289 Beauty’s Facade (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?" Biglaang tinanong ni Jun Wu Xie, ng may sobrang lamig na boses na kumakalat sa loob ng silid.

Ngumit si Ke Cang Ju, ang kanyang mga mata'y bulag sa sigla, at hindi niya narinig ang anumang sinabi ni Jun Wu Xie. Tinitigan lang niya ang larawan sa kanyang harapan, hindi niya maalis ang kanyang tingin mula sa larawan sa kanyang harapan, at pinunasan ang mga dugo sa kanyang mukha.

Ang gandang ganito, ay hindi pwedeng masira sa anumang pamamaraan.

Dahan-dahan niyang pinunasan ang dugo, onti-onti, at sa bawat haplos ay namamangha sa ganda ng itsura niya.

Biglaan, may hating nabuo sa mukha ng anino sa tubig. Ang manipis na balat ay nabiyak, at bumuhos ang dugo mula sa hating iyon sa kanyang mukha!

"HINDI! HINDI! WAG! WAAAAAAG!!!" Tinignan ni Ke Cang Ju ang mukha sa tubig na kanina lang ay walang kapuntasan, at habang parami ng parami ang biyak sa kanyang mukha, at ang paningin sa kanyang mga mata ay naging hindi makapaniwalang takot. Hinawakan niya ang kanyang mukha para pigilan ang pagbiyak nito.

Wala itong nagagawa, at iposible. Parang balat na binatak sa tambol, at dahil hindi kinaya ang batak, nabiyak ito.

Maraming hati ang lumitaw sa kanyang mukha na tila hinati siya ng maraming beses sa mukha gamit ang isang patalim, nakakasukang panoorin.

Nasiraan noon si Ke Cang Ju, nakakapit sa kanyang mukha, may takot na hindi pa niya nararanasan dati!

Hindi pwedeng masira ang walang kapintasan niyang mukha!

"HINDIII!!!"

"HINDIIIII!!!"

"Ano ang binigay mo sa akun?!" Humarap siya kay Jun Wu Xie, at napagtanto na nagsimula ang pagbabago matapos niyang lunukin ang Bone Rotting Pill ni Jun Wu Xie!

Tumayo sia Jun Wu Xie na nakapatong ang kanyang mga kamay sa isa't isa, at tinignan lang si Ke Cang Ju.

"Tinawag mo siyang Bone Rotting Pill sa sarili mo diba? Hindi ba iyon yun?"

Hindi siya makapaniwala, yun nga ang akala niyang pinainom sa kanya dahil magkamukha at magkaamoy ang mga ito.

Ngunit ngayon, naniwala siyang wala siyang alam.

Tinablan na siya ng elixir at walang sinabi ang Bone Rotting Pill dito.

"Ano 'yon?! Ano ang pinalunok mo sa akin?! Ang mukha ko!!! Ibalik mo ang mukha ko!!!" Nakakapit parin si Ke Cang Ju sa kanyang mukha habang nakatitig kay Jun Wu Xie, ng may umaagos na dugo sa kanyang mga kamay, at piraso ng mga laman na nakahalo.

Sumagot si Jun Wu Xie ng mahinahon:

"Beauty's Facade."

"Ano?" Nagulat si Ke Cang Ju. Wala pa siyang naririnig na anumang ganun ang pangalan.

"Ang tabletang binigay ko sa'yo ay ang Beauty's Facade. Kahit pa gaano kapangit ang isang tao, basta't linunok nila ang tableta, gaganda ang mukha nila." Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie, at lumaki ang kanyang ngiti. "Ngunit saglit lang ang gandang iyon."

Maikli lang, medyo mas matagal kaysa sa kisap-mata.

Hindi makapaniwala si Ke Cang Ju kay Jun Wu Xie. Akala niya nung simula na ang tabletang hawak ni Jun Wu Xie ay ang Bone Rotting Pill, ngunit ito pala ay isang tabletang hindi pa niya naririnig dati….. Beauty's Facade…..

At dahil sa Beauty's Facade, napilitan siyang harapin ang isang mahirap at masakit na kamatayan!

"Ibalik mo ang mukha ko….. Ibalik mo….." Palala ng palala ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang mukha, at nagsimula siyang mangisay bago bumagsak sa sahig. Hindi na niya matakpan ang kanyang mukha at gumapang, naghirap sa bawat hakbang papalapit kay Jun Wu Xie, ang kanyang buhok tila nagkabuhol-buhol na basahan, ang kanyang mukha, madugo at makalat, hindi na kamukha ang mayabang at masamang Tanda sa Cloudy Peaks isang araw palang ang lumilipas mula ang huling pagsusuri.

Ano man ang hingiin mo, ibibigay ko sa'yo. Ibalik mo lang ang mukha ko….. Kapag binalik mo sa akin….." Hindi pa siya natatakot ng ganito. Ang mukhang matagal na niyang ninanais ay napasakanya na, ngunit sinira lang pagkatapos ng ilang saglit, at mas pangit na siya ngayon kumpara sa dati.

Nngayong nakatikim na sa pagkakaroon ng magandang itsura, hindi na niya masikmura ang pagkawala nito at hindi na matatanggap ang mas pangit na itsurang ito!

avataravatar
Next chapter