695 Banta sa Clouds Loom (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makarating si Gu Ying sa unang pagkakataon sa departamento ng Spirit Healer ay hindi

siya nagpakita ng kahit anong kaalanganan sa kaniyang ugali sa katunayan ay madalas siyang

lumalapit kay Gu Li Sheng upang magtanong tungkol sa Spirit Healing Technique. Kahit hindi

gusto ni Gu Li Sheng si Ning Rui ay naniniwala siya na hindi dapat tanggihan ang mga taong

nanghihingi ng tulong. SI Gu Ying ay naging mapagpakumbaba at magalang kaya naman

nagbigay si Gu Li Sheng ng simpleng mga turo at hindi na ito gaanong pinansin pagkatapos

nun. Ilang araw na noon ang lumipas ng makapasok si Gu Ying sa departamento ng Spirit

Healer ng namatay ang Headmaster na si Fan Qi at si Fan Jin ang itinurong pumaslang. Kung

hindi nakarating agad si Wen Xin Han siguradong nahatulan na si Fan Jin.

Doon na nagsimula magbago ang ugali ni Gu Ying naging suwail at walang galang ito, hindi rin

ito nagtitimpi sa kaniyang mga kilos kahit nasa loob pa ng departamento ng Spirit Faculty at

pinaslang din ang dalawang disipulo ng Spirit Healer.

Hindi na mabilang ang namatay na mga disipulo ng Zephyr Academy sa mga kamay nito.

Doon nalaman ni Gu Li Sheng na ang binatilyong iyon na palaging nakangiti ay isang demonyo.

"Sino ang sinabi mo na nagligtas kay Fan Jin?" pagkatapos marinig ni Jun Wu Xie ang sinabi ni

Gu Ling ay nagliwanag ang kaniyang mga mata.

"Si Wen Xin Han isang honourary dean ng Zephyr Academy. Personal siyang inimbitahan ng

Headmaster na si Fan Qi at hindi ko alam kung bakit nagpunta siya rito sa ganitong panahon.

Ngunit Mabuti na rin na andito siya dahil hindi ko alam kung gaano pa kalala ang maaaring

mangyari sa Zephyr Academy. Sadyang nakakapagtaka lamang na si Wen Xin Han ay dating

indigo spirit at sa pagbabalik niya siya ay isa ng purple spirit. Ang bagay na iyon ang bumigla sa

lahat." Mabuting paliwanag ni Gu Li Sheng.

"Wen Xin Han.." naningkit ang mga mata na nag-isip si Jun Wu Xie. Ang pangalan na iyon ay

hindi bago sa kaniya. Kabilang sa mga napiling lubos na bihasa sa Qin Yu Yan ay tila may isang

tao na iyon ang pangalan? At sa panahon na iyon, mula na rin sa utos ni Jun Xian, niregaluhan

ni Jun Wu Xie ng elixir si Wen Xin Han at sinabing umalis na sa laban.

Hindi kailanman niya naisip na pagkatapos ng matagal na panahon ay magkikita silang muli ni

Wen Xin Han!

Hindi napigilan ni Jun Wu Xie na magtanong pa ng tungkol kay Wen Xin Han.

Walang balak si Gu Li Sheng na maglihim kay Jun Wu Xie kaya naman sinabi niya lahat ng

nalalaman niya.

Kahit na narito si Wen Xin Han ay wala itong balak na makialam sa ibang mga gawain sa Zephyr

Academy, naroon lamang ito dahil sa pagkakaibigan ni ni Fan Qi, ipinaglalaban lamang nito si

Fan Jin at hindi niya gusto na isangkot ang sarili sa kahit ano.

"Kung sakaling sabihin na si Fan Jin nga ang pumatay kay Fan Qi ay hinding-hindi ako

maniniwala maski isang salita. Si Fan Jin ay mayroong puso na tapat at matuwid at hindi

kailanaman magagawa iyon." buntong-hininga ni Gu Li Sheng. Kung tulad noon ang Zephyr

Academy ngayon siguro ay magsasalita siya. Subalit dahil na rin sa madalas na pagpapakita ni

Gu Ying sa departamento ng Spirit Healer ay nangangamba si Gu Li Sheng na lumabas at umalis

ng walang nakakaalam dahil siguradong hindi magdadalawang-isip si Gu Ying na paslangin ang

lahat ng disipulo sa departamento ng Spirit Healer.

Ang maging saksi sa kalupitan at baliw na si Gu Ying ay nasisiguro ni Gu Li Sheng na magagawa

nito iyon.

Nakakulong si Gu Li Sheng, lahat ng kilos niya ay binabantayang mabuti ni Gu Ying.

Sandaling natahimik si Jun Wu Xie ang isip niya ay maiging pinag-aaralan lahat ng nakalap niya

na ebidensiya.

Mayroon na siyang sariling haka-haka. Batay sa katauhan ni Ning Rui matapos ang pagpaslang

kay Fan Qi ay hindi na niya hahayaan na mabuhay pa si Fan Jin. Madali lamang para kay Gu

Ying ang pumaslang ng isang tao dahil siya ay malupit at walang-awa. Sa buong Zephyr

Academy wala ni isa man ang papantay sa kaniya at hindi mahirap para sa kaniya ang

paslangin si Fan Jin. Kaya bakit hinayaan ni Ning Rui si Fan Jin na mabuhay?

Ngayon ay naiintidihan na ni Jun Wu Xie!

Dahil iyon kay Wen Xin Han!

Sa nakalipas na isang siglo, ang paglitaw ng nag-iisang honourary dean na isang purple spirit

ang sumira sa mga plano ni Ning Rui at Gu Ying at ang kakaibang kapangyarihan ni Wen Xin

Han ang pumipigil sa kanilang mga plano!

avataravatar
Next chapter