264 First Impression (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumapit si Mu Chen at tumayo sa harap ni Jun Wu Xie, nakatingin sa kalmadong binata bago maging ngiti ang kanyang deretsong mukha.

"Ano ang pangalan mo?"

"Jun Xie." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ang mga nagaabang sa kanyang pagsipa ay nagtaka sa mga nangyayari, dahil banayad ang kilos ng Tanda. Hindi ba't linalabas na dapat niya si Jun Wu Xie ngayon?

"Gugustuhin mo bang pumasok sa Cloud Treading Peak?" Dahan-dahang tinanong ni Mu Chen.

Nagulat si Jun Wu Xie, ngunit walang nakitang emosyon sa kanyang mukha.

Naguluhan ang ibang mga nagha-haing sa mga sinabi ni Mu Chen dahil ang akala nila'y palalayasin si Jun Wu Xie sa mga ginawa niya, ngunit nagawa nalang nilang tumitig kay Jun Wu Xie sa gulat sa mga nangyayari.

Paano nagkaganito?

Ang batang nambastos sa kabanalan ng angkan ng Qing Yun ay dapat pabagsakin! Ngunit nakuha pa niya ang interes ng Tanda ng Cloud Treading Peak?!

Pag natanggap siya sa Cloud Treading Peak, magiging tunay na disipulo na siya ng angkan ng Qing Yun!

Sino ang magaakalang, seswertehin ng ganito ang walang pangalang maliit na binata?!

Ang kailangan lang gawin ni Jun Wu Xie ay umoo, at magiging disipulo na siya ng angkan ng Qing Yun, isang totoong disipulo ng inner house ng angkan ng Qing Yun!

Swerte iyon na mapapanaginipan lang ng marami sa kanila, at marami sa ibang kabataan ay nagtanim ng malalim na pagseselos habang nanggigigil sa galit.

Habang hinihintay ang sagot ni Jun Wu Xie, may isa pang boses na biglaang lumitaw!

"Sandali lang Tandang Mu." Isang matalas at nakakatakot na boses ang nagsalita at narinig ito ng lahat ng naroroon. Napalibutan si Ke Cang Ju ng dilim habang papalapit kay Mu Chen, ang pangit niyang mukha ay hindi matiis.

Sumimangot si Mu Chen, kita ang kawalan ng kasiyahan ni Ke Cang Ju.

"Anong problema, Tandang Ke?"

Hinatak ni Ke Cang Ju ang kanyang paa, ang kanyang nakayukong likod ay nagpalala sa kanyang itsura. Ang laylayan ng kanyang balabal ay mayroong tansong mga kampanilyang nakasabit na nagiingay sa bawat hakbang niya.

"Ang dalawang binata diyan, gusto ko sila." Tinaas ni Ke Cang Ju ang kanyang kamay, at isang kulubot at buto-butong daliri ang tumuri kay Jun Wu Xie at gulat na Qiao Chu na nasa tabi niya.

Lumubog ang puso ni Mu Chen sa pagkakataong iyon.

"Tandang Ke, ano ang ibig-sabihin nito? Sinabi ko na kanina na tatanggapin siya ng Cloud Treading Peak bilang disipulo. Kung kailangan ni Tandang Ke ng iba pang disipulo, maghanap ka sa iba!"

"Ibig sabihin ba nito, pinahihirapan ni Tandang Mu ang mga bagay para sa akin? Akin ngayon ang dalawang binatang ito! Kung mayroon kang pagtanggi, kausapin mo ang Pinakamataas na Puno. Pag pumayag ang Puno, ibabalik ko ang binata, Jun Xie, sa 'yo. Pag tumanggi siya, mas madali kung nanahimik nalang ang Tandang Mu." Ika ni Ke Cang Ju.

Nanggigil si Mu Chen, habang nakatitig ng masama kay Ke Cang Ju. Lahat sila ay nakakaalam sa hindi nila pagkakasundp, at laging nakakatanggap ang Cloud Treading Peak ng kaunting pagaaring yaman. Sa kabila naman, si Ke Cang Ju ang pinakasuportado ng Qin Yue. Kapag kinausap niya si Qin Yue, hindi papayag si Qin Yue at tiyak na tatanggihan ito.

Halata na nang-aagaw ang taong ito!

Nagtalo ang dalawang Tanda sa harap ng lahat, at mas nagselos lang ang ibang kabataan kay Jun Wu Xie.

Ano ba ang meron sa batang iyon na pinag-aagawan siya ng dalawang Tanda ng angkan ng Qing Yun?!

Hindi alam ng lahat, na ang Jun Wu Xie na pinagseselosan ng mga kabataan, ay hindi natutuwa. Sumimangot siya kay Ke Cang Ju na biglaan nalang nangialam. Hindi niya inakalang aagawin siya nito mula kay Mu Chen.

avataravatar
Next chapter