1063 Exploit Its Worth (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pero sinubukan ko na sa ibang spirit stones. Hindi naman ganoon ang nangyari." Naguguluhan si Jun Wu Xie, kung talaga ngang kaya niyang sumigla ng spirits gamit ang spirit stones ng mga ito, bakit hindi iyon gumana sa ibang spirit stones?

Tumawa si Jun Wu Yao bago sumagot: "Kahit na ang mga spirit stones ay may lamang spirit powers, hindi sila makokonsiderang true spirit body. At hindi mo magagawang silain iyon. Tanging ang buto ng spirit tree lang ang makakakuha ng spirit power sa spirit stone na sisilain mo. Sa ngayon ay bata pa ang buto ng Spirit Tree kaya limitado pa lang ang kakayahan nito. Kung hindi dahil sa pagwawala ng Soaring Serpent, hindi gagamitin ng buto ang kaniyang kapangyarihan sa kahit anong spirit stone. Namimili ang Spirit Tree ng Spirit Beasts na may pambihirang kakayahan."

Kung gusto ni Jun Wu Xie na sumla ng spirits ng kahit anong Spirit Beast gamit ang spirit stones, kailangan muna niya iyong gawing spirit stone. Ngunit may partikular na Spirit Beast lang itong pinipili.

Ilang sandaling napaisip si Jun Wu Xie bago niya tuluyang naintindihan ang sinabi ni Jun Wu Yao.

"Ang ikalawang ring spirit, ano 'yon?" Yumuko si Jun Wu Xie at tinignan ang kaniyang mga daliri. Kahit na hindi niya pa nakikita ang kaniyang ring spirit, nararamdaman niyang naroon iyon sa kaniyang mga daliri.

"May sariling isip ang mga ring spirits, sila mismo ang pumipili sa mag-mamayari sa kanila. Dahil sa kapangyarihan mo, hindi na masama ang pangalawa mong ring spirit." Paniniguro ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie.

"Ano ang ring spirit mo?" 

Hindi pa niya kailanman nakikita si Jun Wu Yao na gumamit ng ring spirit. Siguro ay dahil sa sadyang malakas lang talaga ito, hindi na niya kailangang gumamit ng ring spirit.

Saglit na nag-isip si Jun Wu Yao bago sumagot kay Jun Wu Xie.

"Wala akong ring spirit." Marahang sagot ng lalaki.

Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie. Mayroong ibang mga tao dito sa mundo na hindi pa nagigising ang kanilang ring spirits. Ngunit para sa mga taong wala talagang ring spirit ay mabagal ang pagtaas ng kanilang spirit power. Napakaimposible sa mga taong iyon ang maging kasing-lakas ni Jun Wu Yao.

Ngunit ngayon ay kakasabi lang ni Jun Wu Yao na wala siyang spirit power.

Malungkot na humarap si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie at nagsalita: "Ngayong nalaman mong wala akong ring spirit, kamumuhian mo na ba ako?"

Mabilis na umiling si Jun Wu Xie.

"Kahit na wala akong ring spirit, kaya pa rin kitang protektahan Little Xie." Abot hanggang mata ang ngiti ni Jun Wu Yao. Punong-puno ng kasiguraduhan ang kaniyang sinabi kay Wu Xie.

Yumuko lang at hindi sumagot si Jun Wu Xie. Ayaw ni Jun Wu Yao na nakikita niyang ganoon si Jun Wu Xie kaya naman ay sinakop niya ay hinila niya ito at niyakap.

"Gustong tumakas ng Soaring Serpent ngunit wala siyang magagawa. Sa bawat araw na nasa katawan mo siya, patuloy mong sisilain ang kaniyang kapangyarihan. Kahit pa na patuloy siyang ginagamot, hindi niya pa rin magagawang makatakas sa pagkuha mo ng kapangyarihan niya. Hanggat mapapanatili mo siya sa katawan mo ay wala siyang magagawa. Kahit hanggang sa umabot ka na sa puntong...sa'yong spirit level breakthrough, hindi mo na kailangang sumila ng ring spirits. Ang pag-absorb lang ng kapangyarihan nila ay sapat na." Biglang nagbaga ang mga mata ni Jun Wu Yao matapos niyang sabihin iyon. Ang isang Spirit Beast ay nagtatangkang lokohin ang kaniyang Little Xie?

"Pwede kong gawin 'yon?" Tumingala si Jun Wu Xie dito. Kung posible nga talaga iyon ay mas mainam.

avataravatar
Next chapter