758 Flame Spirit Auction House (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng tanghalian ay nag hiwa-hiwalay na ang grupo.

Mas maraming alam si Fei Yan tungkol sa Yan Country dahil sa nagpunta na ito dito noon. Bago pa magsimula ang Spirit Battle Tournament ay nagpatuloy siya sa pagkalap ng impormasyon. Bukod sa impormasyon tungkol sa Yan Country's Crown Prince, inaalam niya rin ang tungkol sa mga academy na kasali sa Spirit Battle Tournament ngayong taon.

Sa saglit na oras ng simula ng pagkarating nila hanggang sa tanghalian, kumalat na agad ang balitang sampu lang ang delegado ng Zephyr Academy. Marami na sa kanila ang nakakaalam ng tungkol sa pagbagsak ng Zephyr Academy at mas napatunayan pa iyon ng balitang kumalat.

Nang matapos na si Jun Wu Xie sa pagkain ay hindi siya nanatili sa inn. Dahil sa ang Yan Country ang naturingang pinakamalakas sa balat ng lupa, ang kanilang yaman ay hindi maikukumpara sa iba. Walang binatbat ang ibang siyudad sa Imperial Capital City ng Yan Country. 

Nalaman ni Jun Wu Xie na nasa Imperial Capital City ang pinakamalaking Flame Spirit Auction House sa buong mundo. Iyon ay pag-aari ng isang mayamang mamayan ng Yan Country. Maraming branches ang Flame Spirit Auction House sa buong Yan Country at ang pinakamalaki ay matatagpuan sa Imperial Capital City. Meron sila ng mga pambihira at mamahaling gamit, walang-wala ang Chaan Lin Auction House kumpara dito.

Tanghaling tapat at puno ng mga tao ang kalsada ng Imperial Capital City. Dahil sa paparating na Spirit Battle Tournament, marami ang nagkalat na mga tao dito ngayon. Mga taong galing sa iba't-ibang academy ang kalsadang iyon at ang iba naman ay ang mga pwersang naghahanap ng mga may potensyal na kabataan upang kanilang i-recruit. 

Hindi naman nagbibigay ng komento ang Yan Country tungkol sa intensyon ng mga pwersang napaparito. Hindi dahil sa hinahayaan lang nila iyon, kundi dahil sa kumpiyansa silang kapag mayroong lalapitan ang mga ito, sila ay tatanggihan.

Ganon katiwala sa sarili ang Yan Country dahil sa pangalang kanilang dinadala!

Sinundan ni Jun Wu Xie ang mapang ibinigay ni Fei Yan sa kaniya patungo sa Flame Spirit Auction House. Sa tabi niya ay nakasunod ang isang matangkad at gwapong binata.

"Mayroon ka bang gustong bilhin, Little Xie?" Nakangiting tanong ni Jun Wu Yao. Mukhang wala itong gaanong pinagkakaabalahan kaya nakasunod lang ito kay Jun Wu Xie. May ilang pagkakataon lang na bigla na lang itong mawawala ng ilang oras at bigla ding lilitaw.

Hindi naman siya tinanong ni Jun Wu Xie tungkol doon. Kahit na lagi niya itong naaamuyan ng dugo, nanatili itong tahimik.

"Mayroon akong kailangang mga halamang-gamot." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Magcucultivate ka ba ulit ng elixir?" Tanong ulit ni Jun Wu Yao, magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Simula pa noong una, ang bango na ng halamang gamot ang naaamoy niya dito, hindi katulad ng ibang babae na amoy ng pulbos o di kaya'y nakakahilong amoy ng bulaklak. Sa una ay matapang ang amoy ni Jun Wu Xie ngunit habang tumatagal ay nasasanay na siya at nagiging banayad ang kaniyang pakiramdam tuwing naaamoy niya iyon.

avataravatar
Next chapter