185 Crossing Swords ‘Covertly’ (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nadatnan ni Mo Qian Yuan ang isang young eunuch sa isang kwarto matapos niyang kumatok.

Nagdalawang-isip si Mo Qian Yuan sa pintong kaniyang binuksan. Personal siyang namili ng mga katulong at eunuch ngunit hindi niya ito natatandaan.

"Naniwala ba sila?" Nagulat si Mo Qian Yuan nang mapagtantong si Jun Wu Xie ito na nagkukubli sa itsura ng lalake. Kung hindi dahil sa boses at mannerism nito, hindi niya ito makikilala.

Ang itsura nito at ang hugis ng mukha ay malayo sa tunay na itsura nito!

Nagtaas naman ng kilay si Jun Wu Xie. Marahil nag-iba ito ng itsura ngunit ang personalidad nito ay ganun pa din.

"Paano mo ito ginawa…ang magmukhang ganito?" Pinandilatan ito ni Mo Qian Yuan.

"Naniwala ba sila kay Bai Yun Xian?" Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang tanong ni Mo Qian Yuan bagkus ay mas interesado ito sa sarili nitong tanong.

"Naniwala sila, kapanipaniwala ang aming pagpapanggap." Masayang sagot ni Mo Qian Yuan habang inaalala ang mga titig noong mayabang na si Jiang Chen Qing matapos sabihin Bai Yun Xian ang 'katotohanan'.

"Pumayag ba silang gamutin si Mo Xuan Fei?" Muling tanong ni Jun Wu Xie.

"Pumayag sila. Nagmamatigas ang mayabang na Jiang Chen Qing na iyon. Ngunit ang Eldest Miss na si Qin Yu Yan ay mas madaling kausapin. Hindi ko inakalang papayag sila, pero sa huli ay wala rin silang nagawa." Inalala ni Mo Qian Yuan ang mga nangyari sa pagitan nito at ng Qing Yun Clan kanina. Naramdaman niyang si Qin Yu Yan lang ang kahit papaano ay mabait sa kaniya.

Humarap si Jun Wu Xie kay Mo Qian Yun at sinabing: "Gusto kong makita kung paano nila gagamutin si Mo Xuan Fei."

Kinonsidera naman ito ni Mo Qian Yuan at dun niya napagtanto kung bakit ito nagpalit ng kaanyuan. Ang Missy ng Jun Family ay walang rason para pumunta doon. Ngunit bilang isang eunuch, walang makakaalam ng tunay niyang pagkatao.

"Natatakot ka bang baka makagawa sila ng gamot sa iyong lason?"

Umiling naman si Jun Wu Xie, "Kampante ako. Pero gusto kong pumaroon para mas lalong mapag-aralan ang Qing Yun Clan."

Wala man siyang gaanong alam tungkol sa Qing Yun Clan, ngunit base sa lakas ng loob ni Bai Yun Xian at mga kakayanan ng mga physician sa Imperial City, sigurado siyang mas magaling siya sa mga ito. Ang mga gamot at lason dito ay gawa sa simpleng halamang gamot lang at ito rin ang mga gamot na ginagamit sa sinaunang panahon pa ng mga Chinese Medicine. Si Jun Wu Xie naman sa kaniyang dating mundo, hindi niya lang nalaman ang bisa ng mga halaman kundi pinalitan din nila ang genetics ng mga iyon. Kung may access lang siya sa mga laboratoryo dito, nakagawa siya ng mga gamot na higit sa inaasahan ng mga taga rito.

Ang pagkakaiba nila sa kanilang husay sa medesina ay, iisipin ng mga doktor dito na siya ay nagmimilagro.

Sa lasong ipinainom niya kay Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian, bukod sa bubulukin nito ang katawan nila, pumapatay din ito ng cells sa katawan. Ibig sabihin mawawala ang kakayanan nitong lumaban para kusang gumaling. Higit sa lahat, hindi lang isang parte ng katawan ang apektado, kundi ay kumakalat din ito.

Ang epekto nito ay hindi basta-bastang makikita sa pamamagitan ng pagtingin sa pulso nito. Kung wala silang makabagong teknolohiya sa pagsusuri dito, hindi nila malalaman na ito ay isang lason.

Walang ni katiting na kakayanan ang mga tao sa Qing Yun Clan para talunin si Jun Wu Xie sa medisina. Siya ay ang tinaguriang 'genius doctor' sa kaniyang dating mundo.

avataravatar
Next chapter