42 Bayang Naulog (Ikatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pasukan ng underground market ay nasa likod-bahay nitong hindi mahalatang bahay.

Dito, mayroong hagdaan papasok sa ilalim ng lupa. May mga lalaking kaaakyat lang ay napatingin kay Jun Wu Xie, saglit na nagulat.

"Madalang ka nalang makakita ng mag-isang bata na papunta sa Bayang Naulog." Binulong nila sa kanilang grupo habang paalis.

Bayang Naulog ang pangalan ng underground market.

Humakbang si Jun Wu Xie papasok sa madilim na entrada at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Nang nakarating siya sa baba, binati siya ng isang masiglang tanawin.

Kahit na tahimik ang gabi sa Imperyal na Bayan, parang ibang mundo roon.

Buhay na buhay ang mga kalye na may iba't ibang tao at kanilang mga paninda. Walang mga tindahan, puro pansamantalang pwesto lamang ang nakahilera sa daan. Halos kalahati ng isang tao ang taas nitong mga pwesto at dito nakalagay ang mga tinda.

May dalawang lalaking nakabantay sa pasukan ng Bayang Naulog. Sila'y nakasuot ng mga maskara at mga matang matatalas at tahimik lamang ang makikita sa mga siwang ng mga maskara.

Lumapit sa kanila si Jun Wu Xie at hindi man lang sila kumurap.

"Meow?" Sinundan siya ng isang maliit na itim na pusa habang nakatingin sa nasa harapan nila.

[Senyora, paano tayo makakapaghanap ng naaangkop na cultivation technique para sa inyo?]

"Pag naaangkop sa akin, mararamdaman ito ni Little Lotus." Binulong ni Jun Wu Xie. Ang bawat cultivation technique ay may maliit na spiritual imprint at kung naaangkop ang isa sa contractual spirit para ma-cultivate, magkakaroon ng spiritual resonance sa pagitan nila. Makatutulong ito sa paghahanap niya sa gitna ng lahat ng mga tinda dito sa napakalawak na palengke.

"Meow."

[Sigurado ka bang may mararamdaman yang maliit na iyakin?]

Nawalan ng respeto ang maliit na itim na pusa para sa Little Lotus dahil pag nagkikita sila, pag-iyak lang ang ginagawa nito.

"Libutin muna natin." May kaunting pag-asa parin si Jun Wu Xie.

Sa kabila ng pagtingin sa lahat ng libro sa Palasyo ng Lin, walang reaksyon ang Little Lotus sa alin man sa mga cultivation techniques. Ito na ang kanyang huling paraan.

Malaki ang Bayang Naulog ngunit mga libro lang ang tinitignan ni Jun Wu Xie. Wala siyang interes sa ibang mga bagay at maingat niyang sinuri ang bawat tinda habang siya'y dumadaan.

Yun nga lang…

Pag nagkukumpulan ang mga tao, nahahaluan ng iba't ibang amoy ang kapaligiran, at dahil hindi kaunti ang tao sa palengke, ito ay nagdulot ng pagtaas ng temperatura na naging sanhi ng pag-init, pagkaalinsangan, at pagbaho ng lugar.

Para sa iba, sabik lang sila sa mga bagay na tinitinda at hindi na pinansin ang lugar.

Pero para kay Wu Xie, mababaliw siya sa kombinasyong ito. Nakakunot ang kanyang noo at umiiwas sa pagdikit sa kahit sino habang tinatawid ang kanyang maliit na katawan sa karagatan ng mga tao.

Dito — hindi na siya babalik dito!

Ramdam ng maliit na itim na pusa na maliksing sumusunod sa kanya ang kanyang pagkanerbiyos.

Para sa senyorang may matalas na pang-amoy, maituturing na impyerno ang lugar na ito.

avataravatar
Next chapter