263 First Impression (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang tingin ng pagmamadali at pagkairita ay nawala sa mga mukha ng lahat ng Tanda. Kahit ang mukha ng pinakanakatatandang Tanda ay nagulat sa mga sinabi ni Jun Wu Xie.

Ang pangangalaga at pag-uunlad ng mga ugat ay ang pinakakomplikado sa iba't ibang larangan ng medisina. Ang masalimuot na pagkakahabi ng mga ugat sa loob ng katawan ng tao ay sapat para pasakitin ang ulo ng sinuman, hindi maiisasantabi, na ang pag-aaral dito para sa pagtatama at paggagamot ay kailangan kapag may mga problemang lumilitaw!

Sa dami ng mga ugat na magkakabuhol, at kahit na maliit na parte lang ang may problema, pwedeng madamay ang buong katawan. Kahit na ang piling paggagamot ay makilala, marami ang hindi sigurado kung wala bang madudulot na pinsala ang paggagamot sa iba pang ugat! Kaya naman, pag may lumilitaw na problema sa mga ugat ng isang tao, ito ang pinakamahirap gamutin, dahil hindi lang sa parteng may problema kailangan ang paggagamot, kundi sa buong katawan!

Ang maliit na binata ay hindi lang sinabi kung ano ang problema ng disipulo sa loob ng maikling panahon, kundi nagsabi rin ng mga pwede nitong gawin para gamutin ang kanyang sarili. Ang mas nakagulat pa sa kanila, ay mukhang simple ang paggagamot na sinabi niya, at hiwa-hiwalay. Ngunit kung gawin lahat ng paggagamot na sinabi niya, kahanga-hanga ang magiging resulta! Habang inaalis ang sakit sa pantaas na katawan, lilinisin rin nito ang masa baba. Habang ginagamot ang pambaba, inaalis rin ang mga dipirensya ng pantaas na katawan…

Ang mga paggamot na sinabi ni Jun Wu Xie ay malapit sa isa't isa. kung tinignan ang mga paggagamot ng isa-isa, hindi sila kahanga-hanga. Ngunit kung titignan ng magkakasama, ang pagkakasunod-sunod na ito ay isang siklo, at walang nakitang maling epekto ang mga Tanda mula sa mga paraang ito!

Ilang taon na ang binatang ito? At marami na siyang alam tungkol sa pag-aalaga sa mga ugat at pagama sa katawan ng tao?!

"Tangang Mu, tama ba ang mga sinabi ng maliit na binata?" Malayo ang pagkakaintindi ng ibang mga Tanda sa mga ugat kumpara kay Mu Chen, at para matiyak kung totoo ang mga sinabi ni Jun Wu Xie, kailangan nila siyang tanungin.

Sa pagkakataong iyon, walang pakialam si Mu Chen sa mga tanong ng ibang mga Tanda. Mula ng sabihin ng maliit na binata ang mga salitang iyon, nakatutok na ang kanyang mga mata kay Jun Wu Xie!

Mahigit isang dekada na niyang itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aaral tungkol sa mga ugat. Pinagpala na siya sa murang edad, at ang lahat ng trabahong inilaan niya ang tumulong sa kanya para lampasan ang sinuman sa kaalaman tungkol sa mga ugat sa buong angkan ng Qing Yun. Kaya naman, walang ibang makakapagsabi na kumpleto ang sinabing pagkakasunod-sunod ng paggagamot ni Jun Wu Xie kundi siya!

Kahit para sa kanya, baka hindi rin niya naisip ang mga sinabi ni Jun Wu Xie!

"Ang binatang iyan, gusto ko siya!" Wala siyang balak na magpaliwanag sa ibang mga Tanda, ang madalas na kalmado na Mu Chen ay nagdeklarang gusto niya si Jun Wu Xie na matanggap sa Cloud Treading Peak sa ilalim niya!

Sa mga sinabi ni Mu Chen, naintindihan na siguro ng ibang Tanda, diba?

Tama nga ang sinabi ng binatang iyon! O Hindi mag-iiba ang ugali ni Mu Chen para angkinin ang isang nagha-haing!

Alam ng marami na madalang tumanggap si Mu Chen ng sinuman bilang disipulo sa Cloud Treading Peak sa mga nakaraang buwan, at ang bilang ng mga bagong disipulo na tinanggap niya sa isang taon ay mabibilang sa isang kamay.

Nang makita na nakahanap si Mu Chen ng kakaibang kayamanan, nahahatak ang mga mata ng ibang Tanda. Kumpara sa ibang walang kabuluhang pagpapakita ng ibang mga kabataan, mas bumaba ang kanilang loob sa pagpapakita ni Jun Wu Xie ng kanyang kaalaman sa Medisina, at naisip nilang agawin siya mula kay Mu Chen!

Madalang na kayamanan ang lumitaw ngayon at maramot si Mu Chen na angkinin lang siya ng ganun lamang.

Naiinggit ang ibang Tanda, ngunit wala na silang sinabi pa. Maalam ang binata sa mga ugat at iba rin iyon sa mga espesyalidad nila. Mas nakabubuti si Mu Chen para gabayan siya.

Ang ibang kabataan ay naghihintay sa pagsabog ng sitwasyon nang makita nila ang pinakabatang Tanda na palapit kay Jun Wu Xie, at lumaki ang kanilang mga ngiti sa kanilang paghihintay sa pagtapon kay Jun Wu Xie mula sa bundok.

avataravatar
Next chapter