1080 Daing ng Sakit (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Takot na takot ang katulong at natumba ito sa kinatatayuan. Lumuhod ito at nagmakaawa sa harap ni Jun Wu Xie: "Young Master Jun, sandali na…"

Mabilis ang sumunod na pangyayari. Ang lahat ng nakaharang sa daraanan ni Jun Wu Xie ay napugutan ng ulo at kumalat ang dugo sa paligid sa isang iglap lang.

Kumalat ang amoy noon sa paligid. Mabilis na yumakap si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie at isang yapak lang, sila ay lumipad!

"Anuman ang gusto mong gawin Little Xie, gawin mo lang. Hindi mo kailangang mag-aksaya ng laway sa mga iyon." Sabi ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie habang nakangiti.

Nagsalubong ang mga mata ni Jun Wu Xie: "Bumalik tayo sa Fiery Blaze Clan Hall!"

"Okay!" Sagot ni Jun Wu Yao.

Nang dumating si Jun Wu Yao sa main door ng Fiery Blaze Clan Hall agad na sumalubong kay Jun Wu Xie ang amoy ng dugo.

Walang ni isang guwardiya ang nasa labas mg Fiery Blaze Clan Hall. Hindi niya nakita ang dalawang taong madalas na nagbabantay sa labas noon. At ngayon ay nakabukas ang pinto ngunit wala siyang makita ni isang bakas ng tao doon.

Humakbang papalapit si Jun Wu Xie at mas lalong tumapang ang amoy ng dugo.

Nagmadali siyang maglakad papasok at nalaman niyang nanggagaling sa silangang bahagi ang amoy ng dugo!

Narinig ni Jun Wu Xie ang sigawan. Kakarating niya lang sa silangang looban nang salubungin siya ng nagkalat na dugo at kaguluhan!

Nakita niy ang grupo ng kalalakihang nakapaikot kay Sacrificial Blood Rabbit na naliligo sa dugo. Hawak nito si Lord Meh Meh gamit ang bibig. Ang kamay nito ay puno ng dugo at ang balahibo nito ay matingkad na pula dahil sa dugo!

Mahigpit ang hawak ng mga disipulo sa kanilang mga espada sa labas ng silid ni Jun Wu Xie. Nakaturo sa Sacrificial Blood Rabbit ang mga espadang iyon. Marami ang sugatan.

Sa gitna ng mga taong iyon ay si Qu Wen Hao na tinakasan ng kulay ang mukha. Ang braso nito ay kinagat ng Sacrificial Blood Rabbit. Habang nininerbyos na nakatayo sa tabi nito sina Qing Yu at Xiong Ba. Nakatingala ang mga ito sa Sacrificial Blood Rabbit.

Ang Sacrificial Blood Rabbit ay napapalibutan ng ilang tao. Hawak pa rin nito sa bibig ang walang malay na si Lord Meh Meh. Hindi pa rin mababakas ang takot sa itsura nito kahit na ilang sandata na ang nakaturo dito. Bumabakas dito ang tunay na awra ng isang Guardian Grade Spirit Beast!

Nang tuluyan nang maintindihan ni Jun Wu Xie ang nangyayari, agad nag-alab sa galit ang kaniyang puso!

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya. Isa-isa niyang tinignan ang mga disipulong nakatutok ang mga espada at kutsilyo kay Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit.

Para namang kulog na dumagundong ang boses ni Jun Wu Xie. Lahat ay gulat na lumingon kay Jun Wu Xie at Jun Wu Yao na nakatayo sa may pintuan.

Kilala na si Jun Wu Xie ng mga disipulo ng Fiery Blaze Clan, lahat sila ay sinabihan ni Xiong Ba na igalang at pakitunguhan ng maayos si Jun Xie. Idagdag pang kahit kailan ay hindi sila binigyan ng problema ni Jun Xie, nagustuhan ng mga disipulo ang huli.

Ngunit ngayon…

Hinayaan nilang maabutan ni Jun Xie ang ganitong sitwasyon. Ang eksenang kung saan pinapalibutan nila ang Sacrificial Blood Rabbit at handang patayin ito anumang oras.

avataravatar
Next chapter