291 Beauty’s Facade (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sa totoo lang, natutuwa ako sa mukha ko ngayon. Pakitago naman itong napakahalagang bagay para sa mga taong may kailangan nito." Magalang na tumanggi si Qiao Chu, at mabilis na linayo ang kamay ni Jun Wu Xie sa kanya.

Hindi niya ginustong mahawakan ang "gamot" na iyon, kahit gamit ang isang napakahabang poste, lalo na't nakita niya kung paano namatay si Ke Cang. Nakaranas siya ng pangingilabot na hindi niya pa naranasan kahit kailan, at sobrang nakakatakot ang mukha ni Ke Cang.

Ang Beauty's Facade ni Jun Wu Xie ay di lamang nakuha si Ke Cang Ju, kundi ay mamamalagi na rin sa bangungot ni Qiao Chu ng matagal.

Napagtanto niya na hindi dapat mahumaling ang mga lalaki sa itsura nila.

Pagkatapos lamang ng kanyang pagtatanto pinanatili ni Jun Wu Xie ang kanyang Beauty's Facade.

Nakahinga ng maluwag si Qiao Chu ngunit…

Nagbiro at pinagtawanan ba talaga siya ni Little Xie? Bihirang makita yun ah.

Tahimik na pinagmasdan ng itim na halimaw si Qiao Chu dahil lanag ng naiisip nito ay nababasa sa kanyang mukha. Gustong sabihin ng itim na halimaw sa musmos na ito na hindi kailanman nagbibiro ang kanyang maestra. Kung tumungo man siya ay pinakain na sakanya Beauty Facade!

Walang pagalinlangan!

"Ano na gagawin natin?" Tanong ni Qiao Chu dahil gusto niya na mabago ang usapan agad agad.

"Hindi hinahayaan ng Hidden Cloud Peak ang kahit na sinong estranghero na makapasok. Bihira makipagusap si Ke Cang Ju sa mga disipulo ng Hidden Cloud Peak, pero araw araw niya napapakita ang kanyang mukha. Ang mga disipulo dito ay nakikita na siyang napasok sa gusali, at kapag matagal siyang hindi nagpakita, maghihinala na ang mga yun." Napasimangot si Hua Yao sa kanyang naisip. Hindi siya nakaramdam ng pagkawala sa kamatayan ni Ke Cang, pero inaasahang puro problema na ang dadarating magmula ngayon.

Bigla niyang naalala ang mga salita ni Jun Wu Xie at lumingon siya sa maliit na katawan sa kanyang gilid, kahit papaano'y nararamdaman niyang may binabalak pa si Jun Wu Xie.

"Hindi patay si Ke Cang." Dahan dahang sinabi ni Jun Wu Xie.

Tinitigan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie, tila walang masabi habang nakaturo sa bangkay na nasa harapan nila. Pinipilit niyang magsalita pero di niya malaman kung ano ang sasabihin.

'Hindi 'to patay?'

'Patay to! Wala nang mas patay pa dito!!'

Ngunit, naintindihan ni Hua Yao ang gustong mangyari ni Jun Wu Xie. "Gusto mong palitan ko si Ke Cang Ju?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Nanlaki ang mata ni Qiao Chu. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Gusto mo na si kapatid na Hua ay maging isang karimarimarim na halimaw na ito? Kayang baguhin ni kapatid na Hua ang kanyang anyo, ngunit hindi ang kanyang balat!"

Matanda na si Ke Cang Ju, at ang kanyang kulubot na balat ay hindi na kayang gayahin ng makinis at maputing balat ni Hua Yao."

"May alam akong paraan." Sagot ni Jun Wu Xie.

Napatahimik si Qiao Chu. Akala niya si Jun Xie ay mahusay lamang sa kanyang salamankang gamot, pero ngayon mukhang ang batang ito ay mas marami pang kakayahan kaysa sa kanyang pinapakita.

Sa pahayag ni Jun Wu Xie, hindi na nagsalita pa si Hua Yao dahil alam niyang pinag-isipan na ito ng maigi ni Jun Wu XIe.

Dahil halos kalahating buwan din siyang pinahirapan ni Ke Cang Ju, alam ni Hua Yao ang lahat ng maliliit na detalye sa mukha ni Ke Cang Ju. Ang pag-iibang anyo niya sa pagkopya kay Ke Cang Ju ay napakadali dahil dito.

Ilang sandali pa'y malaki na ang pinagbago ng katawan ni Hua Yao. Ang kanyang matangkad at payat na katawan ay unti-unting nagbago habang ang kanyang mga buto ay nagiiba, at pati na rin ang kanyang mga buto sa mukha.

Tahimik na nanonood si Jun Wu Xie habang nagbabagong anyo ni Hua Yao. Ang kanyang interes ay nakuha nito. Kaya niyang baguhin ang kanyang pananaw, pero walang sinabi ito sa ganap na pagbabago na kayang gawin ni Hua Yao. Kayang baguhin ng gamot ang ibang maliliit na istraktura sa kanilang mga buto, pero ang kabuoang laki at hugis ng katawan ay hindi mababago. Hindi lang basta basta naiiba ng Hua Yao ang kanyang buto, ngunit pati na rin ang pagpapaliit o pagpapalaki nito.

Ang kababalaghang ito tila lampas pa sa modernong medisina.

Ang buong pagbabago niya'y di nagtagal. Naging isang pangit at kubang katawan na si Hua Yao, pero ang kanyang makinis at maputing balat nito ay napakalayo sa magaspang at kulubot na balat ni Ke Cang Ju.

avataravatar
Next chapter