998 Devious Wyvern (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagawang patayin ni Shanggun Miao si Lord Meh Meh, ngunit sinisiguro ni Lin Feng na

ang munting Spirit Beast na ito ay hindi nagwagi dahil sa sarili nitong kapangyarihan!

Ang hindi karaniwang pamamaraan ay maaring gumana laban sa mababang uri ng Spirit

Beasts, ngunit laban sa isang Guardian Grade Devious Wyvern… iyon ay magdadala lamang sa

iyo sa kamatayan!

Isang malupit na ngiti ang namutawi sa labi ni Lin Feng habang hinhintay niyana dumating ang

sandali.

Nalalapit ng magsimula ang laban. Ang Devious Wyvern ay dinala sa isang bakal na hawla.

Kumpara sa Six Armed Black Ape noong nakaraan, ang Devious wyvern ay mas malaki ng di

hamak!

Ang battle platform ng Spirit Beast Arena ay malapad at malawak. Ngunit nang gumapang ang

Devious Wyvern sa battle stage at inikot ang katawan nito doon, ang nakaikot na katawan nito

ay halos sakupin ang buong entablado! May munting puwang lamang para makatayo si Lord

Meh Meh!

Nang ikumpara ang laki ni Lord Meh Meh sa Six Armed Black Army, ang katawan niya ay

kasinglaki lamang ng ulo ng Six Armed Black Ape. At kumpara ngayon sa Devious Wyvern na

nasa kaniyang harapan, ay kasinglaki lamang si Lord Meh Meh ng mata nito!

Ang buong katawan nito ay nababalot ng makapal na berdeng kaliskis, ang Devious Wyvern ay

inikot ang kaniyang katawan, ang anyo nito ay halos kasinglaki ng maliit na bundok, mas

malaki sa kahit sino na nasa battle stage!

Sa taas ng malaking ulo nito ay may dalawang sungay at mukhang napakatulis nito!

Bigla nitong itinaas ang kaniyang ulo at mula sa kumpas ng bata na nasa ibaba ng battle

platform, ang ulo nito ay pumihit at itinuon ang tingin kay Lord Meh Meh na nasa dulo ng

battle platform.

Dahil sa malaking kaibahan sa pagitan ng sukat ng dalawang Spirit Beasts, ay hindi na

kinailangan na ipagpalagay kung ano ang kalalabasan ng laban na iyon!

Suminghal ang Devious Wyvern at manipis na nakakapasong hamog ang kumalat sa hangin. Sa

paggalaw ng katawan nito, ang mga kaliskis ay nagkiskisan sa bawat isa na naglabas ng sunud-

sunod na pinong ingay, tunog na parang dulo ng mga talim na walang tigil na naghahampasan,

na nagdulot ng pakiramdam ng pagkamanhid nang makarating ang tunog sa tainga ng mga

tao.

Isa iyong laban na malinaw sa lahat ng tao ang resulta. Wala sinuman sa kanila ang naniniwala

na ang makaharap ang Devious Wyvern tulad nito, ang "maswerteng" si Lord Meh Meh ay

magagawa pa ring manalo.

Mulsa sa malakas na presensiya na nilalabas ng Devious Wyvern, lahat ng naroon ay alam na

hindi iyon isang hamak na mababang uri ng Spirit Beast lamang, ngunit isang malaki at kakila-

kilabot na hayop na nasa tuktok ng mataas na uri ng mga Spirit Beasts!

Ito ang unang pagkakataon na may lumabas na isang mataas na uri ng Spirit Beast sa Spirit

Beast Arena.

Ang mga tao ng Thousand Beast City ay kilala ang kanilang mga Spirit Beasts. Mula sa malaks

na presensiyang nararamdaman nila sa mga sandaling iyon, ay naiintindihan nila na ang

mataas na uri ng Spirit Beast ay ibang iba sa maalamat na Guardian Grade Spirit Beast. Sa

harap ng mapang-aping Spirit Beast, kahit halughugin nila ang buong Thousand Beast City ay

hindi sila makakahanp ng nararapat na maging kalaban nito!

Gulat na napasighap at pagkagulantang ang lumabas sa bibig ng mga tao. Natigagal silang

nakatitig na ang mga bibig ay nakanganga sa kadakilaan ng Devious Wyvern. Hindi na ito isang

labanan, sa halip ay naging palabas na ito ng Devious Wyvern. Walang may pakialam kung ano

ang kalalabasan ng laban dahil sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay kanilang nalalaman na

ang munting mabalahibong tupa na Spirit Beast na iyon na nakatayo sa entablado ay

mararating na ang katapusan nito!

Sa harap ng isang mataas na Spirit Beast na nasa taluktok na nito, lahat ng Spirit Beast na mas

mababa sa Guardian Grade ay mamimili sa pagitan ng kamatayan o pagkatalo!

Inobserbahan ni Lin Feng ang reaksyon ng mga tao na nasa loob ng Spirit Beast Arena, bakas

sa mata niya ang matinding kagalakan. Ito ang uri ng rekasyon na nais niyang makita.

[Ang Thousand Beast City ay hindi na kailangan ng tagalabas na magpunta pa rito upang

magpakitang gilas!]

[Ipapaunawa niya kay Jun Xie kung gaanong walang silbi ang Spirit Beast niya!]

[Kahit gaano pa katalino si Jun Xie, ay mapipilitan siyang masaksihan ng sarili niyang mga mata

na nilalamon ng Deviouw Wyvern ang kaniyang Spirit Beast ng buong-buo papunta sa tiyan

nito!]

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang tinititigan ang Devious Wyvern na nasa battle

platform. Ang Devious Wyvern ay eksakto sa pagkakalarawan ni Qing Yu. Ang katawan nito ay

tila sa isang ahas, ang lapad ay halos sa baywang ng isang lalaki. Ang katawan nito ay

kasalukuyang nakaikot, at kung sakaling ilalapat ng maayos ang katawan nito, ang laki nito ay

mas nakakagulat!

avataravatar
Next chapter