1196 Drunk Lotus vs. Poppy (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huwaaaaaaaag… Boo hoooooooo…" ang kaawa-awang iyak ni Little Lotus ay halos tanggalin

ang bubungan.

Ang masamang mga mata ni Poppy ay naningkit, ang sulok ng kaniyang bibig ay napangisi ng

masama, ang daliri na nakakwait sa tali ay dahan-dahan na umangat. Ngunit ng ang

pagkakabuhol ay halos matatanggal na, ang tingin niya ay nalipat kay Jun WU Xie na nakatayo

sa may pintuan.

"..." napaangat ang ulo ni Poppy, bakas sa mukha ang bahagyang pagkagulat.

Sinuyod ng mata ni Jun Wu Xie ang buong silid, at ang bahagyang amoy ng poppy na may

humahalong amoy ng lotus ay natangay patungo sa kaniyang ilong.

Nakita niya si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit na nakahiga sa sahig at

nanghihina, walang anumang lakas ang mga binti, umangat ang tingin ni Jun Wu Xie at

diretsong tumingin sa mapulang mga mata ni Poppy, ang kilay sa kaniyang mukha ay

nagbuhol.

Ang bahagyang malamig na sulyap na iyon, ay nagawang mapagtanto ni Poppy na ang

kaniyang bagong Mistress ay hindi nalulugod. Agad niyang itinaas ang mga kamay at sa isang

kumpas, ang bahagyang amoy ng poppy na nahaluan ng amoy ng lotus ay agad nawala ng

walang anumang bakas. Si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit na nakahiga sa sahig

ay agad nadiskubre na ang nawala nilang lakas ay nanumbalik na sa kanilang katawan at ang

dalawang kaibig-ibog na hayop ay agad tumayo!

Iniumpog ni Lord Meh Meh ang kaniyang ulo sa tiyan ni Poppy at ang Sacrificial Blood Rabbit

ay hinintay ang tamang pagkakataon bago nito ipinasok ang dalawang kamay palibot sa braso

ni Litlle Lotus at hinatak pababa.

Ang dalawang kaibig-ibig na mga hayop ay kumilos na may perpektong koordinasyon, tinangka

nilang sagipin si Little Lotus mula sa masamang kamay ni Poppy.

Ngunit…

Ang tali ng bibero ni Little Lotus ay nakakawit pa rin paikot sa daliri ni Poppy at sa malakas na

paghatak na iyon mula sa Sacrificial Blood Rabbit, habang ang munting katawan ni Little Lotus

ay bugsak sa binti ni Poppy, ang pagkakabuhol ay nabaklas…

"Hindi…"

Sa isang kalabog, si Little Lotus ay nahulog paupo sa sahig, at ang pulang bibero na suot niya

sa kaniyang katawan ay nahulog mula sa ere upang sa huli ay malaglag sa kaniyang maliit na

mga binti.

Sa isang maingay na kalansing, makikita na sa ilalim ng pulang bibero, ay kumalat ang iba't

ibang kung anu-ano na nakasalansan at kumalat sa kung saan-saan, nakalatag sa sahig sa lahat

ng direksyon sa palibot ni Little Lotus.

Nang makita ang munting bibero na nasa maputi at maliit niyang binti, ang tanging piraso ng

kasuotan na nagbibigay ng disente kay Little Lotus, na sa sandaling iyon ay pakiramdam niya…

Nang maramdaman ng munting bata ang ginaw sa nakalantad niyang dibdib, ay blankong

napatingin habang nakaupo sa sahig, ang malaking mata niya ay namumula na naman dahil sa

luha, habang natigilan siya sa lugar.

[Siya…]

[Siya…]

[Siya ay hindi na makakaharap kahit kanino kailanman! Waaaaaah!]

"WAAAAAH!!!" Pinulot ni Little Lotus ang bibero at tumayo, lumuluhang tumakbo at tumalon

upang ibaon ang sarili sa ilalim ng kumot, upang umalog at manginig sa pagitan ng mga hikbi.

[Nakita na nila lahat!]

[Ito ay kahiya-hiya!!]

[Nbigong iligtas ang bulaklak, at naging sanhi upang ang bulaklak ay malantad…]

Napakurap si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit, bahagya pa ring naguguluhan.

Sa halip ay itinaas ni Poppy ng walang kabuluhan ang kaniyang kamay, masigasig ang mukha

na tumingin kay Jun Wu Xie.

"Hindi mo ako pwedeng sisihin tungkol diyan. Hindi ko iyan ginawa. Ang dalawang munting

nilalang na iyon na nais protektahan ang munting mangmang ang may gawa."

Bagama't, totoo… May intensyon sa kaniyang utak, ngunit ang biglang pagdating ni Jun Wu Xie

ay naging dahilan upang ihinto niya kung anuman ang ginagawa niya, ngunit ang dalawang

hayop na iyon na nais protektahan ang mangmang na bulaklak, sa huli ay tinulungan pa siya

na gawin iyon.

"Meh…" dahan-dahan na bumaba si Lord Meh Meh sa binti ni Poppy tila kimi habang naglakad

na ang mga paa ay tumutuktok sa sahig at magkubli sa isang sulok, ang ulo niya ay nakaharap

sa pader at ang ipinakita lamang ay ang bilog at malambot na buntot nito kay Jun Wu Xie.

Umasta ito ng "Wala akong alam, wala akong ginawa".

Ang Sacrificial Blood Rabbit naman ay niyakap ang malaki nitong mga tainga at binaon ang

mukha doon, isang literal at klasikong kaso ng pagtakip ng tainga para nakawin ang kampana.

(Translator's Note: Chinese idiom. Ang isang magnanakaw ay tinatakpan ang kaniyang tainga

habang ninanakaw ang kampana sa pag-iisip na walang makakarinig na tutunog ang kampana

kung ito'y hindi niya maririnig.)

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie…

Dahan-dahan niyang naglakad patungo sa kabinet na nasa isang tabi at naglabas ng isang

malaking bote ng masarap na alak.

avataravatar
Next chapter