974 Galit ni Lord Meh Meh (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mabibigat na hakbang ng mabangis na tigre ay dahan-dahang patungo sa arena stage,

mahinang dagundong ang maririnig sa ilalim ng mga paa nito. Ang sulyap nitong may

masamang hangarin ay nakatuon sa masarap at makatas na pain na nasa harap ng kaniyang

mata habang paisa-isang hakbang itong palapit kay Lord Meh Meh.

Nasa dulo ng kaniyang upuan si Qing Yu habang pinapanood ang mabangis na tigre na

papalapit, ang puso niya ay tila nakabara sa kaniyang lalamunan. Siya ay nangangamba na ang

tigre ay maaaring lunukin si Lord Meh Meh ng buo at hindi niya magagawang sagutin iyon kay

Jun Xie. Bagama't ito ay hiniling ni Jun Xie mismo ngunit siya ay inatasang maging kasama ni

Jun Xie at hindi maisip ni Qing Yu kung paano niya ipapaliwanag ang lahat kay Xiong Ba kung

bakit niya pinayagan ang Spirit Beast ni Jun Xie na "makatay" sa unang araw ng bata sa

Thousand Beast City. Hindi kaya siya gutay-gutayin ni Xiong Ba kapag nangyari iyon?

Bagama't hindi siya ang direktang responsable tungko doon… ngunit si Qing Yu ay

nakakasiguro na ang kaniyang kapalaran ay hindi maganda dahil doon.

Sa mga sandaling iyon, si Qing Yu ay seryosong isinasaalang-alang kung magmamadali ba siya

upang sagipin si Lord Meh Meh sa kalagitnaan ng laban. Bagaman iyon ay isang paglabag sa

mga patakaran ng Spirit Beast Arena ngunit kumpara sa galit na galit na Xiong Ba ay mas

pipiliin niya na tiisin ang masasakit na salita mula sa Grand Chieftain.

Habang sa isip ni Qing Yu ay patuloy itong nakikipagtalo, ang mabangis na tigre ngayon ay

nakatayo na sa harapan ni Lord Meh Meh.

Nakatitig ito kay Lord Meh Meh na halos kapareho lanag ng sukat ng kaniyang ulo, ang

mabangis na tigre ay dinilaan ang gilid ng kaniyang labi dahil sa gutom at amoy ng dugo na

nagpataas sa diwa nito, ang pagkauhaw sa dugo ay humihimok dito na lunukin ng buong buo

ang kaniyang pain biktima na nasa harapan niya.

"Rawr!" ibinukas nito ang kaniyang bibig at isang nakakabinging atungal ang lumabas!

Ang atungal nito ay sobrang lakas na maging ang mga manonood na malapit sa may entablado

ay narmdamand sumakit ang kanilang tainga.

Ang may-ari dito na nakatayo sa gilid ay makikitang napakalapad ng ngiti sa mukha.

Nakatayo lamang si Lord Meh Meh at blankong nakatitig, hindi ito gumalaw mula sa

kinatatayuan nito. Patuloy lamang nitong tinignan ang "kuting" na nagtatalsikan ang laway sa

buong lugar. Iniisip niyang ang hininga ng "kuting" ay napakatapang ng amoy, ibang iba sa

malinis na hininga ng pusang itim.

Iniisip ni Lord Meh Meh kung paano niya tatampalin ang munting "kuting" sa kamatayan ng

kaniyang maalala ang pinangakot ni Jun Wu Xie sa kaniya.

Ang tagapakain niya ay nagsabi na kailangan niyang manalo upang makakain siya ng mga

dahon ng lotus. Ngunit ano ang dapat niya gawin upang manalo?

Sa isip ni Lord Meh Meh ay isang paraan lamang ang dapat gawin upang pakitunguhan ang

ibang Spirit Beasts. At iyon ay ang lamunin sila ng buo. Kaya naman ng sabihin na "manalo" ay

hindi nito tunay na naiintindihan kung ano nga ba ang ibig sabihin noon.

Nakatayo lamang si Lord Meh Meh at pinag-iisipang mabuti ang tungko sa bagay na iyon

habang nakatingin sa mabagsik na tigre.

[Ang salitang lamunin sila ay hindi tunog ng pagkapanalo tama ba?]

[Hindi alam ni Lord Meh Meh kung anong gagawin niya!]

Nang marinig ng mga tao ang napakalakas ng atungal ng mabangis na tigre ay naisip na ang

mabilog na tupa ay hindi nakagalaw sa labis na takot at nanigas na sa kinatatayuan nito. Naisip

nilang magiging mafuso ang pagtatapos ng laban.

Sa wakas ay nakabuo ng ideya si Lord Meh Meh. Maaaring hindi nito naiintindihan kung ano

ang ibig sabhin ng manalo ngunit ang ginagawa ngayon ng munting "kuting" na ito ay ang

tamang paraan na gawin iyon, tama?

Kaya naman kinopya ni Lord Meh Meh kung ano ang ginawa ng mabangis na tigre at binukas

ang bibig nito at gamit ang buong lakas upang…

"Meh!"

Ang isang unga na iyon ay hindi man lang umabot sa upuan ng mga manonood at habang ang

lahat ay naghahagalpakan sa pagtawa, isang kakaibang pangyayari ang nakita ng kanilang mga

mata!

Matapos ang banayad at mahinang unga na ni Lord Meh Meh, ang matapang at dakilang Spirit

Beast na tigre kumilos na animo'y tinamaan ng kidlat, ang buong katawan niya ay nanigas at

hindi makagalaw. Ang sulyap na may masamang hanagarin ay biglang nanlaki at ng akala ng

mga tao na susunggaban nito ang bilugang katawan ni Lord Meh Meh, ang mabangis na tigre

ay umikot ang buntot, nangunyapit at natatarantang nangalmot upang makabalik sa

pinanggalingan niya… upang tumakas na bahag ang buntot…

avataravatar
Next chapter