538 Chan Lin Town (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinanap ni Fan Zhuo si Fan Jin at sinabing siya ay aalis kasama si Jun Xie. Ilang sandaling natahimik si Fan Jin bago nagsalita si Jun Xie para mawala ang kaniyang pag-aalala.

Sa kanilang pag-alis, hindi lang silang dalawa, kundi kasama nila sina Qiao Chu at ang buong grupo.

Dahil sa nasaksihan niyang kakayahan ng grupo nina Qiao Chu, nawala ang pag-aalala ni Fan Jin. Ngunit may kalayuan ang branch division sa main division, kaya naman mahihirapan si Jun Xie na ipaalam iyon kina Qiao Chu. Kaya naman napunta ang trabahong iyon kay Fan Jin.

Bilang anak ng Headmaster, madali lang sa kaniya na tumungo sa branch division at manghingi ng ilang disipulo sa mga ito.

Ang trabahong iyon ay nagawa nong hapon ding iyon. Nagpahanda siya ng ilang karwahe para sa mga ito at pinaalalahanan ang mga ito na mag-ingat sa kanilang paglalakbay.

Ang pinakamalapit na auction house sa Zephyr Academy ay aabutin ng kalahating araw bago marating. Dahil sa kakatapos lang na pagsubok na hinarap ng mga disipulo sa Battle Spirits Forest, sila ay binigyan ng limang araw na pahinga. Sa loob ng limang araw na iyon ang ibang mga disipulo ay napagdesisyunan manaliti sa academy at ang iba naman ay bumubuo ng grupo para sa kalapit na bayan ng Zephyr Academy magpahinga o magbakasyon.

Ang pinakamayamang bayan at maraming kaganapan na malapit sa Zephyr Academy ay ang Chan Lin Town.

Maliit lang na bayan ang Chan Lin at hindi ito gaanong kilala. Dahil sa malapit ito sa Zephyr Academy, ito ay lumaki at yumaman. Labis ang bayarin sa Zephyr Academy at lahat ng mga disipulong naroon ay galing sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya. Kaya naman nakita ng mga negosyante na magandang oportunidad ang magtayo ng negosyo sa Chan Lin Town. Dahilan para ang isang maliit na bayan ay yuumabong.

Sa kanilang pahinga tuwing katapusan ng buwan, ang mga disipulo ng Zephyr Academy na taga-main division at maging ang mga tag-branch division ay sumasakay ng karwahe papuntang Chan Lin Town. Ang mga disipulo ay buong pusong gagastos ng pera doon bilang paraan ng pagpapahupa ng tensyon sa nakaraang buwan.

Ang main division ng Zephyr Academy ay nakahiwalay sa campus ng branch division kung kaya't nagkita na lang ang grupo nina Qiao Chu at Jun Wu Xie pagkarating sa Chan Lin Town.

Habang naglalakbay ang karwahe, nakatanaw sa bintana si Fan Zhuo at ang mga mata nito ay nagniningning sa kaniyang nakikita. 

Dahil sa matagal na niyang sakit, hindi na niya matandaan ang huling beses na siya ay nakalabas sa kakahuyan o kung kailan pa siya huling lumabas ng Zephyr Academy. Maaaring hindi maganda ang daan at arkitekturang kanilang nadadaanan ngunit sa mga mata ni Fan Zhuo ay napakagandang tanawin noon.

Nakikini-kinita na niya sa hinaharap na mahuhuban na niya ang damit ng karamdaman at kaniyang matatamasa ang mga regalo ng mundo.

Habang lumalaki ang kaniyang pagkasabik sa hinaharap, napatingin si Fan Zhuo kay Jun Xie.

Hindi interesado si Jun Xie sa mga tanawin, nang makita niya si Fan Zhuo na lumingon sa kaniya, kaniyang kinuha ang itim na pusa sa kaniyang kandungan at binato iyon kay Fan Zhuo!

"Meow!!"

Para saan iyon!? Ayos lang kaya kung ito ay nahulog sa labas ng bintana!?

Dahil sa ginawang iyon ni Jun Xie, nagulat si Fan Zhuo. Agad niyang kinarga ang pusa sa kaniyang mga bisig.

Hindi na nagpumiglas ang pusa, tumingin na lang ito kay Lord Meh Meh na mahimbing na natutulog sa kandungan ni Jun Wu Xie.

Simula ng dumating ang tupang ito, naging kahati na niya ito sa atensyon ng kaniyang Mistress araw-araw.

[Wala nang "meow" ang kaniyang buhay!]

avataravatar
Next chapter