254 Cloudy Peaks (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bawat kinsenas ang pinaka-okupadong panahon sa Cloudy Peaks ng angkan ng Qing Yun, napakasigla, at laging may nangyayari. Ang Cloudy Peaks ay bumabaybay sa ilang mga bansa ngunit hindi kabilang ang alinman. Matarik at mapandaya ang Cloudy Peaks at mayroong labing-dalawang tuktok. Gayunpaman, isa lang ang daanan mula sa paanan ng bundok papunta sa tuktok nito.

Hindi kilala ang Cloudy Peaks dahil sa magaganda nitong tuktok, ngunit dahil nakatira sa lahat ng tuktok nito ang angkan ng Qing Yun!

Kilala dahil sa kanilang mga kakayanan sa medisina, ang pinakamakapangyarihang angkan say nagbukas ng kanilang mga pinto sa mga bundok, para tumanggap ng mga talentadong maalam sa medisina sa pamamagitan ng mga pagsusuri. Sa mga pumasa, mayroon silang pagkakataong makapasok sa angkan ng Qing Yun bilang isang disipulo.

Ang angkan ng Qing Yun ay mayroong malalaking lupa, may ilang siglo ng kasaysayan sa likod nila, at may mahuhusay na matatandang nagbabantay sa bawat tuktok.

Maraming sagradong kasulatan at mga talaan tungkol sa medisina na nakatago sa loob ng angkan ng Qing Yun, na isang sagradong kublihan ng sinumang nais magpalalim sa medisina. Ang mga natatanggap sa angkan ng Qing Yun, ay nagkakaroon ng mataas na pagkakakilanlan, at kung matanggap sa Inner House, ang kanilang pagkakakilanlan ay umaabot sa langit.

Marami ang magsasakripisyo ng anuman para lang makakuha ng posisyon sa loob ng angkan ng Qing Yun, at sa mga araw na tumatanggap sila ng mga bagong kasapi, ang malapad na daan patungo sa tuktok ay laging puno ng mga taong galing sa iba't ibang dako ng mundo.

Tumigil ang isang di masayod na karwahe sa paanan ng bundok at isang maginoong binata na mayroong simpleng pananamit ang bumaba. Matapos kausapin ang kutsero, naglakbay na ang binata patungo sa Cloudy Peaks.

Ang pangunahing kalye patungo sa Cloudy Peaks ay puno ng mga taong papunta sa mga bundok. Hindi sila matatanda, labing-walong taon ang pinakamatanda, at labing-apat ang pinakabata.

Ang angkan ng Qing Yun ay mayroong mahirap at mabilis na panuntunan sa kanilang pagtanggap. Tumatanggap lang sila ng mga edad ay nasa gitna ng labing-apat at labing-walo. Ang sinumang mas matanda o mas bata, kahit na kilala, ay tatanggihin.

Wala lang ang panuntunang ito sa iba, ngunit iba ang pagtingin ni Jun Wu Xie dito.

Mula sa edad ng labing-apat hanggang labing-walo, dito mararanasan ng isang tao ang pinakamapamintas na apat na taon matapos magising ang kanilang ring spirits. Dito rin nalilito ang ilang kabataan sa kanilang pag-iisip sa kanilang landas papunta sa kanilang pagtanda. Nais ng angkan ng Qing Yun na tumanggap ng mga disipulo sa mga edad na iyon para mas makontrol ang kanilang pag-iisip at makintal sa kanila ang mga prinsipyo at pilosopiya ng angkan ng Qing Yun.

Sa gitna ng masiglang mga tao, maraming kabataan ang nagtiyak sa kanilang mga kapamilya at naglakbay ng may matapang na dayag

Ang mga kabataan lamang na nais pumasok ang pwedeng umakyat patungo sa Cloudy Peaks, at pwede lamang maghintay ang kanilang mga kapamilya sa paanan ng bundok sa mga balita. Kapag may hindi sumunod dito, paaalisin sila ng mga disipulo ng angkan ng Qing Yun na nakabantay sa paanan ng bundok.

Marami rin ang makikitang hinihila ang kanilang buhok, ang kanilang mga mukha nakabaon sa mga librong tungkol sa medusina para maisiksik ang mga huling salita sa kanilang mga utak.

Iba ang itsura ni Jun Wu Xie, na pinagmamasdan ang ibang katawa-tawang nasa paligid niya. Hindi niya maisip kung bakit ang isang angkan na mayroong karaniwang kakayahan sa medisina ay makakahila ng napakaraming tao na nag-aaway para lang matanggap sila.

Ang kanyang pagkakalma, ay nagdulot rin ng pagtingin sa kaniiya ng ibang kinakabahang umaasa. Tinignan nila ang isang binatang kakaiba, nakasuot ng simpleng mga damit at walang anumang alahas, at kinutya ang kanyang pagkabata. Tumawa silang lahat ng malakas.

"Gusto mong makapasok sa angkan ng Qing Yun?"

"Hindi, nandito lang yan para makita ang mundo. Tignan niyo! Wala siyang dala!"

"Oo nga, pagkatapos kang tanggihan ng angkan ng Qing Yun, mamumulat ang iyong mata sa pinakamakapangyarihang angkan…. Sigh, kaunti lang ang tinatanggap ng angkan ng Qing Yun, kahit ang mga pusang kalye at masugid na mga aso ay sumama para makisaya." Ang maraming may magagandang pananamit na kabataan na nagmayabang na sila'y nanggaling sa mga kilalang manggagamot ay nagbaba ng kanilang mga libro at nagsimulang tuyain si Jun Wu Xie, na nakita ng lahat.

Wala silang malay, na ang kanilang kinukutya, ang dudurog sa kanilang pinakamakapangyarihang angkan.

avataravatar
Next chapter