542 Chan Lin Town (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lord Meh Meh? Mas lalong nalito si Fan Zhuo.

"Saglit." Biglang sambit ni Jun Wu Xie, pagkatapos niya kiuha ang ambag niyang Sprit Stones. Sa paningin ni Qiao Chu at ng iba, inabot at pinili niya ang ibang High Grade Spirit Stones.

"Kailangan ko ang mga ito."

Bihira ang High Grade Spirit Stones at ayaw ni Jun Wu Xie ipalit ang mga ito sap era lang. Mainam ang Spirit Stones kung gagamitin ito sa pag gawa ng bagong singsing, para sa kanilang Ring Spirits, at kahit pa ibigay pabalik sa Rui Lin Army.

Wala ni isa ang nag protesta sa silid sa ginawa ni Jun Wu Xie. Hinayaan nilang kumuha ng dahan -dahan si Jun Wu Xie at ang iba ay tinulungan pa ito mamili.

Wala rin ni isa ang nagtanong kay Jun Wu Xie kung para saan niya ito gagamitin.

Namili na ng ilan si Jun u Xie sa mga nakatambak na High Grade Spirit Stones at ang iba at ang iba ay ibinigay niya na kya Qiao Chu at sa ibang kasama.

Biglang nagtaka si Qiao Chu sa kinilos ni Jun Wu Xie at tinanong niya ito: "Little Xie, ano ang ginagawa mo?"

Di ba kimuha niya ang mga ito? Bakit niya binalik ang mga ito sa kanya?

"Singsing." Sambit ni Jun Wu Xie na nakatingin sa daliri ni Qiao Chu na inuugnay niya sa kanyang Ring Spirit.

Napagtanto na ni Qiao Chu. Bagaman nakasuot sa kanilang singsing ay galing mismo sa Ring Spirits, nandoon iyon dahil may isang pamamaraan pa para mas palakasin ito. At ang napaka kritikal na parte ng proseso nito ay ayusin ang Ring Spirit Stone na makakadagdag sa kapangyarihan ng Ring Spirit, ang pamamaraan nito ay naipasa na sa mula pa sa matagal na panahon.

Para gawin ulit ang Spirit Ring, maliban sa pagpili ng angkop na Spirit Stone, isang mahusay na manggagawa ang kailangan para sa proseso sap ag gawa ng Ring Spirit para lalo pa itong palakasin.

Gawin ang Spirit Ring ay di na iba sa mga ordinaryong alaheroat kahit hindi sila nagtataglay ng mataas na kakayahan, ang epekto nito ay pareho ring mataas.

Hindi sa hindi naisip ni Qiao Chu at ng mga kasama niya ang gawin iyon dati, ngunit namuhay sila ng kulang sa pera bago pa man nila nakilala ang Miss Moneybags Jun Wu Xie, hindi man lang nila kaya bumili ng kanilang damit para sa kanilang sarili, ni hindi man lang nila nabanggit na magpagawa ng Spirit Rings. Maaring nakahanap sila ng paraan para hanapin ang Spirit Stones pero ang halaga nito ay di maikakailang mataas at lagpas pa sa pangangailangan nila. Kaya, nang nagkaroon sila ng Spirit Stones, ang unang pumasok sa isip nila ay ibenta ito para sap era at wala ni sandaling inisip nila ito para sa kanilang sarili.

Nakasanayan na nila ang ganitong kaisipan at hindi nila isinaalang-alang ang kanilang sariling mga pangangailangan.

Ngunit ang ideyang ito ay hindi pinalagpas ni Jun Wu Xie.

Hindi na kailangan pang sabihin, sa kasalukuyang sitwasyon nila sa maliit na pinasyal, ang pera na kailngan para sa pag gawa ng singsing ay siyang babayaran lang din ni Jun Wu Xie.

"Uhm…kailangan ba natin gamitin ang oras na ito para humanap ng gagawa ng singsing para sa atin?" Labis na pasasalamat ni Qiao Chu dahil sa nakikita niyang malalapit na sila sa bawat isa, ngunit nahihiya pa siya masyado at natatakot ng konti para ipakita sa kanila ang kanyang pasasalamat.

Tumango si Jun Wu Xie.

Ang lakas na taglay ng High Grade Spirit ay siyang tunay na mataas at walang sapat na suplay ito sa pamilihan. Ngunit, labis na pagsisisi ni Jun Wu Xie na hindi niya nahanap ang Guardian Grade Spirit.

Ang kapangyarihan na maibibigay ng Guardian Grade Spirit ay pagpapalakas nito sa High Grade Spirit SStone at hindi ito mabibigyan ng halaga.

"Kung kailangan mo ng gagawa ng Spirit Rings, maaaring makatulong ako." Sambit ni Fan Zhuo na tahimik kanina pa at biglang nagsalita ng may malaking ngiti sa kanyang mukha.

"Huh? Little Zhuo, alam mo kung paano?"Sani ni Qiao Chu na nag aabang ng sasabihin ni Fan Zhuo.

Marahang ngumiti si Fan Zhuo sa kanya at tumango.

"Kung pagkakatiwalaan niyo ako, ako an gang gagawa ng Spirit Rings para sa inyong lahat, ano ang masasabi mo?"

Nang matapos banggitin ni Fan Zhuo ang kanyang mga sinabi, nakating si Qiao Chu at ang mga kasama nito na may pagmamanga at nanlaki ang mga mata nila.

Ibig niya bang sabihin ay siya mismo ang gagawa ng Spirit Rings at hindi niya ibig sabihin na kukuha siya ng tao para gawin ito?

"Little Zhuo! Alam mo kung paano gawin ang Spirit Rings!?" Tanong na malakas ni Qiao Chu na may sigaw ng pagmangha ditto habang nakatitig sa payat na anyo nito.

Iyang payat na mga braso at payat na mga binti ay kayang magbuhat ng martilyo?

avataravatar
Next chapter