186 Crossing Swords ‘Covertly’ (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi alam ni Mo Qian Yuan ang tinatagong sikreto ni Jun Wu Xie. Ang tanging alam niya lang na ang abilidad at lakas ni Jun Wu Xie ay walang kasing lakas. Ang buhay niya nga ay nailigtas ni Jun Wu Xie. Kaya naman lubos niya itong pinagkakatiwalaan.

"Pwede nating gawan ng paraan upang ikaw ay maisali doon, pero kailngan mo maging maingat pag ikaw ay nandoon na. Si Qin Yu Yan ay nagpadala ng may malakas na spiritual power, ngunit ang kakayanan ni Jian Chen Qing ay sobrang lakas."

Tumango si Jun Wu Xie at may biglang pumasok na tanong sa kanyang isip: "Ang kahilingan na gamutin si Mo Xuan Fei ay kay Bai Yun Xian nanggaling?"

Umiling si Mo Qian Yuan: "Hindi, intensyon kong sabihin yun sa piging---ang humingi ng tulong sa kanila para may mapag-usapan. Sa katunayan, kahit hindi ko ito tinanong ay hindi palalampasin ni Bai Yun Xian ang oprtunidad na iyon. Hindi sya hihinto hangga't wala siyang nakukuhang sagot galing sa Qing Yun Clan. Sa oras na aminin ng Qing Yun Clan na hindi nila kayang gamutin ang lason kay Mo Xuan Fei, magbibitaw siya sa kaniyang pag-asa. Alam kong kapag hindi ko ito tinanong, gagawa ng paraan si Bai Yun Xian para tumulong ang Qing Yun Clan, at magdedesisyon ito kung kanino papanig."

Si Mo Qian Yuan ay napahinto bago nagpatuloy: "Sa tingin ko ito ay hindi magiging madali, ang tumulong na manggamot ng walang gaanong sinasabi."

Ang Qing Yun Clan ay walang kahirap-hirap na nagbigay ng tulong.

Kahit maganda ang impresyon ni Mo Qian Yuan kay Qin Yu Yan, nag tataka parin ito na bigla na lang pumayag ang Qing Yun Clan. Hindi sila tipikal na ganoon.

"Bago sila pumayag, nasulyapan ko ang mukha ni Jiang Chen Qing na nandilim at takot mag bigay ng kanyang hinaing. Nakakagulat na biglang pumayag si Qin Yu Yan."

Nagsalubong naman ang kilay ni Jun Wu Xie. Wala siya doon at hindi niya alam kung paano ito nangyari. Ang akala nya ay ang Qing Yun Clan ay pumayag lang sa walang humpay na pagmamakaawa ni Bai Yun Xian. Ngunit ang sitwasyon ay ibang-iba sa inaakala niya.

Ang ideya na ang pangunahing intensyon ng Qing Yun Clan ay para tumulong at mag salba buhay, isa itong malaking biro.

Hindi mabilang ang namatay dahil sa Qing Yun Clan, at hindi nila ito tinulungan dahil walang halaga sa kanila ang mga tao. Walang binigay na katiting na awa sa mga iyon.

Ang kingdom of Qi at Qing Yun Clan ay walang malalim na ugnayan. Si Mo Qian Yuan ay nahirang nang Emperor, kaya naman si Mo Xuan Fei ay wala nang tsansa sa trono. Ang Qing Yun Clan ay hindi mag-aaksaya ng panahon para sa isang mababang duke. Higit sa lahat, dahil sa duke na ito kaya ang sariling disciple ng kanilang angkan ay binigyan sila ng malaking kahihiyan.

Kahit saang angulo niya tignan, ang Qing Yun Clan ay walang sapat na dahilan para ibahagi ang kanilang husay.

Ngunit ginawa nila ito.

"Hayaan mong panoorin ng mga tauhan ng palasyo at eunuchs na nagsisilbi sa Qing Yun Clan na panoorin sila,ipaalam nila sa akin ang kahit anong maririnig at makikita nila." Kailangan maging maingat ni Jun Wu Xie. Kapag siya ay nahuli na may pinaplano na masama sa likod nila, hindi lang siya, kundi pati ang buong Lin Palace ay mapaparusahan.

Bago siya tuluyang maging malakas, mag-iingat siya sa bawat galaw niya.

"Siguro… siguro lang… sadyang nagiging mabait sila?At aalis din makalipas ang dalawang araw?" saad ni Mo Qian Yuan.

Tinitigan naman siya ni Jun Wu Xie. "Masyado itong magandang pakinggan para paniwalaan. Pero malay mo."

Nagkibit balikat lang si Mo Qian Yuan, naiintindihan niya ang rason ng pag-iingat ni Jun Wu Xie. " sisiguraduhin kong susubaybayan ko sila ng mabuti."

avataravatar
Next chapter