528 Biglang Pagkagiliw (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kuya Zhuo, siya si...?" Pinilit kalmahin ni Ning Xin ang kaniyang sarili. Pinilit niya ring magmukhang naguguluhan nang tumingin siya kay Jun Xie.

Simple namang sumagot si Fan Zhuo: "Siya si Jun Xie."

Iyon lang, parang wala itong intensyon na ipakilala si Jun Xie kay Ning Xin.

Ngunit lumapit si Ning Xin at matamis na ngumiti sabay sabing: "Ikaw pala si Jun Xie. Narinig kong may kasama dito si Kuyaa Zhuo. Naisip kong kung sino man ang kasama ni Kuya Zhuo ay hindi maikakailang mabait. At ang makita ka dito ay nagbigay ng kasiguruhan sa aking iniisip."

Marahan ang boses ni Ning Xin habang matamis na nakangiti.

Hindi naman natinag si Jun Xie at sumagot: "Bulag talaga siguro si Ning Xin."

Siya? Mabait?

Hindi.

Biglang naging alanganin ang ngiti sa mukha ni Ning Xin. Hindi niya inaasahang magiging ganito kadiretsong magsalita si Jun Xie.

Para namang hindi napansin ni Fan Zhuo ang nag-aalangang itsura ni Ning Xin: "Ang personalidad nin Little Xie ay natural na malamig at mailap. Wag mo sanang masamain, Little Xie."

Sa paraan ng pagkakasabi ni Fan Zhuo ay parang gusto nitong hindi mapahiya si Ning Xin, pero ang katotohanan, ay mas parang sinampal pa noon si Ning Xin.

Nasabi nitong mabait si Jun Xie sa isang tingin lang? Marahil tama nga si Jun Xie sa kaniyang sinabi na bulag siguro si Ning Xin.

Nanigas ang kanto ng labi ni Ning Xin. Ngunit sanay na sanay na siyang magtago ng kaniyang tunay na nararamdaman at nagawa niyang itago ang pagkapahiya. Kaya naman hindi nawala ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi din, tingin ko ay mainit tumanggap ng tao si Little Xie."

Nagtaas naman ang isang kilay ni Jun Wu Xie at sinabing: "Mukhang hindi alam ni Senior Ning ang reputasyon ko sa mga tao sa academy?"

Ang kasikatan ng kaniyang pangalan ay kalat sa buong Zephyr Academy. Maging kay Ah Jing na nakatira dito sa kakahuyan ay alam ang tungkol sa kaniya, ano pa kaya si Ning Xin na nakatira sa academy?

Hindi maingat na pag-arte! Palyado!

Hindi pa kailanman nakakausap ni Ning Xin si Jun Xie at ang buong akala niya kaya sinarili lang nito ang mga usapin tungkol dito ay dahil sa ito ay hinahamak ng iba. Hindi niya akalaing dalawang salita lang ang binitawan ni Jun Xie at tumagos na iyon sa kaniyang buto.

Ang mga salita ng batang ito ay puno ng tinik at tumusok iyon sa kaniyang kaibuturan!

Humugot ng malalim na hininga si Ning Xin at mabilis na inalala kung nagkaroon na ba sila ng engkwentro ni Jun Xie noon, ngunit matapos ang ilang sandali ng pagpipilit sa sariling alaala, wala siyang matandaan kahit isang beses man lang. Sa wakas ay naisip niyang baka alam nito ang ugnayan nila ni Yin Yan kung kaya't ganito na lang ito makitungo sa kaniya.

Matapos masiguro ang rason na iyon, nakahinga na ng maluwag si Ning Xin.

"Ang mga usap-usapang iyon ay hindi dapat paniwalaan! Mapa-hanggang ngayon ay maraming bali-balita tungkol sa akin. Ngunit alam ng inosente na siya ay inosente, ang mga balitang iyon ay kinalat lang para dumihan ang mga malilinis. Malamang alam ni Kuya Zhuo ang tunay mong pagkatao bago siya pumayag na pumarito ka, at kilala niya rin ako, hindi ako kailanman maniniwala sa kanila. Bakit hahayaan natin ang sarili nating mag-alala sa walang-kwentang bagay?" Pinipilit ni Ning Xin na makuha ang loob ni Jun Xie. Naglabas pa ito ng hinanakit sa kaniya para lang makuha ang kaniyang simpatiya.

Para na rin mapawalang-sala ang kaniyang sarili. Nang sa gayon, sa susunod na may balita ulit na kumalat tungkol sa kaniya, hindi maniniwala ang mga ito doon.

Mataas ang kumpiyansa sa sarili ni Ning Xin na lagi nitong natatakpan ang kaniyang mga masasamang gawain. Ngunit hindi niya alam na mas matalino sa kaniya si Jun Wu Xie.

Pinapanuod lang ni Jun Xie ang pagpapanggap ni Ning Xin bago muling nagsalita: "Paano kung ang kanilang sinasabi ay totoo?"

Muling nanigas si Ning Xin.

"Kailanman hindi ako naging mabait." Saad ni Jun Xie.

Nagsisimula pa lang ang laro, gusto niyang makita kung paano manggalaiti sa galit si Ning Xin.

Nakahinga ng maluwag si Ning Xin nang sabihin ni Jun Xie na ang tinutukoy nito ay ang sarili nito. Ngunit bago pa man siya kumurap, bigla siyang naasiwa at nabahala. Sino ang sisira sa kanilang sarili na katulad non?

Marami na siyang sinabing pampalubag-loob ngunit hindi iyon tinatanggap ni Jun Xie. Anong isasagot niya dito?

avataravatar
Next chapter