1064 Exploit Its Worth (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oo naman. Kailangan lang na umabot sa sukdulan ang iyong kapangyarihan at magagawa mo iyon." Nakangiting sagot ni Jun Wu Yao.

Hindi akalain ng Soaring Serpent na ilalantad siya ng isang demonyong panginoon dahil sa galit sa kaniya.

"Kaya kong gawin ang breakthrough ngayon." Seryosong saad ni Jun Wu Xie. Matagal na siyang nanatili sa green spirit at hindi niya nagawang magpaangat ng spirit level dahil sa sobrang pagiging abala niya. Ngunit ngayong narito sa kaniyang tabi si Jun Wu Yao, hindi niya kailangang mangamba.

"Sige. Tutulungan kita." Saad ni Jun Wu Yao at pinisil ang ilong ni Jun Wu Xie. Kahit na iba ang itsura ngayon ni Jun Wu Xie, kapag tinitignan niya ito sa mga mata ay para bang nababakas niya ang kaluluwa nito.

Umupo agad si Jun Wu Xie sa kaniyang kama at naka half lotus position. Habang si Jun Wu Yao naman ay tahimik na nakaupo at nagbabantay.

Pumikit si Jun Wu Xie, makalipas ng ilang sandaling kadiliman ay nakita niya ang pares ng mata ng ahas na nagbabaga.

"Nandito ka bata? Nahanap mo ba ang Devious Wyvern?" Bumakas ang pag-aalala sa mata ng Soaring Serpent.

Tumingin lang si Jun Wu Xie sa Soaring Serpent at hindi sumagot. Inulit niya lang ang kaniyang ginawa noong kaniyang inabsorb ang Soaring Serpent.

Naramdaman naman iyon ng Soaring Serpent. Kaka galing lang ng kaniyang spirit power at heto kinukuha nanaman sa kaniya paunti-unti!

"Bata! Anong ginagawa mo!?"

Tuloy-tuloy ang paglabas ng spirit power sa katawan ng Soaring Serpent na labis nitong kinatakot. Gusto nitong tumakas sa ginagawa ni Jun Wu Xie ngunit wala siyang magawa!

Nilulukob siya ng kadiliman at pabawas ng pabawas ang kaniyang lakas.

Bahagyang tumingala si Jun Wu Xie at tumingin sa nahihintakutang Soaring Serpent.

"Pasensya na, bago mo ako gamitin, kailangan muna kitang gamitin."

Nagitla ang Soaring Serpent. Naisip nitong magpapatuloy si Jun Wu Xie na gumamit ng ibang ring spirits para magpalakas. Hindi nito akalain na siya ulit ang gagamitin ni Jun Wu Xie ngayon. Kumpara sa ibang ring spirits, di hamak na mas malakas talaga ang Soaring Serpent. Kahit na hindi pa tapos na gumaling ang spirit nito, mas malakas pa rin ito kumpara sa ibang ring spirit na sinila ni Jun Wu Xie!

Hindi makontrol ng Soaring Serpent ang kaniyang sarili ng mga oras na iyon. Kayang kunin ni Jun Wu Xie ang lahat ng gusto niyang kunin at walang magagawa ang Soaring Serpent doon.

"Huwag! Huwag! Paano nangyari 'to! Paano nangyari 'to!" Kumiwal-kiwal ang ahas. Sinusubukan nitong alisin ang nararamdaman.

Binalak nitong linlangin si Jun Wu Xie para sa sariling kapakanan ngunit hindi nito inaasahang mabibigo ito. 

Magkakrus naman ang braso ni Jun Wu Yao habang nakaupo at nakapako kay Jun Wu Xie ang tingin nito. Hindi niya na malayang sa mapulang labi pala nakatuon ang kaniyang atensyon. Dahan-dahan siyang yumuko at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Jun Wu Xie.

Sa pagkakataong walang ibang mararamdaman si Jun Wu Xie, dinampian ni Jun Wu Yao ng halik ang mga labing iyon.

avataravatar
Next chapter