1169 Galit ng Purple Spirit (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa direksyon kung saan patungo ang pinag-anib na hukbo ng tatlong bansa ay isang malaking

hukbo ang palusob sa kanila!

Sa itaas ng hukbo ay lumilipad ang bandila ng Fire Country!

Sa ilalim ng malakas na ihip ng hangin, nagwawagayway ang bandila habang ang tambol

pandigma ay yumanig sa kalangitan!

Ang pinag-anib na hukbo ng tatlong bansa na nasa kalagitnaan ng kanilang pag-atras ay ni sa

panaginip hindi sumagi sa kanilang isipan, na sa eksaktong pagkakataon ng kanilang pag-atras

ay masasalubong nila ang hukbo ng Fire Country!

Sa pinakaharapan ng hukbo ng Fire Country, ay naroon si Qiao Chu at ang iba pang kabataan

na namumuno. Sa ilalim ng malakas na hangin, ay kumaway sila sa nasa malayong si Jun Wu

Xie, ang kanilang mukha ay puno ng lakas, lubos ang kasabikan. Matapos talunin ang mga

kawal ng Prosper Country, hindi na sila nagsayang ng sandali at agad na nagtungo na sa

Imperial City ng Qi Kingdom. Ang talsik ng mga dugo ay hindi pa natutuyo at ngayon ay

makikita sila na paparating at nababalutan ng alikabok.

Ang hukbo ng tatlong bansa ay nakita ang kanilang mga sarili na nakaharap sa hukbo ng Fire

Country at isang kahapis-hapis na panaghoy ang narinig sa buong hukbo!

"Lumusob ang lahat!" Tumalon si Qiao Chu mula sa kaniyang kabayo at lumipad patungo sa

hukbo ng tatlong bansa, ang spirit ring sa kaniyang kamay ay biglang naglabas ng liwanag, at

naghagis ng isang malaking Ying Yang Bear sa gitna ng mga kalabang kawal. Ang malaking

katawan nito ay tila isang gilingan, nang bigla, ang dalawang makapangyarihang paa nito ay

umunat sa magkabilang gilid at hinagis sa ere lahat ng kalabang kawal na nasa palibot nito!

Nakasunod sa likuran, si Hua Yao, Fan Zhuo, Fei Yan at Rong Ruo na tumalon nang sabay-

sabay, ang kanilang ring spirit ay sunod-sunod na lumitaw sa nakakabulag na liwanag, at agad

naging makinaryang pandigma na nagmamadaling lumusob sa libo-libong kalabang kawal na

nasa kanilang harapan!

Ang hukbo ng Fire Country ay isang hakbang lamang sa likuran nila at sila ay matinding

bumagsak sa mga kawal ng tatlong magkakaanib na bansa sa pamamagitan ng pagpatay!

Ang hukbo ng tatlong pinag-anib na bansa ay nagawa nang tarantahin ni Jun Wu Xie at Jun Wu

Yao sa kanilang atake at nawalan na ng kagustuhan na lumaban, ang pagsalakay ng mga kawal

ay nawala ng ang mga ito ay umatras, tumakbo palayo na tila mga aso na namatayan ng mga

amo. Ngayon ay nakita nila ang kanilang mga sarili na tatanggap ng isang paglusob mula sa

mabangis na hukbo ng Fire Country at lahat ng bagay ay naging isang gulo para sa kanila.

Ang pinagsamang kapangyarihan ng hukbo ng Fire Country ay mas mababa lamang sa Rui Lin

Army. Bagama't hindi sila tulad ng Rui Lin Army na ang isang kawal ay kayang patumabhin ang

sampung tao, ang bangis ng isang liyong leon na may pinalakas na moral mula sa isang

kamakailang tagumpay, ay nagdala ng panibagong antas ng kapangyarihan sa mga kawal ng

mga sandaling iyon!

Ang mga hukbo ay nagsalpukan, isang labanan ng kalooban.

Ang pinag-anib na hukbo ng tatlong bansa ay natalo sa aspetong iyon!

Higit pa roon, bukod sa kanilang mga hukbo, wala silang anumang natatanging kawal na

magagawang tumayo laban kay Qiao Chu at kaniyang mga kasamahan na dominante ang

presensiya habang binabayo ang mga natatarantang kawal!

Sa ilalim ng kagila-gilalas na atakeng iyon, ang pinag-anib na pwersa ng tatlong bansa ay

madaling natatalo. Nais nilang umatras pabalik ngunit si Jun Wu Xie at ang dalawang Guardian

Grade Spirit Beasts nito ay nakaharang sa kanilang daan upang makatakas!

Naipit mula sa harap at likod, ang magkakaanib na hukbo na tumupok at nagnakaw sa buong

Qi Kingdom sa loob ng dalawang linggo ngayon ay tuluyang napuksa ng saglit lamang.

Hapis na palahaw at malungkot na panaghoy ang walang tigil na maririnig mula sa kalabang

hukbo!

Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay namumula pa rin, ang buong katawan niya ay balot ng dugo

ngunit wala siyang kahit na anong intensyon na pigilan ang kaniyang mga kamay.

Kung hindi siya dumating dito ngayon, ang mga taong ito ay siguradong walang iiwang buhay

maski isang karaniwang mamamayan na inosente sa loob ng Imperial City ng Qi Kingdom.

Sa kaniyang pagpunta doon, ay marami nang nakitang siyudad ng Qi Kingdom si Jun Wu Xie na

pinagnakawan, ang dugo ay bumalot sa buong lupa sa loob, patay at walang buhay na mga

katawan na iniwan sa kung saan-saan. Ang dati'y maingay at maunlad na mga siyudad ngayon

ay walang kabuhay-buhay at walang laman, kung saan lahat kahit ang mga matatanda na nasa

edad na walumpo hanggang sa mga bagong silang na sanggol, ang kalaban ay walang

pinalagpas kahit isa!

Sa mata ni Jun Wu Xie, ang mga nilalang na ito ay hindi na tao, sa halip ay malupit at

salabaheng mga hayop!

Kapag nakitungo sa mga brutal na hayop, may dahilan ba siya para maaawa?

Sa isang sipa ay tumilapon lahat ng mga kawal sa kaniyang paligid, bigla ay tumalon si Jun Wu

Xie sa likod ng black beast, at ng siya ay nasa ere, ang blue spirit na liwanag sa buong katawan

niya ay nagpalit at naging isang maliwanag na kulay ng purple!

Naghayag ang Purple Spirit!

avataravatar
Next chapter