1149 Dugo sa Dugo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makabalik ang mga sundalo, hindi sila nagkaroon ng panahon para magpahinga. Nang makarating sila sa siyudad, lahat sila ay naghanda na para sa pinal na pakikipaglaban!

Mabilis namang nakarating ang kaaway at kumalat ang mga apoy sa paligid ng Qi Kingdom!

Agad namang nagbigay ng senyas ang mga guwardiya ng Imperial City na naririto na ang mga kaaway!

Dumating ang pwersa ng tatlong bansa sa kalaliman ng gabi. Katakot-takot ang awrang pinapakita ng mga kalaban!

Magsisimula na ang pinal na laban!

Sa gabing ito, walang sinuman sa Qi Kingdom ang magkakaroon ng mahimbing na tulog.

...

Sa border ng Qi Kingdom, tahimik na nakarating ang isang batalyon na sundalo!

Bakas sa kanilang mga dinaanan ang pagkasira ng lungsod at mga labi na naiwan. Hudyat na mayroong naganap na giyera doon.

Dumaan doon ang batalyon ng mga sundalo, nakita nilang puro iyon labi ng mga sundalo. Nakipaglaban ang mga ito hanggang sa kanilang huling hininga, ngunit...

Nang makita nila ang kumpol ng mga bangkay, hindi nila maiwasang matigilan.

Isang sundalo ang yumuko at pinulot ang isang badge. Pinunasan niya ang dugo at putik doon. Sa badge ay nakasulat doon ang mga katagang, Rui Lin Army!

"Ibigay mo sakin 'yan." Malamig na saad ng isang tinig.

Natigilan ang sundalo ngunit agad namang tumalima. Lumapit siya sa binatang nakasakay sa kabayo at inabot ang badge dito gamit ang dalawang kamay.

Ang binata ay nakasuot ng pilak na kalasag, hindi masasabing maayos ang itsura nito ngunit ang awrang binibigay nito ay katatakutan ng sinumang tumingin dito.

Hinawakan ng binata ang badge at pinadaan ang hinlalaki sa katagang nakasulat doon. Agad na nanigas ang ekspresyon sa mukha nito.

"Balita! Kamahalan! Limang milya mula rito, mayroong grupo ng mga sundalong dala nag banner ng Prosper Country!" Mabilis ang pagpapatakbo pabalik ng sundalong ito para ihatid ang balita.

Tinago ng binata ang badge ng sundalo ng Rui Lin Army at nag-angat ng tingin. 

"Prosper Country...magaling. Sa kanila tayo magsisimula. Pakinggan niyo ako! Bilisan niyong makarating doon!"

Sa kampo ng Prosper Country, ang Chief Commander ay nakaupo sa kaniyang upuan habang ilang naggagandahang kababaihan ang nakaluhod sa harapan nito. Kaawa-awa ang itsura ng mga kababaihang iyon dahil nakakadena ang kanilang mga kamay at paa. Puno din ng sugat at pasa ang kanilang mga katawan dahil sa latigo. Sila ay mga mamamayan ng Qi Kingdom, nang sila ay makuha ng Prosper Country, sila ay labis na pinarusahan.

"Chief Commander, nakarating na ang Condor Country at ang iba pa sa Imperial City ng Qi Kingdom. Hindi pa ba tayo kikilos?" Naguguluhang tanong ng isang opisyal ng Prosper Country.

Kinuha ng Chief Commander ang wine na inalay ng isa sa mga babaeng bihag at dahan-dahang lumagok doon bago sumagot: "Magpunta doon? Para ano? Kapag bumagsak na ng tuluyan nag Qi Kingdom, tanging ang Condor Country lang ang makikinabang doon. Kapag magpupunta na tayo doon ngayon, tayo ang makikipaglaban para sa kanila. Ang utos satin ng Kamahalan ay alalayan ang Condor Country para makapanghimasok sa Qi Kingdom. At sa oras na bumagsak na nga ang Qi Kingdom, hindi tayo kasama sa magtatamasa ng pagkapanalo. Hindi ba't parang dudumihan lang natin ang ating mga kamay para sa kapakanan ng Condor Country? Di bale hindi na kakayanin ng Qi Kingdom na makipaglaban pa sa tatlong bansa. Kahit na wala tayo, kaya na nila iyon!"

Mapait ang ngiting gumuhit sa labi ng Chief Commander: "Pumunta man tayo o hindi, ganon pa rin ang kinalabasan. Maghanda na lang tayo dito para sa ating pag-uwi."

avataravatar
Next chapter