213 Breakthrough (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nilingon ito ni Jun Wu Xie. "Hayaan mo lang, 'wag kang magmadali. Kung tuturuan natin si Mo Qian Yuan, hayaan natin siyang pagdaanan lahat."

Kung kanyang tatantiyahin, wala na siyang oras para sanayin pa ang Emperor.

Nagtaas lamang ng kilay si Jun Wu Yao at hindi sumagot.

"Bumalik na tayo." Sabi ni Jun Wu Xie nang makita ang Qing Yun Clan na nagsimula nang kumilos. Ang kapayapaan sa libingan ng Jun Family ay malapit nang maistorbo.

Inutusan niya si Mo Qian Yuan noon na humanap ng labi ng isang yumao na ilalagay sa Royal Tomb upang magpanggp bilang labi ng dating Emperor. Kaya naman hindi siya gaanong nag-aalala na malalaman ng Qing Yun Clan na buhay pa talaga ang dating Emperor.

Sa Lin Palace naman, kung titignan si Jun Wu Xie ay parang walang naangyari. Ginagawa niya lang ang nakasanayan at pinagpatuloy na abalahin ang kaniyang sarili sa lotus na nasa basin at ngayon ay nagsisimula nang umusbong. Ang nakakalasing na amoy ng wine ay humalo sa samyo ng lotus at naging kahali-halina ang amoy nito. Madaling naabot ni Jun Wu Xie ang inaasam niyang power cultivation dahil doon. Lumalakas lalo ang spirit power sa kaniyang sarili. Unti-unting nananalaytay ito sa kaniyang mga ugat patungo sa puso at pakalat sa kaniyang buong katawan. Napansin niyang nitong mga nakaraang araw ay nagpapakita ng paglago ang kaniyang spirit growth.

"Malapit ka na kaya sa level barrier?" Tanong ni Jun Wu Xie habang pinagmamasdan ang nagtitipong red spirit glow sa kaniyang palad.

Nakade-kwatrong upo si Jun Wu Yao sa upuan na nasa kabilang dako ng silid. Nakapatong ang baba nito sa kaniyang palad at tahimik lang na nag-oobserba kay Jun Wu Xie.

Simula nang siya ay tawagin at ituring na 'kuya' ni Jun Wu Xie ang kanilang pagpupulong o pagkikita ay malaki ang ipinagkaiba. Kahit na sila ay nasa iisang bubong, wala na ang mga silakbo o pagbabangayan nila.

"Kailangan ng plant sipirit ng unique cultivation technique. Bagaman mabilis ang kanilang pag-unlad, mahirap labanan ang kanilang level barrier." Paalala ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

Nalilitong tiningala siya ni Jun Wu Xie. Nararamdaman niyang kumakawala ang kaniyang spirit level ngunit hindi niya naman maramdaman ang pag-usbong nito. Sa katunayan ay tinanong niya si Jun Qing at Long Qi tungkol doon dahil naiisip niyang baka siya ay may maling nagawa.

"Level barrier difficulties?"

Para sa isang pangkaraniwang tao, pagkatapos nilang magtalaga ng ilang taon para magsanay, madali lang sakanila ang magtagumpay patungo sa susunod na level. Kailangan lang nilang makamtan ang fulfilment ng spirit energy sa level na iyon at may pagkakataon na silang magtagumpay. Lalong humihirap ang difficulty level sa bawat level barrier. Ngunit hindi naman ganon kahirap na pagtagumpayan ang red level para umangat sa orange level, maliban na lang kung ang taong iyon ay pinagkaitan ng natural na talento o kakayahan.

Kapag ang isang tao ay pinagkaitan ng natural na talent, ibig sabihin 'non ay hindi kaya ng mga ugat at arteries ng taong iyon ang humigop ng spirit power.

Ang spirit energy ng isang tao ay patuloy na nagdedevelop at yumayabong. Kapag ang isang tao ay likas na pinagpala, mas marami itong spirit energy na macucultivate. Ang mga ugat at arteries nito ay mas maraming dumadaloy na spirit energy. Para naman sa mga hindi pinagpala, ang spirit energy nito ay mabagal ang pag-usbong. Hindi kaya ng mga ugat at arteries nito ang magpadaloy ng sapat na spirit energy. Lalabas lang ito sa kanilang katawan at masasayang kung kaya't hindi nito kakayaning umakyat patungo sa susunod na level.

Ngunit ang katawan ni Jun Wu Xie ay sumailalim sa sa sariling pagpapayabong, ang kaniyang mga ugat at arteries ay nasa peak condition. Kaya naman wala siyang nakikitang dahilan para hindi kayanin ng kaniyang mga ugat na mgpadaloy ng sapat na spirit energy.

Itinaas ni Jun Wu Yao ang kanyang kamay habang tumatawa at ang isang itim na usok ay lumabas sa kaniyang palad. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at ang bola ng itim na usok ay lumipad patungo kay Jun Wu Xie. Kumalat ito sa kaniya simula talampakan hanggang ulo. 

avataravatar
Next chapter