1117 Dumating Ako Upang Iuwi Ka (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Subalit, si Qu Ling Yue ay umaakto na tila isang nagulantang na munting hayop nang siya ay

namaluktot sa matinding takot.

Naramdaman ni Jun Wu Xie na tila nanuyo ang kaniyang lalamunan. Hindi niya alam kung saan

nagmula ang nakakasulasok na pakiramdam sa kaniyang dibdib, ang tanging alam niya ay ang

makita niya si Qu Ling Yue sa nakakalungkot at kahabag-habag na hitsura ay nagpakirot ng

matindi sa kaniyang mata.

Nang makita niya si Que Ling Yue na niyayakap ng mahigpit ang braso sa kaniyang sarili,

nakaupo sa malamig at matigas na bato at ang ulo ay maingat na nakaangat upang tumingin

sa kaniya, biglang naramdaman ni Jun Wu Xie na mas lalong humihirap makahinga. Hinubad ni

Jun Wu Xie ang panglabas na roba at hindi pinansin ang pagpupumiglas ni Qu Ling Yue,

puwersahan niyang ibinalot iyon sa katawan ni Qu Ling Yue, tuluyan siyang tinakpan at

mahigpit na niyakap ang nanginginig na katawan ni Qu Ling Yue.

"Ako si Jun Xie. Hindi kita sasaktan. Huwag kang matakot." himig ni Jun Xie sa banayad na

boses, matiyagang binubulong iyon ng paulit-ulit sa tainga ni Qu Ling Yue upang kalingain ito.

Ang pagpupumiglas ni Qu Ling Yue ay unti-unting kumalma, ngunit ang nawasak na katawan

ay hindi pa rin humihinto sa panginginig.

"Jun… Jun… Xie…" sinubukang ulitin ni Qu Ling Yue ang mga salitang iyon na nahihirapan.

"Mm." banayad na pagsang-ayon ni Jun Wu Xie.

"Jun Xie… Jun Xie…" ang takot sa mga mata ni Qu ling Yue ay unti-unting naglaho, at sa mga

mata nito ay unti-unting bumanaag ang matinding lungkot, hindi pa nagtatagal ang pagiging

kalamado nito, bigla ay marahas muli itong nagpumiglas!

"Iligtas mo ako! Jun Xie… Pakiusap iligtas mo ako…" tila hindi niya alintana na ang tao sa

kaniyang harapan ay si Jun Xie at nagpatuloy ito sa pagpiglas sa pagtangka na makatakas mula

sa lugar na iyon. Ang kadena na nakatali sa kaniya ay malakas na kumalansing dahil sa walang

tigil na paghatak at ang mga sugat ay napunit muli. Umagos ang dugo mula sa itim na

kadenang bakal at dumaloy sa sahig, naghalo sa dugo na hindi pa natuyo!

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie. Kung magpapatuloy si Qu Ling Yue sa pagpiglas ng

ganito, ang kamay at braso nito hindi magtatagal ay malulumpo.

Mabilis na nagdesisyon si Jun Wu Xie, tinipon niya lahat ng spirit powers sa kaniyang kamay at

tiyak na winasak ang kadena na pumipigil sa mga paa ni Qu Ling Yue.

Biglang nakalaya mula sa mga pumipigil sa kaniya, si Qu Ling Yue ay natumba paharap. Nang

walang suporta mula sa mga kadenang nagtatayo sa kaniya ay natumba siya sa sahig sa isang

kahabag-habag na hitsura, ngunit hindi siya nagpakawala maski isang atungal ng sakit at

ginamit ang kaniyang kamay na nababalot ng dugo ay kinaladkad niya ang kaniyang sarili sa

buong sahig na bato, patungo sa labasan ng kulungan.

Doon nakita ni Jun Wu Xie na ang hinlalaki sa kanang kamay ni Qu Ling Yue ay pinutol at ang

sugat ay wala sa ayos na tinakpan ng benda at ang benda ay nangitim na dahil sa dumi at

natuyong dugo…

"Iligtas mo ako… Pakiusap iligtas mo ako…" ang desperadong pagmamakaawa ni Qu Ling Yue

ay parang piniga mula sa kaibuturan ng kaniyang dibdib at tanging iyon lamang ang tanging

naiisip ng kaniyang nalilito at takot na isip nito. Wala siyang pakialam sa sakit ng kaniyang

katawan tanging isispin ang pagtakas mula sa kulungan na iyon, at makalayo sa impiyernong

ito…

"Ye Sha." ang boses ni Jun Wu Xie ay medyo magaspang.

Biglang nagpakita sa loob ng kulungan si Ye Sha.

"Ilayo mo siya upang makapagpahinga, at huwag mo hayaan na magpatuloy siya sa paglaban."

saad ni Jun Wu Xie, at huminga ng malalim. Ang kamalayan ni Qu Ling Yue ay napakagulo, ang

paghihirap nito ng mga nakaraan ay tuluyang dinurog ang puro at inosenteng spirit ng babae,

na naging dahilan upang mawala ang abilidad nito na mabatid ang nangyayari, kaunti na

lamang ang natitira sa kamalayan at tuluyan na itong mababaliw.

Kung ganito ang kalagayan ni Qu Ling Yue, kahit personal siyang gamutin ni Jun Wu Xie, ay

mahihirapan si Qu Ling Yue na tuluyang gumaling.

Tumango si Ye Sha at mabilis na naglakad paharap. Ang paglapit niya kay Qu Ling Yue ay mas

lalong nagpalakas sa iyak nito habang galit na nanlaban ito upang makalayo sa hawak ng lalaki,

ang bibig nito ay paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Jun Xie.

avataravatar
Next chapter