1079 Daing ng Sakit (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa oras na iyon ay natigilan ang lahat!

Wala ni isa sa kanila anng nag-akala na ang kuneho kanina ay ang Sacrificial Blood Rabbit pala!

Pag-aari ni Jun Xie ang dalawang Guardian Grade Spirit Beasts! Paano nangyari iyon!

Halos mawala sa sarili ang lahat ng magpakita sa kanila ang Sacrificial Blood Rabbit!

Napaka-bihira ang makakita ng Guardian Grade Spirit Beasts at heto si Jun Xie ay mayroong dalawa!

Imposible!

Ang Sacrificial Blood Rabbit's awra ay nangibabaw sa silid. Naglaho ang nagmamakaawang tingin sa anyo nito kundi napalitan ng galit!

Ito ay isang Spirit Beast na ang kapangyarihan ay nagising mula sa dugo at ang pagkauhaw nito sa dugo ay hindi na mawawala kailanman. Nangilabot si Qu Wen Hao nang titigan siya ng kuneho. 

Sa loob naman ng Grand Chieftain's Residence iginiya sila ng mga katulong patungong main hall. Pinag-intay sila ng mga katulong sa main hall, nabanggit ng mga ito na mayroon lang pinuntahan ang Grand Chieftain.

Nabuhay ang paghihinala sa kalooban ni Jun Wu Xie. Biglaan ang pagpapapunta sa kaniya ni Qu Wen Hao pagkatapos ay sasabihin nitong mayroon lang itong importanteng ginagawa. Dahil doon ay nabuhay ang pagdududa sa puso ni Jun Wu Xie.

"Tignan mo kung naririto nga si Qu Wen Hao." Bulong ni Jun Wu Xie. Nakatago lang sila Ye Sha at Ye Mei sa paligid at hindi ito mahahalata ng kahit na sino.

Si Jun Wu Yao naman ay nakatingin lang kay Jun Wu Xie.

"Anong naiisip mo?"

Sumagot si Jun Wu Xie: "Mayroong problema kay Qu Wen Hao."

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Yao.

"Kahit na gusto niya akong makausap, hindi siya magpapadala ng mga tao para magtungo sa Fiery Blaze Clan Hall. Tapos ngayong naririto na ako ay iiwasan niya ako. Hindi ba't kahina-hinala iyon?" Sagot ni Jun Wu Xie. Tumingin siya sa mga katulong na nasa labas lang ng main hall.

Maging ang ekspresyon ng mga taong iyon ay kakaiba. Parang pinipilit nilang maging kalmado. Pero sa mga mata nila, ramdam mong mayroon silang kabang itinatago.

"May nangyari dito, sigurado ako." Maya-maya ay sabi ni Jun Wu Xie.Nagsalubong ang kaniyang mga mata. Napansin niyang hindi siya matingnan ng diretso ng katulong na nagdala sa kanila dito kanina.

"Ano kaya iyon? Hulaan mo, Little Xie." Nakangiting saad ni Jun Wu Yao. Tungkol sa reaksyon ng mga taong naririto ay hindi iyon napansin ni Jun Wu Yao dahil hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi pa ako sigurado sa ngayon. Kailangan kong hintayin ang balita mula kay Ye Sha at Ye Mei." Sagot ni Jun Wu Xie.

Di nagtagal ay bumalik na sina Ye Sha at Ye Mei. Nanatili silang nakatago at nagsalita ng mahina: "Young Miss, naghanap na ako sa buong Grand Chieftain's Residence, wala si Qu Wen Hao dito. Maging si Qu Ling Yue ay mukhang wala din dito."

Kumunot ang noon ni Jun Wu Xie. Tumayo si Jun Wu Xie at nagsimulang magmartsa palabas ng Grand Chieftain's Residence. Sumunod naman si Jun Wu Yao dito.

Agad namang hinarangan ng mga katulong ang daraanan ni Jun Wu Xie nang kanilang makita si Jun Wu Xie na paalis.

"Young Master Jun, paparating na ang Grand Chieftain. Pakiusap hintayin niyo na lang siya. Darating na iyon." Hindi magkandaugagang saad ng isa sa mga katulong.

Malamig na tumitig si Jun Wu Xie dito: "Alis."

avataravatar
Next chapter