184 Crossing Swords ‘Covertly’ (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano ba talaga ang nangyari dito, aking binibini? Pinadala mo ang Min Butterfly na sadyang nakapag-paalala sa amin ng lubos. Kung may nang-api man saiyo. Pangakong bibigyan kita ng hustisya." Tumatawang sabi ni Qin Yu Yan. Malumanay ang boses nito.

Ang pulso ni Bai Yun Xian ay normal at mukha namang wala itong pinsala sa kaniyang katawan.

Dahil sa sitwasyong nakikita ni Qin Yu Yan na ibang-iba sa ipinadalang mensahe sa Qing Yun Clan, naisipan niyang maniguro.

Umiiyak ang kalooban ni Yun Xian, ngunit hindi siya pwedeng magpahalata: "Wala na akong maisip na paraan! Nalason si Mo Xuan Fei! Ginawa ko na lahat ang paraang alam ko ngunit hindi pa rin ako makagawa ng makagagamot sa lason. Nasa bingit na siya ng kamatayan, naisip kong tanging si Master lang ang makakatulong sa kaniya! Kaya naman...Gumawa ako ng ganoong istorya."

Natahimik ang bulwagan. Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ni Bai Yun Xian.

Ang istoryang ito ay ibang-iba sa kanilang narinig...

Nang umalis sila sa Qing Yun Clan, ang alam nilang lahat ay may nanakit kay Bai Yun Xian dito sa Qi. Ngunit ibang-iba naman ang sinabi nito ngayon!

"Xuan Fei? Sino iyon?" Tanong ni Qin Yu Yan na naguguluhan pa rin hanggang ngayon.

Nagawang mamula ni Bai Yun Xian at sumagot: "Siya ang Second Prince of Qi. Ngayon siya ang inilagay na duke ng bagong Emperor. Inalagaan niya ako at...nangako kami sa isa't isa na magpapakasal kami."

Mas lalo namang natigilan ang mga delegado nang marinig nila iyon.

Kung hindi nila ito narinig na nanggaling mismo kay Bai Yun Xian, hindi sila maniniwala.

Bilang disciple ng Qing Yun Clan, para sa pagnanais na iligtas ang kaniyang minamahal ay nagpadala ito ng maling impormasyon, magpapunta ng isang hukbo para lang iligtas ang kasintahan nito?!

Namula lalo si Bai Yun Xian nang halos lahat ng matang naroon ay sa kaniya nakatitig. Maging si Qin Yu Yan ay nabura ang ngiti sa mga labi.

"Pasintabi ho, ginawa iyon ni Miss Bai para sa aking kapatid at may pananagutan din ako doon. Kung ang aking mga bisita ay handang tulungan ang aking kapatid, tatanawin ko itong malaking utang na loob." Nakisali na si Mo Qian Yuan para mas maging katotohanan ang kwentong iyon.

Ang pinaniwalaan ng mga ito ay napunta sa pagtulong ng isang babae sa kaniyang minamahal. Lahat sila ay halos hindi makapaniwala. Hindi lang nila ipinadala ang Eldest Miss, nagsama pa sila ng dalubhasa at ngayon ay para itong naging isang malaking katatawanan.

Mas lalong nandilim ang anyo ni Jiang Chen Qing. Nakangisi ito at hindi nagsasalita.

"Espesyal akong nagpahanda ng piging para sa inyong lahat. Tungkol naman sa aking kapatid, hindi ko kayo pipilitin na tulungan kami." Malungkot na ngumiti si Mo Qian Yuan.

Matapos ang matagal na pagtitig ni Qin Yu Yan kay Bai Yun Xian, nagsalita ito: "Ang Kingdom of Qi at Qing Yun Clan ay malapit sa isa't isa. Dahil andito na rin naman tayo, hindi namin tatanggihan ang pagtulong sa isang kaibigan. Pagkatapos kumain, paparoon ako at titignan ang iyong kapatid kasama si Uncle Jiang."

Kunyari namang nagpakita si Mo Qian Yuan ng 'gulat at tuwa'. Agad itong tumango at tumawag ng aalalay sa kanila papunta sa kainan. Sinamantala niya ang pagkakataong ito at pumunta sa kaniyang dating tirahan.

Magmula nang siya ang hiranging Emperor, lumipat siya sa palasyo ngunit iniwan niya ang mga gamit niya sa kaniyang dating tirahan. Bukod sa iniingatan niya ang mga alaalang naiwan doon, ito din ang lugar kung san pinapatuloy niya si Jun Wu Xie at gawin itong base.

Sa oras na iyon, handang handa na si Jun Wu Xie at pumasok na sa palasyo. Para harapin ang Qing Yun Clan, kailangan niyang mag-ingat. Kailangan niyang pag-aralan ang kaniyang kaaway. Kaya naman napagdesisyunan niyang pansamantalang tumira sa Palace para magmatyag.

avataravatar
Next chapter