webnovel

Battle of Deities Grand Meet (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Siya nga iyon tulad ng inaasahan ko." Mahinang usal ni Jun Wu Xie.

"Ano?" Naguluhan si Ye Sha dahil sa sinabing iyon. 

"Wala." Marahang umiling si Jun Wu Xie habang ang mga mata naman ng itim na pusa ay nagningning.

[Mistress, ibig mong sabihin na si Brother Hua nga ang tinutukoy na "nakakatakot" hindi ba?! Mawawalan ka ng pinagkakatiwalaan! Anong iniisip mo!?]

"Nakipag-away si Brother Hua?" Inalala ni Jun Wu Xie ang narinig niya kanina lang.

Madalas na kalmado lang si Hua Yao. Kapag makarinig si Jun Wu Xie ng balita na si Hua Yao ay nasangkot sa gulo, mahihirapan siyang paniwalaan iyon. Kung si Qiao Chu ang kanilang pag-uusapan, pwede pa siguro niyang paniwalaan iyon.

"Oo." Tumango si Ye Sha.

"Kanino?"

"Young Master Qiao."

"..." Saglit na nanigas ang mukha ni Jun Wu Xie sa kaniyang narinig.

[Hmm. Naiintindihan ko kung gayon.]

"May mga napansin ka bang kakaiba sa Mount Fu Yao nitong mga nakaraan?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Sinabi ni Ye Sha na normal lang naman ang mga kaganapan sa Mount Fu Yao. Dumating ang mga taga-Twelve Palaces at bawat palace ay may kasamang Elder. Mukhang may malaki silang binabalak.

"Naririto din ang mga taga-Nine Temples pero malimit ang kanilang mga galaw. Kaya naman hindi na ko nagpatuloy sa pagsunod sa kanila dahil baka maagaw ang atensyon ng kaaway."

Tumango si Jun Wu Xie. Bukas magsisimula ang palabas at ngayon nagsama-sama ang iba't ibang pwersa sa iisang lugar.

Matapos makipaglaro kay Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit, nagpatuloy si Jun Wu Xie sa kaniyang cultivation. Lumabas na sina Ye Sha at Ye Mei at nanatiling nakatago sa isang sulok upang mabantayan ang seguridad ni Jun Wu Xie.

Nang makalabas sa silid si Ye Gu, naroon pa rin ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Ye Sha nang mapansin ang itsura ni Ye Gu.

Kumunot ang noo ni Ye Gu. Matapos ang ilang sandaling tahimik ito, sa wakas ay nag-angat ito ng tingin.

"Napansin mo ba?"

"Napansin ang ano?"

Ang spirit power ng Young Miss ay tila...umabot na sa sukdulan ng Purple Spirit's fourth stage." Sagot ni Ye Gu.

Biglang nagitla si Ye Sha. Dahil sa ilang pangyayari, wala sa normal na estado ang kaniyang kapangyarihan kung kaya't hindi sensitibo ang kaniyang pakiramdam sa pag-alam ng spirit power level ng isang tao tulad ni Jun Wu Xie.

Pero sa kaniyang pagkakatanda, bago pumasok si Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace, ang kaniyang spirit power ay nasa mababang antas pa lang ng Purple Spirit fourth stage. Para maabot ang sukdulan noon ay matatagalan pa.

Habang tumataas ang spirit power level ng isang tao, mas patagal ng patagal ang kaikailanganing oras para umangat ito sa susunod na level. Kung pagbabasehan ang sa normal na tao, para umakyat sa fifth stage mula fourth stage, aabutin iyon ng mahigit isang taon.

Ngunit halos kalahating buwan pa lang ang nakakalipas ay mararating na nito ang Purple Spirit's fifth stage. 

"Paanong naging ganoon kabilis iyon?" Hindi maiwasang magulat ni Ye Sha.

Agad namang sumagot si Ye Gu: "Nakakapagtaka nga. Anong nangyari sa Young Miss sa Spirit Jade Palace? Kahit na nasa Purple Spirit's fourth stage na ito ay ang bilis pa rin ng pagtaas ng level ng kaniyang spirit power. Kaya hindi ko maiwasang magtaka."

Walang maisip na dahilan sina Ye Sha at Ye Gu. Tungkol sa mga bagay na hindi sinasabi ni Jun Wu Xie, hindi naman nila magawang magtanong dito. Kaya mananatili lang iyong tanong na walang kasagutan.

Pero naniniwala sila na sa kasalukuyang kapangyarihan ni Jun Wu Xie, kapag nagpatuloy ang Battle of Deities Grand Meet bukas, walang kahirap-hirap na maitutumba niya ang lahat ng mga tao!

Habang nakaupo sa loob ng silid, walang kaide-ideya si Jun Wu Xie na ang dalawang miyembro ng Night Regime na nagbabantay sa kaniya ay sabik na para sa mga mangyayari bukas. 

Next chapter