526 Biglang Pagkagiliw (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinabi ni Lu Wei kay Long Qi ang lahat ng katotohanang kaniyang nalalaman, at kung gagamitin ni Ning Rui ang katotohanang sila ay nagpatalsik ng mahigit sa dalawampung disipulo patungkol sa bagay na iyon. Tignan lang nila ngayon kung maniniwala sa kanila si Long Qi!

"Simula sa araw na ito, ako at ang aking mga kapatiran, ay pinuputol na ang anumang ugnayan sa Zephyr Academy! Sa academy na katulad nitong may anomalya, ako si Le Wei Jie ay tumatanggi nang sumunod sa kanilang mga utos! Dinideklara kong hindi ang kaso ng Zephyr Academy ang nagbigay saakin ng desisyon na umalis, kundi ay desisyon naming umalis sa lugar na ito na puno ng dumi at anomalya!" Diretsong saad ni Lu Wei Jie, matapos niyang sabihin iyon, umalis na siya at hindi na muli pang lumingon.

Ang iba pang mga kabataang pinatalsik ng Zephyr Academy ay sumunod na rin.

Sa oras na iyon ay sumabog na ang kumukulong palayok na walang iba kundi ang Zephyr Academy. Kasabay ng halos lahat ay nagbato ng kanilang sariling bersyon at opinyon sa nag-uumapaw na palayok.

Habang ang maliit na pigura sa likod ay umalis nang hindi napapansin, dala nito ang kaniyang itim na pusa sa kaniyang mga bisig.

Mukhang hindi nga ganon kababaw si Lu Wei Jie. Sa halip na payagang saluhin ang lahat ng sisi ng Zephyr Academy sa kaniya, pinili niyang ilahad ang lahat at umalis. Nilinis niya muna ang kaniyang pangalan bago tuluyang umalis.

Dahil doon, mayroon siyang katiting na tsansa para sa kaniyang hinaharap.

Kahit paano ay naiintindihan niya ang kaniyang pinanindigan.

Sumabay si Jun Wu Xie sa mga tao nang siya ay umalis. Alam niyang pagkatapos ng nangyari ngayong araw, kahit ano pa ang kakayanan ni Ning Xin, hindi nito magagawang burahin ang duda sa kaniya sa mga puso ng mga disipulo ng Zephyr Academy. Nanatili ito sa academy habang sina Lu Wei Jie ay pwersa hang pinaalis.

Nagsisimula pa lang ang palabas. Makakayanan kaya ni Ning Xin ang mga paparating pa?

Hindi nagtagal ay nakaabot kay Ning Xin ang salaysay ni Lu Wei Jie bago ito umalis. Halos sumabog siya sa galit ngunit naisip niyang ang ginawang iyon ni Lu Wei Jie ay ang huling sugal nito. Iyon din ay isa na ring ganti kay Ning Xin.

Ang usap-usapang kumakalat sa mga pasilyo ng academy ay si Ning Xin daw ay nagbalak na magnakaw gamit ang pagpatay, at nang mabigo ito, nang-using ito ng kapwa disipulo para makatakas.

Bigla ay bumagsak ang reputasyong itinayo ni Ning Xin!

Hindi nangahas na lumabas si Ning Xin sa kaniyang silid. Labis siyang nag-aalala na hindi iyon palalampasin ni Long Qi at ngayon ay para siyang sinaksak ni Lu Wei Jie sa likod, dahilan para umusbong ang usap-usapan tungkol sa kaniya. Ang mga kabataang tumitingala at humahanga sa kaniya ay kinasusuklaman na siya ngayon.

Gustong tulungan ni Ning Rui na linisin ang reputasyon ni Ning Xin. Nag-utos ito ng ilang disipulo na ipagkalat na kaya ganon si Lu Wei Jie ay dahil sa nabigo itong bihagin ang puso ni Ning Xin. At nang ito ay patalsikin, dinamay nito si Ning Xin dahil sa personal na galit niya dito.

Ang balitang iyon ay namanipula ang ibang mga disipulo. Ngunit karamihan sa mga disipulong naroon ay nagdududa at naghihinala pa rin.

Hindi nagawang pangalagaan ni Ning Xin ang kaniyang imahe bilang perpektong Senior.

Ang kaniyang mga tagumpay sa nakaraan ay agad na nabura. Kapag nangahas siya ngayong magpakita sa mga disipulo ng Zephyr Academy, hindi na siya babatiin ng pagkalugod at pagsamba. Sa halip ay sasalubungin niya ang mga mukha na puno ng paghihinala at pagdududa sa kaniya.

Kahit na hindi siya kinompronta ng mga nag-aakusa, para pa ring impyerno ang pagtrato sa kaniya. Nag-iisip siya ng paraan para matakasan na ito, ngunit walang matinong plano ang pumapasok sa kaniyang isipan. Wala siyang magawa kundi ang magpakita ng kakalmahan at ilibing ang mga boses ng pang-aakusa sa kaniyang puso. Ngunit sa kaniyang pag-iisa, ilang porcelain na ang kaniyang Binasa.

Lu Wei Jin, Masyado kang mapangahas!

Nagtatagis ang mga bagang ni Ning Xin. Hindi niya magawang patigilin ang mga usap-usapan at kailangan niyang gawin ang susunod nilang plano.

Kinaumagahan, nagbihis si Ning Xin at nagmadaling tumungo sa tahimik na kakahuyan. Matapos niyang suriin ng mabuti ang sarili sa pinto, kumatok siya sa pintuan na patungo sa kakahuyan.

avataravatar
Next chapter