1199 Drunk Lotus vs. Poppy (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung ang pangunahing gamit ng Imperial Snow Lotus ay sagipin ang mga tao, ang aking silbi

ay magdala ng pinsala sa mga tao.

Ang buong pagkatao ni Poppy, pati na ang prutas at amoy na lumalabas sa kaniyang katawan,

lahat ay mapanganib at nakamamatay, hanggang sa punto na pati ang kaniyang hitsura kahit

saan ay nagpapahayag ng pagdating ng kamatayan.

At nagawa niyang kontrolin ang amoy na iyon, sa mga tiyak na puntirya, para umpekto ang

kaniyang amoy. Ang uri ng pagkontrol na iyon, ay mas dominanteng abilidad kaysa sa amoy ng

Imperial Snow Lotus.

Kung nais lamang niya, ay magagawa niyang mas mangibabaw ang amoy kaysa sa Snow Lotus.

Ang poppy flower na nabuhay upang manira, ay madaling magiging bangungot ng isang tao.

Na papaslang sa mga tao sa walang anyong lason.

Dahan-dahang ipinaliwanag ni Poppy ang kaniyang mga abilidad at sa kalahating yugto ng

kaniyang pagtatanghal, ay bigla niya itinaas ang manggas ng kasuotan upang malantad ang

kaniyang braso.

Inunat niya ang kaniyang kamay, at gamit ang matalim niyang kuko, ay marahas niyang

sinugatan ang balat ng kaniyang braso.

Sa sumunod na sandali, isang puting likido ang umagos mula sa sugat na iyon, at tumulo sa

sahig.

Isang sagtisit na tunog ang narinig!

Maliit na bahagi ng matigas na marmol na bato sa kaniyang paanan ang nasira sa ilalim ng

puting likido, isang usok ang umangat mula sa sahig dahil sa pagkawasak na iyon.

Napataas ang kilay sa mukha ni Jun Wu Xie. Tunay ngang puno ng nakamamatay na lason si

Poppy sa buong katawan nito. Si Poppy bilang isnag ring spirit ay bahagyang naiiba sa mga

poppy flowers na nakasalamuha niya sa nakaraang buhay niya, ang dagta mula sa mga

karaniwang poppies ay hindi naglalaman ng mapaminsalang katangian!

"Nasiyahan ba ang Mistress sa abilidad ng iyong ring spirit?" tanong ni Poppy na nakakiling

ang ulo, habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie at inunat ang kaniyang kamay upang kunin ang prutas sa

kamay ni Poppy.

Minasdan ang prutas, tila may naalala si Jun Wu Xie sa kaniyang isip at agad niyang inilabas

ang sinaunang teksto na nasa loob ng kaniyang Cosmos Sack. Ang mga librong iyon noon sa

Ghost City, ay binili sa ilalim ng udyok ni Little Lotus. Naitala dito ang ilang pamamaraan sa

paglilinang ng mga halaman at matapos mapagtanto ni Jun Wu Xie na ang mga tekstong iyon

ay may naitala sa kung paano maglinang ng Imperial Snow Lotus, ay agad siyang nakarating sa

isang konklusyon sa tunay na layunin ng mga librong iyon.

Maaari na ang mga uri ng halaman na nakatal sa mga librong iyon, lahat ay plant type ring

spirits!

Naalala ni Jun Wu Xie noong binabasa niya ang mga libro, bagama't hindi niya alam ang

hitsura ng bulaklak ng poppy, ay mayroong litrato na kamukhang-kamukha ng prutas ni Poppy.

Tulad nga nang inaasahan, matapos buksan ni Jun Wu Xie ang libro at hanapin iyon, ay nakita

niya ang parte kung saan tinalakay ang tungkol sa prutas ng poppy flower.

Ngunit iba iyon sa Imperiasl Snow Lotus. Ang pagtatanim at paglilinang ng prutas ng poppy

flower ay hindi magbubunga ng isang kumpletong pagsibol ng poppy, sa halip ay magdudulot

sa prutas ng poppy na mas maging nakalalason, hanggang sa kailangan lamang na ibaon iyon

sa lupa at diligan ng lason, at magdudulot iyon sa isang piraso ng lupain na maging naklalason

na latian!

Ang prutas ng poppy ay tunay ngang nakamamatay.

Maingat na inilayo ni Jun Wu Xie ang prutas ng poppy matapos magkaroon ng nalalaman kay

Poppy. Tungkol sa mga kaya pa gawin ni Poppy, ay malalaman niya ang tungkol doon sa mga

darating na araw.

Pagkatapos ng lahat, nang ipakilala ni Little Lotus ang kaniyang sarili noon, ay hindi niya

binanggit na kasama niya si Drunk Lotus.

Sinong nakakaalam baka mayroong itinatago sa kamay si Poppy.

"Sapat na iyan." itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata upang masdan si Poppy, at gumanti

ng ngiti si Poppy. Itinaas niya ang kaniyang braso sa bibig, at ang sugat sa kaniyang braso ay

agad na naghilom.

"Ang aking mga sugat ay mapapagaling lamang ng aking laway at tanging ako lamang ang

maaaring humawak. Anumang nabubuhay na bagay ang mahawakan iyon kahit bahagya

lamang ay agad na mawawalan ng buhay, ngunit para sa mga spirit bodies, hindi nila kailangan

mag-alala." Nakangiting saad ni Poppy.

avataravatar
Next chapter