696 Banta sa Clouds Loom (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabila ng abilidad na itaas ang antas ng iyong spirit power upang makamit ang purple spirit

na ginagamit ng mga nasa Middle Realm ay mayroon pa ring malaking pagkkaiba iyon kung

ikukumpara sa mga taong nagtataglay na ng tunay na purple spirit at dahil dito ay atubili si Gu

Ying na kalabanin si Wen Xin Han.

"May paraan ba upang makita ko si Wen Xin Han?" tanong ni Jun Wu Xie.

"Makakalabas laamang ako dito kung wala sa paligid si Gu Ying. Minsan na akong umalis sa

departamento ng Spirit Healer at ng mga panahon nay un ay pinatay niya ang dalawa sa aking

mga disipulo. Ang mga binatilyong iyon ay matagal ko ng kasama at tinuring na akong Master.

Ako'y nagdalamhati na sila ay namatay ng walang saysay sa kamay ni Gu Ying." Sagot ni Gu Li

Sheng.

"Ilallayo ko siya upang makaalis ka at hanapin si Wen Xin Han. Iparating mo sa kaniya na may

gustong makipagkita sa kaniya na mula sa Lin Palace at siya ay papuntahin sa iyong opisina

bukang ng tanghali." saad ni Jun Wu Xie na nakatingin kay Gu Li Sheng.

[Sa pagkakataon na iyon ay kailangan niyang masiguro na ligtas si Fan Jin bago siya gumawa ng

susunod na hakbang.]

"ilalayo mo siya? Ngunit... hindi ba mapanganib?" nag-aalalang tanong ni Gu Li Sheng kay Jun

Wu Xie.

Umiling si Jun Wu Xie. Hindi man niya kayang pantayan si Gu Ying ngunit hindi rin niya

nalilimutan na nariyan si Ye Sha. Kinumpirma ni Ye Sha na magagawa niyang sugpuin si Gu Ying

at sapat na iyon para kay Jun Wu Xie.

"Si...ge..." sang-ayon ni Gu Li Sheng. Kahit hindi niya alam kung ano ang balak gawin ni Jun Wu

Xie ay may boses na nagsasabi sa kaniya na hindi siya nagkamali na makinig kay Jun Wu Xie.

Wala ng iba pang sinabi si Jun Wu xie kay Gu Li Sheng. Paglabas niya ng opisina ay nakita niya

agad si Gu Ying na naktitig sa kaniya at malaki ang ngiti sa mukha.

"Tapos na?" nakataas ang kilay na tanong ni Gu Ying.

Kalmadong tumingin sa kaniya si Jun Wu Xie at tinanong:" Gusto mo matuto ng Spirit

Healing?"

Ngumiti si Gu Ying at sumagot:"Oo naman kung hindi bakit ako nandito?"

"Sige, ituturo ko iyon sa'yo." saad ni Jun Wu Xie at madali ng naglakad pababa sa hagdan.

Tinitigan ni Gu Ying ang likod ni jun Wu Xie at isang kakaibang ngiti ang naglaro sa kaniyang

labi bago siya sumunod dito.

Nakatayo sa may bintana si Gu Li Sheng ng makita niya si Jun Wu Xie at Gu Ying na umalis sa

departamento ng Spirit Healer. Nang makita ang pag-alis ni Gu Ying ay napansin ni Gu Li Sheng

na ang kanyang kamao ay mahigpit ang kuyom at ang palad niya ay basang-basa na sa pawis.

Nang masiguro na nakalayo na si Gu Ying ay gumayak na si Gu Li Sheng paalis sa

departamento ng Spirit Healer. Bago siya umalis ay hindi niya kinalimutan na mag-iwan ng bilin

sa kaniyang mga disipulo sa departamento ng Spirit Healer na huwag ipaalam kahit kanino na

siya ay lumabas. Inutusan niya ang lahat na magbalik sa loob ng departamento at huwag

masyadong kumilos.

Ang mga disipulo ay lubhang takot kay Gu Ying at si Gu Li Sheng lamang ang tanging suporta

nila. Ang utos ni Gu Li Sheng ay siguradong masusunod.

Si Fan Jin ay bilanggo sa sarili niyang kuwarto at sa katabi ay ang kuwarto ni Wen Xin Han. At

dahil si Fan Jin ang pinaghinalaan na pumaslang sa Headmaster, ang buong lugar na iyon ay

nilisan ng mga disipulo. Nang makarating si Gu Li Sheng ay wala ni isa man na tao at lahat ng

disipulo ay nasa kanilang mga klase.

Batay sa memorya ni Gu Li Sheng ang pupuntahan niya ay ang pintuan sa gitna ng ikatlong

palapag. Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan.

Madaling binuksan ang pintuan at isang matandang lalaki na puro puti ang buhok ang

humarap kay Gu Li Sheng. Kahit namuti na ang buhok nito ay walang mababakas na kahinaan

sa kaniya at maging ang mga mata nito ay matalim at tumatagos.

"Ikaw si?" Tinitigan ni Wen Xin Han ang binata sa kaniyang harapan at inalala kung sino iyon.

Mabilis na sumagot si Gu Li Sheng: "Ako si Gu Li Sheng at nagmula sa departamento ng Spirit

Healer. Ipinagkatiwala sa akin ang pumarito sa inyo Senior Wen. Ako ay nakikiusap sa inyo

Senior Wen na pahintulutan ako na pumasok upang makipag-usap.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Wen Xin Han at hindi naapektuhan na siya ay sumagot: "Kahit

sino pa ang nagpapunta sa iyo dito ay hindi akong interesado na makialam sa mga gawain sa

Zephyr Academy." Pagtapos sabihin iyon ni Wen Xin Han ay nais na nitong isara agad ang

pintuan.

avataravatar
Next chapter