218 Breakthrough (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang orange glow ng kaniyang spirit energy ay nagtipon-tipon at naging apoy. Maliwanag ito at sumasalamin ang kulay nito sa mga mata ni Jun Wu Xie. Bakas ditto ang saya at pagkagulat.

"Napagtagumpayan ko." Mahinang bulong niya.

"Oo nagawa mo, darling." Marahan siyang hinalikan ni Jun Wu Yao sa kaniyang ulo. Masaya itong masaya si Jun Wu Xie.

Ang kaniyang 'little darling' ay nagbago ng ugali nitong mga nakaraang araw lang at ayaw niyang masira iyon.

Nagawa ni Jun Wu Xie iyon nang mas mababa sa bilang ng oras na kaniyang inaasahan. Mukhang hindi ito nahirapang silain ang Soaring Serpent kung titignan ito ngayon.

Tama siya ng napili!

Para makausad galing sa red spirit patungo sa orange spirit, ilang buwan lang itong nagawa ni Jun Wu Xie kumpara sa iba na inaabot ng ilang taon.

Sa kabilang banda, kung hindi ito ihinanda ni Jun Wu Yao, marahil ay hindi din ito napagtagumpayan ni Jun Wu Xie.

"Narating mo na ang orang spirit level, ang spirit energy na kailangan para sa spirit cultivation ay madadagdagan. Bata ka pa, hindi mo kailangang magmadali." Sinuklay ni Jun Wu Yao ang buhok ni Jun Wu Xie habang sinasabi iyon.

Tumango si Jun Wu Xie. Ang unang Snow Lotus ay namulaklak na. Pagkatapos mamulaklak ng Snow Lotus, mas mababa na ang spiritual energy na binibigay nito. Buti na lang ay nag-alaga si Little Lotus ng mga Snow Lotus seeds noong mga nakaraang buwan, ngayon ay mayroon siyang sapat na magagamit sa ngayon.

Ayon sa mg naisulat na record sa lumang libro, kung ang tubig galing sa Heavenly Spring ang gagamitin, isang buwan lang ang kakailanganin ng Snow Lotus para mamulaklak. Mahihigitan nito ang epekto ng Jade Nectar kung ganon.

Dahil sa nagtagumpay si Jun Wu Xie, hindi niya na kailangang magmadali para ipagpatuloy ang kaniyang cultivation. Tatlong araw ang lumipas habang sinisila niya ang Soaring Serpent. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay marami ang nangyari sa Imperial City!

Binalewala ng Qing Yun Clan ang Imperial Family at pwersahang sinira ng mga ito ang Royal Tomb at ang libingan ni Jun Gu.

Ngunit kahit anong hanap nila, hindi nila makita ang Soul Jade. Gusto na ng mga itong halughugin ang buong kaharian!

Wala nang oras si Jun Wu Xie para mag-ayos bago niya marinig ang sunod-sunod na pagsabog. Nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha, agad siyang kumuha ng pamalit at dali-daling lumabas.

"Little Black!"

Ang pusang itim ay nakahiga lang sa labas ng pinto ng silid ni Jun Wu Xie, nang marinig niya ang kaniyang Mistress na tinawag siya, agad itong nagpalit ng anyo bilang black beast. Isinakay nito si Jun Wu Xie sa kaniyang likod at nagmadali papunta sa lugar ng pinagsabugan.

Wala namang pagmamadaling lumabas si Jun Wu Yao sa silid. Nabura ang mga ngiti nito sa labi nang makita ang kumakaripas na si Jun Wu Xie.

Sino ang mga bastos na dinistorbo ang pahinga ng kaniyang 'little darling'…

Nagbaga ng kulay lila ang kaniyang mga mata. Bumigat ang hangin sa paligid, ang isang aninong nakatago lang ay biglang sumulpot dahil sa galit ni Jun Wu Yao. Lumuhod naman ito sa harap niya.

"Panginoon!"

"Sino ang may gawa non?" Galit na tanong ni Jun Wu Yao.

"Ang mga taga-Qing Yun Clan."

"Mabuti. Mukhang natutuwa silang makipaglaro sa kamatayan, dapat lang sigurong ipakita ko sakanila paano ako maglaro." Nakakatakot na humalakhak si Jun Wu Yao. Nakuha ang atensyon niya ni Little Lotus na nasa lawa. Mariin niya itong tinignan.

Naramdaman ni Little Lotus ang isang mabagsik na tingin kaya naman siya ay nagulat. Siya ay abala sa pag-cultivate sa lotus pond nang maramdamam niya ang sakit sa kaniyang katawan na dulot ng galit ni Jun Wu Yao. Nagpalit siya sa kaniyang anyong tao para makatakas ngunit ang demonyong ito ay parang sa kaniya lang nakatuon ang atensyon.

"Kuhanan mo ako ng Jade Moon." Utos ni Jun Wu Yao sa aninong nasa tabi nito habang nanatili ang titig kay Little Lotus.

218 TAGUMPAY (6)

avataravatar
Next chapter