209 Combat Lotus (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alam ni Jun Wu Xie kung gaano kalakas si little black matapos nitong magpalit anyo, lalo nang sinila nito ang Golden Lion ay mas lalo pa itong lumakas. Gayunpaman, nakaya ito ni Drunk Lotus at natirang walang magawa ang black beast.

Buong akala ni Jun Wu Xie ay sa ibang bagay lang may pakinabang si Little Lotus. Ang alam niya ay mas mahina pa itong makipaglaban kaysa sa kaniya. Ngunit ngayon ibang-iba pag ito ay si Drunk Lotus.

"Kaya mong makipaglaban?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Drunk Lotus.

Ang mayabang at matapang kanina na si Drunk Lotus ay biglang bumait kay Jun Wu Xie. Mahina itong sumagot: "Madali lang po saakin na labanan ang pusa."

Malayo ang pagkakaiba sa ugali ni Little Lotus kapag siya ay si Drunk Lotus pati na rin sa paraan ng pakikipaglaban.

"Kusang umuunlad ang Snow Lotus sa wine, kung walang wine, hindi gagana ang kakayahan ko." Dagdag pa ni Drunk Lotus. Kung hindi dahil don hindi siya naapi-api ni little black!

"Totoo ang kaniyang sinabi." Sagot din ni Jun Wu Yao. Nararamdaman niya ang interes ni Jun Wu Xie kay Drunk Lotus. Dinagdagan niya ang paliwanag ni Drunk Lotus: "Ganito dapat ang itsura ng mga Snow Lotus, mas maraming wine ang kanilang uubusin, mas lalo silang lumalakas. Nabuhay silang uhaw na uhaw sa wine. Hindi aksidente ang pag-ubos nito sa iyong mga wine."

Tumango si Jun Wu Xie. Kung gayon, ang kaniyang contracted ring spirit ay may malaki palang pakinabang.

Ngunit...

Hindi rason 'yon para sirain at sayangin ni Drunk Lotus ang kaniyang Jade Nectar!

Inabot ni Jun Wu Xie ang baba ni Drunk Lotus, ihinarap sa kaniya at sinabing: "Kung gusto mo ng maiinom, sige. Pero ang mga wine na ito ay hindi mo pwedeng galawin."

Nagitla si Drunk Lotus sa matalim na tingin ni Jun Wu Xie. Hindi siya makapagsalita sa takot, kaya naman ito ay tumango na lang bilang pagsang-ayon.

Binitawan na ni Jun Wu Xie ang baba nito matapos nitong sumagot. Namumroblema na siya dahil sa kakulangan niya ng lakas sa pakikipaglaban, at kahit na alam niyang andiyan ang black cat, hindi pa rin sapat iyon. Kung idadagdag niya si Drunk Lotus sa kaniyang mga kakampi sa pakikipaglaban, hindi ito magiging pabigat.

"Gaano siya kalakas?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao.

Sumagot naman si Jun Wu Yao: "Depende iyon sa dami ng kaniyang iinumin at klase ng kaniyang iinumin. Kung bibigyan ito ng sapat at magandang klase ng wine, madali lang dito ang makipaglaban sa kahit kaninong mas mababa sa purple level spirit." Hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ni Jun Wu Yao ang kakayahan ni Drunk Lotus, samantalang si Jun Wu Xie ay halatang nasisiyahan.

Sa mundong ito, hanggang blue spirit lang ang kaya ng mga ito. Sa nakaraang siglo, wala pa sa mga ito ang nakakaabot ng purple spirit. Ang lakas na ipinakita ni Drunk Lotus pa lang ang pinakamalakas niyang nakita sa Qi!

"Yung wine na binigay mo sakin dati, mayroon ka pa ba?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao.

Ngumiti naman si Jun Wu Yao, nagkakaila si Jun Wu Xie sa kaniyang nararamdaman ngunit hindi ito nahiya na humingi ng wine. Ayaw nitong ipainom ang Jade Nectar at pinagdidiskitahan ngayon ang Jade Moon.

"Hangga't gusto mo, ibibigay ko sa iyo."

"Pwede mo na silang ibaba." Utos ni Jun Wu Xie.

Sa kaniyang pahintulot, lumaya si Drunk Lotus at black beast sa pagkakahawak ni Jun Wu Yao. Ngunit dahil sa presensiya ni Jun Wu Xie, nanatiling tahimik ang dalawa.

"Sa susunod, kapag kailangan mong pawiin ang uhaw mo, sa kaniya ka manghingi." Saad ni Jun Wu Xie kay Drunk Lotus.

Saglit na tumingin si Drunk Lotus kay Jun Wu Yao at agad naman napuno ng pangamba ang kaniyang puso.

Hindi niya kayang talunin ang lalaking ito!

Masyado itong malakas, swerte nito siya ay spirit at hindi tao. Kung tao ito, mapuputol ang kamay nito sa higpit ng hawak na ginawa niya dito kanina, kung hindi man ito mamamatay.

Ngayon ay inuutusan siyavng kaniyang Mistress na dito humingi ng wine---sa katakot-takot na lalaking ito?!

Agad naman napagtanto ni Drunk Lotus na magiging mahaba at mahirap ang kaniyang mga susunod na araw…

avataravatar
Next chapter