214 Breakthrough (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumalat ang itim na usok sa buong katawan ni Jun Wu Xie nagsimula itong numipis at maya-maya ay tuluyang naglaho. Pagkatapos ay nagsimulang lumabas ang isang red glow sa katawan niya. Nagsimula itong lumabas sa kaniyang balat. Ang kaniyang arteries at veins ay nagsisimula ring makita.

"Naabot na ng spirit na nasa'yo ang sukdulan. Ngunit ang paraan para mag-cultivate ang plant spirit ay hindi katulad ng sa ibang contractual spirit. Para ikaw ay magtagumpay, may iba ka pang kailangang,maliban sa spirit energy." Paliwanag ni Jun Wu Yao.

"Ano pa ang kailangan?" Tanong naman ni Jun Wu Xie.

"Contractual spirit."

"..."

"Ang spirit energy ng plant spirits ay parang paglaki ng lahat ng mga bagay na may buhay ay tuloy-tuloy at walang hanggan. Ngunit ito ay kulang ng lakas para magtagumpay sa level barrier. Kung gusto mo magtagumpay, kailangan mong mag-absorb ng ibang contractual spirit para magamit ang kakayahan nito." Paliwanag muli ni Jun Wu Yao.

Natigilan si Jun Wu Xie. "Ako? Mag-absorb ng spirits?"

Ang suhestiyon nito ay isang malaking kahibangan.

"Alam mo ba kung bakit walang kahit isang plant contractual spirit dito?"

"Bakit?" Mausisang tanong ni Jun Wu Xie. Simula ng siya ay muling nabuhay, hindi siya nakarinig ng iba pang contractual spirit.

Sa kaniyang mga natitirang alaala, ang mundong ito ay may dalawa lamang na uri ng contractual spirit. Ang isa ay ang weapon type contractual spirit at ang isa naman ay ang beast type contractual spirit. Si Little Lotus ay ang una at natatanging contractual spirit na alam niya.

Tumawa si Jun Wu Yao at muli ay nagpaliwanag: "Bago mag-ugnay ang isang tao at contractual spirit, namimili sila ng angkop na contractual spirit base sa kaanyuan nito. Sa ilalim ng kalangitan, ang mga taong kayang mag-absorb ng spirit energy ng contractual spirit ay bilang lang, ang mga plant spirits ay halos hindi bumababa sa mundong ito. Kung may isa mang darating, hindi malalaman ng master nito paano makamit ang susunod na level kung kaya't nawawalan ito ng pakinabang. Mayroon ding mga tao na hindi namamalayan ang paggising ng kanilang spirit at mananatili itong namumuhay ng sapat lang kasabay ang plant spirit."

May hindi ito isinali na isang katotohanan, at iyon ay…

Ang kalangitang kaniyang binanggit ay nagkukumpromiso lang sa kalangitan sa tatlong lupaing tinirhan ni Jun Wu Xie at hindi iyon ang tunay na malawak na kalangitan na alam niya.

"Ngunit ikaw ay kakaiba, mayroon kang duo spirit constitution. Ang iyong pusang itim ay may kakayahang sumila ng contractual spirits, maging ikaw rin." Tumayo si Jun Wu Yao at lumapit kay Jun Wu Xie. Nang banggitin ni Jun Wu Yao ang kaniyang sinabi ay itinutok nito ang kaniyang daliri sa noo ni Jun Wu Xie.

"Kung ang hangad mo ay ang magtagumpay, kailangan mong sumila ng contractual spirit."

Ihinilig ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at nasalubong ng kaniyang tingin ang gwapong mukha ni Jun Wu Yao habang ito ay parang isang demonyong nakangisi.

Alam niya! Alam niyang ang espiritu ni Little black ay pinagsama sa kaniya!

"Kapag mas malakas ang spirit na iyong sisilain, mas lalo itong makakatulong sa'yo para magtagumpay ka patungo sa susunod na level. Huwag mong sayangin ang oportunidad na ito dahil ito ay magbubunga ng bagay na hindi mo inaasahan." Ibinaba ni Jun Wu Yao ang kaniyang ulo. Ang daliri nitong nasa noo ni Jun Wu Xie ay dumausdos pababa sa ilong patungo sa baba. Iningat niya ang baba nito at diretso siyang tinitigan: "Hindi mo kailangang ipag-alala iyon, bilang kuya mo, ihahanda ko lahat ng kailangan mo para sa iyong unang spirit. Kailangan mo lang itong i-absorb pagkatapos ay wala ka nang gagawin."

Ang contractual spirit na maaabsorb ng iyong plant spirit sa unang beses ay may malaking epekto sa human master nito. Ayaw naman ni Jun Wu Yao na basta na lang pumili si Jun Wu Xie ng isang walang kwentang spirit na sisilain.

Ang kaniyang 'little devil' ay nararapat lang sa pinakamahusay!

"Paano ko iyon maaabsorb?" Walang kaaalam-alam si Jun Wu Xie tungkol sa bagay na iyon. Si Little Black cat ang sumila sa Golden Lion at hindi siya. Bago sa kaniyang pandinig ang mag-absorb ng contractual spirit pati na rin ang kung paano ito gawin.

"Tuturuan kita." Saad ni Jun Wu Yao na nakangisi. Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pagkabalisa sa mukha ni Jun Wu Xie at ikinaaliw niya naman iyon.

avataravatar
Next chapter