183 Crossing Swords ‘Covertly’ (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pumasok na ang Qing Yun Clan group sa Imperial Palace at agad namang sumunod si Mo Qian Yuan. Inanyahan ang mahigit dalawampung katao na delegado sa bulwagan.

Tanging sila lang at ang mga katulong sa palasyo ang hinayaang pumasok doon para makaharap ang mga 'bisita' galing sa Qing Yun Clan. Dahil sa pagkalason kay Mo Qian Yuan, hindi pa tuluyang nanunumbalik ang dating lakas ng kaniyang spiritual power. Sa mata ng kaniyang mga kaharap ngayon, hindi kakayanin ng kaniyang spiritual power kapag kinalaban niya ang mga ito.

"Nasaan si Yun Xian?" Umupo si Jiang Chen Qing madilim pa rin ang anyo. Hindi nito pinansin ang hinanda ng mga katulong.

Sumimsim naman si Qin Yu Yan sa kaniyang tsaa at pagkatapos ay ngumiti.

"May inutusan na ako para imbitahin siya patungo dito. Magpahinga muna kayo kahit sandali."

Nang dumating si Bai Yun Xian sa kaharian, maayos siyang pinagsilbihan. Naging arogante ito at si Mo Xuan Fei naman ay hindi gaanong tinatrato ng maayos.

Hindi rin masyadong binigyan ni Jiang Chen Qing ng maayos na pakikitungo ang Emperor!

Siguro nga ay may katayuan ang Elder of Qing Yun Clan!

Sinulyapan naman ni Jiang Chen Qing si Qin Yu Yan at nang makita niyang nanahimik lang ito ay pinili niya na ring manahimik.

Hindi siya gaanong namangha sa maliit na Kingdom of Qi kumpara sa might of the Qing Yun Clan ay walang wala ito. Kung hindi dahil sa ipinarating na mensahe ni Bai Yun Xian ay hindi sila pupunta dito.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay may isang babaeng nakasuot ng puting bestida ang dahan-dahang naglakad palapit.

Si Bai Yun Xian ay nakasuot ng mahabang puting damit. Ang kaniyang buhok ay nakapungos gamit ang isang pearl ornament. Magiliw siyang pumasok at saglit na natigilan sa di niya inaasahang bilang ng tao na naroroon.

Yumukod ito sa harap ni Qin Yu Yan at Jiang Chen Qing bilang pagbati ng may respeto.

Simula nang dumating si Bai Yun Xian ay napako na ang tingin dito ni Jiang Chen Qing. Mapanuri niya itong tinitignan. Naniniguradong maayos na tinrato si Bai Yun Xian.

"Yun Xian, ayos ka lang ba dito? Nag-alala sa'yo ang ama nang matanggap ang iyong mensahe. Kaya lang ay hindi siya makaalis sa clan. Gayunpaman, inutusan niya si Uncle Jiang na samahan ako dito para tignan kung ayos ka lang ba dito." Tumayo si Qin Yu Yan at lumapit sa kaniya upang siya ay alalayan. Nakangiti ito at tila ramdam ang init ng pagtanggap habang ang ekspresyon sa mukha ni Bai Yun Xian ay bahagyang naninigas.

Sa saglit na pagtulong na iyon ni Qin Yun Yan, inabot nito amg kaniya kamay at siya ay pinulsuhan!

"Pinagsisihan kong pinag-alala ko si Master tungkol dito. Nalulungkot lang ako at hindi nakapag-isip ng maayos. Patawarin niyo ako Eldest Miss at Elder." Yumuko si Bai Yun Xian at hindi nito ginalaw ang kaniyang palapulsuhan.

Ang kaalaman ni Qin Yu Yan sa medisina ay mas malawak kumpara sa kaniya. Maaaring siya ay disipulo ng Qing Yun Clan Sovereign pero hindi siya maikukumpara sa anak nito. Sa pagkuha ng pulso sa kaniya ni Qin Yu Yan ay nagpanggap siyang ignorahin ito. Ngunit ang kaniyang puso ay umaasa.

Nang painumin siya ng lason ni Jun Wu Xie, nagawa nitong pakalmahin ang kaniyanh pulso. Walang bahid ng pagkalason.

Malalaman kaya ni Qin Yu Yan na siya ay nalason? Kung malalaman niya ito, ibig sabihin ba ay may kakayahan itong gamutin ito?

Inangat ni Bai Yun Xian ang kaniyang ulo at umaasang tumingin kay Qin Yu Yan.

Binitawan ni Qin Yu Yan ang kaniyang palapulsuhan at ngumiti ito.

Nabigo si Bai Yun Xian.

Gaya ng inaasahan, hindi nito nahulaan ang lason.

avataravatar
Next chapter