388 Enrollment (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkalipas ng ilan pang sandali, ang blue robed man ay binitawan na ang kamay ni Jun Wu Xie. Ang mukha nito ay bahagyang namumutla at pawis ang noo nito.

Ang mga taga-Zephyr Academy na nakapalibot sa lalaki ay napansin ang pagkapagal sa itsura nito, kaya naman sila ay lumapit para alalay an ito.

Pinalayo naman ang mga ito ng lalaki.

Ang pagpapagaling sa ring spirit ng bata ay humigop ng mas maraming enerhiya kaysa sa inaasahan at hindi pa nito nagagamit ang sariling enerhiya katulad ng ginawa niya ngayon sa matagal nang panahon. Para bang hindi niya lang pinagaling ang napinsala nitong ring spirit, sa halip ay para nito iyong sinalba sa bingit ng kamatayan.

Mapait na tumawa ang lalaki, sa minsang pagkakataon na magpapakitang-gilas siya, doon pa siya nakatikim ng isang pagsubok. Bibitaw na dapat siya noong hindi na siya komportable, ngunit hindi niya maintindihan ang sarili bagkus nang makita niya ang mukha ng bata sa kaniyang harapan, at ang mata nito ay nagpapakita ng pagkamangha, hindi na makayanan ng kaniyang kakayahan pero pinilit niya pa rin ang pagpapagaling dito.

Sa puntong pagal na pagal na siya ngayon.

"Pagod lang ako, hindi niyo kailangang mag-alala." Tinanggihan ng lalaki ang tulong at muling tinignan si Jun Wu Xie bago ito tumalikod at umalis.

Ramdam ni Jun Wu Xie ang unti-unting paglakas ng espiritu sa kaniyang katawan. Tumingala siya na puno ng pagpapasalamat ang mukha, tinitigan nito ang papalayong likod ng blue robed man at sinabing: "Salamat."

Tumigil naman sa paglalakad ang lalaki at lumingon. Tumingin ito sa walang ekspresyong mukha ni Jun Wu Xie saka ngumiti: "Hindi na kailangan. Disipulo ka na ngayon ng Zephyr Academy at bilang Master dito, dapat lang na tumulong ako sa mga bago. Ikaw si Jun Xie hindi ba? Kung interesado ka pagkatapos mong matanggap, pumunta ka sa Spirit Healers faculty at hanapin mo ako. Ang pangalan ko ay Gu Li Sheng."

Pagkatapos non ay tumalikod na si Gu Li Sheng at umalis na ng tuluyan.

Gu Li Sheng? Spirit Healers Faculty? Pinag-iisipan pa ni Jun Wu Xie ang sinabing iyon ni Gu Li Sheng nang biglang mag-ingay ang mga tao sa harap ng Zephyr Academy!

Kung kanina ay naiinggit lang ang mga kabataan kay Jun Wu Xie, ngayon ay mas lalo pang nainggit ang mga ito nang marinig ang sinabing iyon ni Gu Li Sheng!

Gu Li Sheng! Iyon ang founder ng Spirit Healer faculty!

May bali-balitang ang lahat ng Spirit Healer dito ay nag-aral sa ilalim ng pagkadisipulo kay Gu Li Sheng!

Bago kkay Gu Li Sheng, walang kahit na isang Spirit Healer sa balat ng lupa!

Dahil lang kay Gu Li Sheng kaya nagkaroon ang Zephyr Academy ng Spirit Healer faculty, kaya naman naging sikat ito!

Anong ginawa ng Jun Xie na iyon para mabiyayaan ng ganon!? Ang isang labing-apat na taong gulang na nagtataglay ng orange spirit level ay hindi karapat-dapat na kitain ng kagaling-galang na si Gu Li Sheng! At hindi lang iyon, personal pa itong inimbita ni Gu Li Sheng na sumali sa Spirit Healer faculty!

Nang marinig iyon ng mga kabataan, lahat sila ay galit na galit! Nakatitig sila ng masama kay Jun Wu Xie na parang gusto nila itong lamunin ng buhay.

Bawat isa sa kanila ay hinihiling na mapunta sa Spirit Healer faculty at ang batang iyon ay walang kahirap-hirap na tinanggap doon!

Nakuha pa nito ang atensyon ni Gu Li Sheng at pinasikat na agad si Jun Wu Xie bago pa man ito makapasok ng Zephyr Academy!

Ang mga galit na galit na kabataan ay binaling ang kanilang titig na puno ng selos at inggit sa dalawang taong nagdala kay Gu Li Sheng dito. Lahat sila ay nag-enroll bilang disipulo sa Zephyr Academy, bakit nila iimbitahan si Gu Li Sheng na lumabas at kitain ang isa ring aplikanteng pareho lang nila!?

Ang dalawang inosenteng lalaki ay napasama pa gayong ang ginawa lang nila ay iimbitahan ang kanilang Guro para tignan si Jun Wu Xie na pinagpala ng angking kakayanan, ngunit lubos na napinsala ang ring spirit. Sinong mag-aakalang ang Gurong iyon ay si Gu Li Sheng pala? Walang nag-aakalang makukuha ni Jun Wu Xie ang loob ni Gu Li Sheng at agad siyang tinanggap...

avataravatar
Next chapter