995 Devious Wyvern (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil iyon ay ihahandog bilang isang regalo sa taong iyon kaya wala dapat itong makita na

kahit sino bilang kaniyang amo, kaya sa halip ay kinailangan nila itong gawin gamit ang isang

bagay.

"Maghanap ka ng hindi pamilyar na mukha at utusan mo siya na dalhin ang Devious Wyvern

upang lumahok sa Spirit Beast Arena, Sampung sunud-sunod na panalo ang dapat makamit

ngayon at magpadala ng hamo kay Jun Xie at sa kaniyang Spirit Beast. Bukas, ayoko na marinig

na ang Spirit Beast ng batang iyon ay buhay pa." hindi siya direktang makagawa ng kilos kay

Jun Xie sa mga sandaling ito kaya papatayin muna nito ang Spirit Beast niya!

Isang nakakatakot at masamang kislap ang bumalot sa mata ni Lin Feng.

Isang bagong unos ang yumanig sa Spirit Beast Arena. Isang hindi pa nakikitang Spirit Beast

ang namayagpag sa labanan ng Spirit Beast Arena at nagawang matalo ang sampung kalaban

ng napakabilis sa parehong araw. Pagkatapos na pagkatapos ng laban ay nakatanggap ng

hamon si Jun Xie.

Nang ipadala ang hamo sa kaniya ng mga tao mula sa Spirit Beast Arena ay hindi na nagulat si

Jun Xie at kalmado niya itong tinanggap.

Ngunit si Qing Yu ay may ibang nararamdaman tungkol doon, tila may mas higit pa kaysa sa

nakikita lamang ng mga mata at matapos niya tanungin ang lalaki mula sa Spirit Beast Arena,

ang kaniyang pakiramdam ay biglang sumama kung kaya madali niyang pinuntahan si Jun Xie.

"Young Master Jun! Hindi ka dapat pumunta bukas sa laban." saad ni Qing Yu, seryoso itong

nakatingin kay Jun Xie at bakas sa boses nito ang katapatan.

"Bakit?" tanong ni Jun Xie na nakatingin kay Qing Yu.

Nag-aalalang kinagat ni Qing Yu ang kaniyang ibabang labi at sinabi: "Tinanong ko ang mga tao

mula sa Spirit Beast Arena kanina tungkol sa iyong kalaban na Spirit Beast. Sinabi nila sa akin

na dala iyon ng isang bata na hindi pa nila nakikita kahit kailan. Ang katawan ng Spirit Beast ay

tulad ng sa isang ahas ngunit may pares ito ng sungay sa ulo at ang katawan ay nababalutan

ng berdeng kaliskis. Kung tama ang aking hula ang Spirit Beast na iyon ay hindi lamang isang

ordinaryo na mababang uri ng Spirit Beast. Posibleng iyon ang Spirit Beast ng Clan Chief ng Icy

Frost Clan na si Lin Que na nahuli sa kung saan man, ang Devious Wyvern."

"Devious Wyvern?" tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay. Hindi pa niya narinig ang

ganoong uri ng Spirit Beast.

Nagpatuloy si Qing Yu: "Ang Devious Wyvern ay isang mataas na uri ng Spirit Beast ngunit

isang hakbang na lamang upang maging isang Guardian Grade Spirit Beast at naririning lang

namin ang tungkol sa Spirit Beast na iyon dahil sa mga sabi-sabi. Ayon sa mga sabi-sabi, ang

Devious Wyvern ay nagtataglay ng mataas na healing powers at kaya nitong palitan ang

kaniyang mga kaliskis ng tatlong beses. Matapos maghunos nito ng kaniyang kaliskis sa

ikatlong pagkakataon, ay magiging Guardian Grade Spirit Beast na ito. Ang taong iyon ay

minsan ng nabanggit ang tungkol sa Devious Wyvern sa Grand Chieftain at tinanong ang

Grand Chieftain na hanapin iyon, ngunit hindi sumang-ayon ang Grand Chieftain. Sa halip ay

pribadong bumuo si Lin Que brupo ng mga tao at gumugol ng sampung taon bago niya

nahanap ang Devious Wyvern. Ang balita, upang mahuli ang Devious Wyvern, halos isangdaan

sa mga tauhan ni Lin Que ang nawalan ng buhay at tatlo rin sa napaamong mataas na uri ng

mga Spirit Beasts ang sinakripisyo."

Ang balita tungkol sa pagkakahuli ng Devious Wyvern ay inilihim sa Thousand Beast City at

kakaunting mga tao lamang ang nakakaalam tungkol doon. Si Qing Yu ay isa sa masuwerteng

nakakita sa dakilang Devious Wyvern. Nang una niyang makita ang Devious Wyvern ay

kakahuli pa lamang dito at kadadala pa lamang doon. Bagamat halos isangdaang buhay ang

nawala noon, ang Devious Wyvern ay tila hindi nagtamo ng matinding pinsala. Naging

napakabayolente nito ng ito ay nasa kulungan at hindi sapat ang isang ordinaryong kulungan

para dito. Kaya naman naglinang ng kulungan si Lin Que gamit ang makapal na bakal para

lamang dito.

"Ang Devious Wyverns ay natural na isinilang na uhaw sa dugo at gustong-gusto nito na

lumunok ng buong buhay na hayop. Ang katawan nito ay nagtataglay ng matinding self

healing ability at hangga't hindi matindi ang sugat nito ay magagawa nitong malunasan at

gumaling ng mabilis. Alam ko na ang iyong Spirit Beast ay mayroon din kakaibang abilidad

ngunit ang Devious Wyvern ay dalawang beses ng nagpalit ng kaniyang kaliskis at isang beses

na lamang bago ito maging isang ganap na Guardian Grade Spirit Beast, isang Spirit Beast na

hindi kayang talunin ng anumang uri ng Spirit Beast." saad ni Qing Yu, lubos ang pag-aalala

niya kay Jun Xie dahil nakikita niyang lubos ang pagpapahalagi ni Jun Xie kay Lord Meh Meh.

At ang hamo na ito ngayon ay direktang nakatuon kay Jun Xie!

avataravatar
Next chapter