975 Galit ni Lord Meh Meh (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hooowl!"

Ang mabangis na tigre ay tumakbo na tila nakadepende ang buhay niya doon, bakas sa mukha

nito ang matinding takot. Ang sinak na mukha nito ay wala na ang mga senyales ng malakas na

asal kanina!

Sa isang iglap, ang mga tao ay gulat na gulat at hindi makapagsalita.

Walang sinuman ang nakaisip na mangyayari ang ganoong bagay!

Ang may-ari sa mabangis na tigre ay nagulantang, kita sa mukha nito na halos lumuwa ang

mata at napanganga habang ang kaniyang Spirit Beast na tigre ay takot na tumalon palabas ng

battle arena platform, naninigas na pinagulong ang sarili sa lupa!

Anong uri ng sitwasyon iyon?

Ang buong battle arena ay tumahimik.

Ang inaasahan ng lahat na mangyayari ay hindi nangyari. Umikot lahat ng mga pangyayari.

Ang Spirit Beast na dapat ay may kontrol sa kaniyang kalaban at nagpakita ng matinding lakas

sa pamamagitan ng lawa ng dugo ay biglang nanginig na parang isang bagong silang na sisiw

sa braso ng kaniyang tagapangalaga, halos madurog niya ito dahil sa taglay nitong bigat.

Habang ang tupa na dapat ay magiging pagkain ng mabangis na tigre ay ligtas na nakatayo sa

arena platform, walang imik at inosenteng tupa ang hitsura.

Ang mga tao ay napatitig at hindi makapaniwala at nahihirapan silang tanggapin kung ano ang

tunany na nangyayari.

Walang may alam kung ano ang magiging reaksiyon nila sa naging resulta…

Sino ang makapagsasabi sa kanila kung ano ang tunay na nangyari?

Si Qing Yu na nakabara ang puso sa lalamunan ay hindi rin nakahuma. Hindi lamang nagawa ni

Lord Meh Meh na hindi malamon ng buo ng mabangis na tigre, nagawa rin nitong takutin ang

mabangis na tigre na ilang beses ang laki sa kaniya sa pamamagitan lamang ng isang mahinang

"meh"…

Ang naging katapusan ng mga pangyayari ay talagang nagbigay kaguluhan sa mga tao.

Si Lord Meh Meh ay najatingin sa mabangis na tigre na ngayon ay nakabaluktot sa kaniyang

tagapangalaga at takot na takot, at isang malabong bakas ng puring bula ang makikita. Ang

mga mata nito ay halos namumuti na dahil sa matinding takot na nararamdaman ng Spirit

Beast, halos mawalan ito ng malay dahil sa takot!

Dahil sa napakalaking sukat ng mabangis na tigre ay halos madurog ang buto-buto nito sa

ilalim ng mabigat na timbang.

"Meh?" si Lord Meh Meh ay naglakad na sa battle platform at nagtungo sa dulo, ang bilugan

at mabalahibong buntot nito ay masayang kumakawag habang ang ulo ay nakataas at may

tuwang nakatingin kay Jun Wu Xie.

[Nanalo si Lord Meh Meh sa laban? Mayroon ba talaga akong dahon ng lotus?]

Nang makita ang ekspresyon ni Lord Meh Meh na inosenteng nanghihingi ng papuri at

gantimpala ay nawala sa mga mata ni Jun Wu Xie ang panlalamig at malamlam na liwanag ng

tuwa ang bumanaag sa kaniyang mga mata.

Hindi alam ng mga tao na naroon na ang munting bola na tupa sa kanilang paningin ay isang

tunay na Guardian Grade Spirit Beast. Itinatago ang nangingibabaw na presensiya ng pagiging

Guradian Grade Spirit Beast sa anyo ng isang munting tupa. Higit pa roon, laging hinihiling ni

Jun Wu Xie na itago iyon ng may katagalan na rin kaya naman nagawang itago ni Lord Meh

Meh ang tunay na presensiya nito bilang isang Guardian Grade Spirit Beast ng mag-anyong

munting tupa ito.

Ngunit sa mga sandaling ibinukas ni Lord Meh Meh ang kaniyang bibig kanina, ay tinawag nito

ang kapang yarihan bilang isang Guardian Grade Spirit Beast. Para sa mga tao, ang mahinang

tunog ng unga nito kanina ay walang pinagkaiba, ngunit kung makarating iyon sa tainga ng isa

pang Spirit Beast na nagtataglay ng matalim na diwa ng isang hayop ay ramdam nila na ang

unga na iyon ay mula sa isang nakatayo sa pinakamataas na taluktok ng mga Spirit Beasts,

isang babala mula sa amo na isang Guardian Grade Spirit Beast!

Hindi na kailangan pang sabihin na ang mabangis na tigre ay isa lamang mababang uri ng Spirit

Beast, maging sa isang mataas na uri ng Spirit Beast, ang "rawr" ni Lord Meh Meh ay tatakot

rin sa kanila. Hindi nila magagawang labanan si Lord Meh Meh at wala rin silang lakas ng loob

na tumingin ng diretso sa mga mata ni Lord Meh Meh.

Ang mayanig mula sa kinatatayuan nito ay magsasabi na tungkol sa katatagan ng isip ng

mabangis na tigre!

Ngunit lahat ng tungkol kay Lord Meh Meh ay tanging si Jun Wu Xie lamang ang nakakaalam

at wala sinuman sa arena. Sa mata ng mga naroroon, ang kanilang nasaksihan ay kakaiba at

hindi kapani-paniwala!

avataravatar
Next chapter