391 Enrollment (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga nakatatandang disipulo ay mabilis na nakapagpili ng kani-kaniyang tuturuan na bagong disipulo

at tanging si Jun Wu Xie na siyang pinakabata sa lahat ng bagong disipulo ang natitira.

Ang isang nakatatandang disipulo na hindi pa nakakakuha ng bagong disipulo ay nakangiwing tumingin

kay Jun Wu Xie. Mukhang dir in siya nagustuhan nito dahil sa maliit na hubog ng katawan ni Jun Wu Xie.

"Ikaw ay labing-apat na taong gulang na?" tanong ng mas matandang disipulo kay Jun Wu Xie.

Marahang tumango si Jun Wu Xie bilang sagot dito.

"Ano ang kategorya ng iyong ring spirit?" tanong pa nito.

"Beast category."

"Sheesh." Mahinang nagmura nag nakatatandang disipulo bago tumalikod kay Jun Wu Xie at hinarap ang

taong nag-aasikaso sa mga bagong disipulo. "Hindi ko matuturuan ang batang ito dahil ang ring spirit ko

ay nasa weapons category."

Ngumiwi na lamang ito sa disgusto. Karaniwan, ang mga bagong disipulo ay ipinapares sa nakatatandang

disipulo na may kaparehong kategorya ng ring spirit dahil ang pagsasanay ay magkakaiba depende sa

kung anong kategorya ng ring spirit. At kahit pa tanggapin ng nakatatandang disipulo ang bagong

disipulo na may ibang kategorya ng ring spirit, hindi niya din ito matuturuan at masasanay ang kanilang

spiritual powers.

Malaki ang ngiti ng mga bagong disipulo na may kaparehas na. Nakangisi nilang tiningnan si Jun Wu Xie

na wala pa ding kumukuhang nakatatandang disipulo.

Ang kanilang inggit at selos kay Jun Wu Xie ay napalitan ng pangungutya.

Ano naman ngayon kung ang batang ito ay nakuha ang atensiyon ni Gu Li Sheng kung lahat naman ng

nakatatandang disipulo ay halos kamuhian siya?

Sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ng kapwa niya bagong disipulo at ang disgusto ng mga

nakatatandang disipulo, si Jun Wu Xie ay nanatiling walang imik at walang kahit na anong emosyon ang

makikita sa kaniyang mga mata.

"Beast category? Iyan din ang aking kategorya." Biglang sabi ng isang matangkad at guwapong lalaki.

Ang kaniyang ngiti ay tila mga bulaklak na bagong sibol pagkatapos ng isang malakas na ulan.

"Senior Fan! Ano ang ginagawa niyo dito?" tanong ng isa ring nakatatandang disipulo na nag-iisip pa din

kung ano ang pwedeng rason upang tanggihan si Jun Wu Xie.

Tumawa lamang si Fan Jin at marahang tinapik ang balikat ng kapwa disipulo at sinabing "balita ko'y

naririto kayong lahat upang salubungin ang mga bagong disipulo dito sa Zephyr Academy at naisip kong

pumarito na rin upang makita rin ang mga bagong disipulo.

Pagkasabi nito'y mariing tiningnan ni Fan Jin si Jun Wu Xie na tahimik lamang na nakatayo sa tabi. Sinuri

niya si Jun Wu Xie mula ulo hanggang paa at ngumiti "may nagmamay-ari na ba sa iyo?"

Malamig na tiningnan ni Jun Wu Xie si Fan Jin ngunit hindi rin sumagot.

Ang maliit na itim na pusa ni Jun Wu Xie ay nagbabadyang lumabas ng dahil sa galit.

[Anong ibig mong sabihin ng pagmamay-ari?!]

[Hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang amo ko!]

Ang nakatatandang disipulo na hindi pa nakakapili ng bagong disipulo ay alanganing umobo at sinabing

"Senior Fan, nais ko mang kuhanin ang batang ito ngunit… ang aming ring spirit ay hindi tugma ang

kategorya. At kahit tanggapin ko siya, hindi ko rin siya matuturuan ng maayos." Ang kaniyang

kaarogantehan at disgusto tungo kay Jun Wu Xie ay tila nawala nang kaharap na si Fan Jin at napalitan

ng kunwaring pag-aalala sa kay Jun Wu Xie.

Tumawa lang ulit si Fan Jin at ikinampay ang kaniyang kamay. "Hindi mo kailangang mag-alala. At dahil

mag-kaiba ang inyong ring spirit, hayaan mong ako ang magturo at magsanay sa kaniya. Medyo matagal

na rin ang huling disipulo na tinuruan at sinanay ko." Tiningnan ni Fan Jin si Jun Wu Xie habang

nakangiting kinakausap ang kapwa nakatatandang disipulo.

"Ano? Senior Fan… ikaw… ikaw ang magsasanay sa kaniya?" hindi makapaniwalang tanong ng

nakatatandang disipulo at iniisip na baka nagkamali lang siya ng rinig.

"Oo! Gusto kong turuan at sanayin ang batang ito." Tumatawang sagot ni Fan Jin.

avataravatar
Next chapter