398 Envy, Jealousy, and Hate (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagkaroon ng katahimikan nang naglakad sa entablado ang isang lalaking suot ang uniporme ng mga guro ng Zephyr

Academy. Matigas ang ekspresiyon na ipinaliwanag niya sa mga bagong disipulo ang tatlong main faculties.

Ang mga disipulo ay pinili at pinaghiwa-hiwalay sa iba't ibang faculties base sa kanilang mga ring spirit, maliban sa Spirit

Healer faculty na kung saan may konting pagkaka-iba sa pagpipili ng disipulo. Nang mabanggit ng lalaki ang salitang

"Spirit Healer Faculty", ang lahat ay biglang tumahimik at nakinig.

At bago pa man pumunta ang mga bagong disipulo sa pagtitipon, marami na silang naririnig na bali-balita sa kanilang

mga seniors.Ang pagpili ng disipulo para sa Spirit Healer faculty ay isinasagawa pagkatapos nang unang gabi ng

pagtitipon ng kanilang pagpasok sa academy, at si Gu Li Sheng ang personal na pumipili ng mga disipulo.

Ito ang pangunahing rason kung bakit matiyaga silang naghihintay at nakikinig sa buong leksiyon ng pamantayan ng

Beast at Weapon Spirit na alam na alam na ng mga direktang natanggap na disipulo!

Nag-antay sila buong magdamag para dito! Para lang sa sandaling ito!

Gu Li Sheng!

Ang lalaking nagtatag ng Spirit Healer faculty at ng Spirit Healing. Siya ang nasa tuktok ng golden pyramid na mukhang

nasa dalawampu lamang ang edad.

Ang mukhang bata at parang nasa dalawampu lamang ang edad, ay di aakalaing ang nag-iisa at bukod tanging Spirit

Healer na nagtayo ng Spirit Healing.

Ngunit, walang sino mang mag-aakala at naniniwalang si Gu Li Sheng ay nasa dalawampu lamang.

Sa mata ng nakakarami, ang kanilang alam lamang ay siya ang nagtayo ng Spirit Healing, at at ito ay nasa Zephyr

Academy.

Ngunit ang kanyang pinagmulan, pagkatao, edad at kapangyarihan, ay isang malaking pala-isipan na puno ng hiwaga, at

walang tiyak na nakaaalam.

Walang ibang kilalang Spirit healer bago pa dumating si Gu Li Sheng na siyang nagbigay ng tulong para gamutin ang ring

spirit ng supreme leader ng bansa. Sumikat siya pagkatapos niyang matagumpay na napagaling ito. At dahil dito, ang

kaniyang pangalan ang laging inaabangan at kalaunan ay kaniyang naging propesyon ito.

Nagsimula siya sa isang di kilalang facultyng Zephyr Academy, na kalaunan ay naging isang faculty kung saan bawat isang

disipulo ng Zephyr Academy ay pinapangarap na makapasok.

Bago pa man maging ganap na Spirit Healers ang mga disipulong nag-aaral ng Spirit Healing sa kagawaran, lahat sila ay

nakakatanggap ng paanyaya sa iba't ibang kapangyarihan sa loob ng unang buwan na nakakapasok sila sa Spirit Healer

Faculty.

Si Gu Li Sheng ay naging maluwag sa kanyang mga disipulo. Maliban na lamang sa pagtuturo at pag-gagabay niya sa

kanila ng sining ng Spirit Healing, hindi siya nakikialam sa buhay ng mga ito at hindi niya rin ito pinaghihigpitan sa kahit

ano mang paraan. Dahil dito, ang mga disipulo na nakapasok sa Spirit Healer faculty, walang alintana kung ang

kagustuhan nila ay piliin na manilbihan sa pangalan ng kanilang pamilya o tanggapin ang olive branches na inaalok ng

iba't ibang kapangyarihan, ang kanilang reputasyon at katayuan sa publiko ay naging malawak bago pa man sila

magtapos!

Naging malinaw sa kanila na ang pagkakaroon ng isang Spirit Healer sa kanilang tabi ay nangangahulugan ng

kapangyarihan. At kapag sila ay nagtagumpay sa pagiging isang ganap na Spirit Healer, makakamit nila lahat ng kanilang

minimithi at walang katapusang posibilidad sa hinaharap.

Lahat ng kabataan sa ibaba ng entablado ay sabik na naghihintay sa pagkakataong ito. Kahit nakuha na ni Jun Xie ang isa

sa mga bakanteng posisyon ng Spirit Healer Faculty, may tiyansa pa ang isa o mahigit dalawa sa kanila para makapasok

sa nasabing kagawaran. Nakadepende sa kani-kaniyang kakayahan kung sila nga ay magiging ganap na Spirit Healer.

Tinapos na ng lalaki na may blankong ekspresyon ang buong itineraryo bago nito tiningnan ang mga bagong disipulo sa

kaniyang harap, lahat ng mata nila ay nag-aapoy sa kasabikan.

Taon-taon, sa ganitong pagtitipon, alam ng lalaki kung ano ang inisip nilang lahat.

Ngunit…

Sa pagkakataong ito, sila ay mabibigo.

Nanatiling tahimik ang lalaki bago niya pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga at nagsabing "Alam ko na

lahat kayo ay sabik na hinihintay si Teacher Gu. Subalit, ikinalulungkot kong sabihin na hindi siya makadadalo sa ating

pagtitipon ngayon."

avataravatar
Next chapter