipaglaban pababa sa entablado

habang ang tagapagbalita ay hindi pa rin tuluyang nakahuma.

Hinarga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kaniyang braso sa ilalim ng mapagmatyag na mata

ng lahat at tumayo sa tabi ni Qing Yu. Si Qing Yu ay tila may masamang pakiramdam ng mga

sandaling iyon.

Kanina lamang ay iniisip niya kung kailangan niyang sagipin ang tupa sa gitna ng labanan

ngunit sa huli… ang tupa ay hindi nagbigay ng pagkakataon sa mga kalaban niya na kumilos

man lang miski isang beses, tinapos ang "laban" sa isang kisapmata, gumuho ang noo'y durog-

durog na niyang puso mula sa matinding pag-aalala.

"Nanalo ako ng sampung laban. Maaari ko na ba hamunin ang top ten ngayon?" tanong ni Jun

Wu XIe kay Qing Yu habang ginantimpalan si Lord Meh Meh sa pamamagitan ng paggulo at

paghimas sa malambot nitong balahibo. Kumpara sa madugo at nakakakilabot na laban noon

ay tinuruan niya si Lord Meh Meh ng pamamaraan na talunin ang kalaban sa ilang segundo at

iyon ay mas kahanga-hanga.

Hindi pa ito naglalabas ng masangsang na amoy ng dugo.

avataravatar
Next chapter