697 Banta sa Clouds Loom (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Gu Li Sheng at mabilis na hinarangan ang pintuan, ang mukha niya ay puno ng

malamig na pawis.

"Isang tao mula sa Lin Palace! Isang tao mula sa Lin Palace ang humiling sa akin na pumarito at

makipagkita sa'yo!"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Wen Xin Han at makikita sa mga mata niya ang

kakaibang tingin. Saglit siyang tumahimik bago siya umatras at sa wakas ay nagsalita:

"Pumasok ka at magsalita."

Tumalon ang puso ni Gu Li Sheng. Hindi siya sigurado kung ang mga salita ni Jun Wu Xie ay

gagana ngunit napansin niya ang reaksyon ni Wun Xin Han nang marinig ang "Lin Palace" at

iyon ang nagbigay ng pag-asa sa kaniyang puso.

Pumasok sa loob ng silid si Gu Li Sheng at siya ay inimbitahan ni Wen Xin Han na maupo.

"Talaga nga bang mula sa Lin Palace ang nagpapunta sa iyo para hanapin ako?" tanong ni Wen

Xin Han, may paghihinala ang pagtitig niya kay Gu Li Sheng ang matalim niyang tingin ay

parang mga lumilipad na punyal patungo kay Gu Li Sheng.

Ramdam ni Gu Li Sheng ang hindi nakikitang puwersa ang biglang bumalot sa kaniyang

katawan at napansin na lamang niya na siya ay labis na pinagpapawisan dahil sa kaba.

[Ganito ba ang pakiramdam ng malupit na aura ng purple spirit?]

[Ito ay nakakatakot!]

"Ako… Ako ay hindi sigurado ngunit iyon ang sinabi niya na sabihin ko sa iyo." Walang balak si

Gu Li Sheng na magsinungaling sa harap ni Wen Xin Han. Ang kahihinatnan ng pangloloko sa

purple spirit ay isang bagay na hindi siya handang tanggapin.

"Siya?" napataas ang kilay ni Wen Xin Han. "Sinong siya?"

"Jun Xie ang pangalan niya ay Jun Xie at isa siyang disipulo ng Zephyr academy." Mabilis na

sagot ni Gu Li Sheng.

Nang marinig ni Wen Xin Han ang salitang "Jun Xie" ay may kakaibang bakas na nakita sa

kaniyang mga mata.

[Jun Xie... Jun Xie...]

[Maaari kaya na ang tao na tinutukoy ni Gu Li Sheng ay ang Young Miss mula sa Lin Palace?]

Hindi malilimutan ni Wen Xin Han ang dalagang iyon na may malamig at determinadong mga

mata.

"Ilang taon na ang taong iyon?" maingat na tanong ni Wen Xin Han.

"Nasa katorse o kinse..."

"Hitsura at katangian?"

"Maamo at kaakit-akit..."

"Maamo? Kaakit-akit?" naningkit ang mga mata ni Wen Xin Han. Ang binibining naaalala niya

ay may nakabibighaning ganda kahit na ang maliit na mukhang iyon ay hindi pa tumatanda ang

nakakaakit at at nakakabighaning katangian nito ay kayang sumakop ng buong bayan at

bihagin ang puso ng lahat.

Ang edad ay tugma at ang pangalan ay nagkaiba lamang nang isang salita.

Hindi nagsalita si Wen Xin Han at nanatili siyang tahimik at ang kaniyang isip ay magulo.

"Senior Wen ang tanging pakiusap lang niya sa iyo ay ang makipagkita ka sa kaniya bukas ng

tanghali sa departamento ng Spirit Healer." sa nakikita niya na nasa malalim na pag-iisip si

Wen Xin Han ay winaksi na ni Gu Li Sheng lahat ng kanyang agam-agam at diretsahan ng sinabi

ang nais iparating ni Jun Wu Xie.

"Makikipagkita lamang?"

"Oo."

"Sige pumapayag ako." sa wakas ay pagsang-ayon ni Wen Xin Han.

Sa buong kalupaan ang mga tao na nakakaalam na mayroon siyang koneksyon sa Lin Palace ay

naibaon na sa ilalim ng lupa at lahat ay kaluluwang gala.

Kung ang taong iyon ay mapang-ahas na sinabing siya ay mula sa Lin Palace maaaaring siya ay

konektado nga doon.

Kung ang tao man na iyon ay hindi si Jun Wu Xie ay nagdesisyon pa rin si Wen Xin Han na

makipagkita.

"Ako ay lubos na nagpapasalamat na marinig iyan!" sagot ni Gu Li Sheng na tuwang-tuwang

tumayo. Iilang katao lamang ang nakakagawa na bahagyang matinag si Wen Xin Han at bilang

isang respetado na gumagamit ng purple spirit ay hindi siya basta kung sino lamang. Hindi

kailangan sumunod ni Wen Xin Han sa utos ng kung sino-sino at magagawa niya ang anuman

na kaniyang naisin.

Kaya ang mapasang-ayon si Wen Xin Han ay nagbigay ng pag-asa kay Gu Li Sheng.

Bago siya umalis ay may pag-aalangan na tumingin si Gu Li Sheng kay Wen Xin Han at saglit na

nakipagtalo sa kaniyang sarili bago nagsalita: "Kung ang iyong junior ay magsabi ng mapang-

ahas na pakiusap ako ay makikiusap sa iyo Senior na sumang-ayon."

"Ano iyon?" malaki ang pasasalamat ni Wen Xin Han sa Lin Palace kaya ibinaba niya ang

kaniyang tindig kay Gu Li Sheng.

"Si Fan Jin... ay hindi kailanman magagawa ang walang kabuluhan na krimen na iyon.

Napagtanto ng iyong junior na kaya siya nabubuhay pa hanggang nagyon ay dahil sa

proteksyon mo Senior Wen. Ako ay nagmamakaawa sa iyo Senior Wen na patuloy mo sanang

siguruhin ang kaniyang kaligtasan. Siya... ay isang mabuting anak." pagmamakaawa ni Gu Li

Sheng habang mapagkumbabang nakayuko kay Wen Xin Han.

avataravatar
Next chapter