694 Banta sa Clouds Loom (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang maliit na tirahan sa kakahuyan ay muling natirahan ngunit ngayon ang kasama ni Jun Wu

Xie ay hindi si Fan Zhou kundi si Gu Ying. Hindi alam kung ano ang ginawa ni Gu Ying upang

mapagsilbihan siya ng wala sa sariling si Ah Jing. Ang pagkain nila ay inihahanda lagi ni Ah Jing

at sa tuwing makikita ni Jun Wu Xie si Ah Jing ay titingin lamang ito ng may takot at biglang

yuyuko. At tuwing si Gu Ying ang makikita ay mag uumpisang manginig ni Ah Jing.

"Dalawang araw na simula ng magbalik ka Senior. Wala ka bang balak na bumalik sa

departamento ng Spirit Healer at sumilip man lang?" tinulak ni Gu Ying ang pintuan sa kwarto

ni Jun Wu Xie ng walang permiso at nakangiting nagtanong.

Hindi siya pinansin ni Jun Wu Xie at lumabas sa pinto papunta sa departamento ng Spirit

Healer. Sumunod sa kaniyang likuran si Gu Ying at nakasalubong nila ang ilang disipulo ng

Zephyr Academy. Nang makita ng mga disipulon si Gu Ying ay kumakaripas sila sa takot at ito'y

tinatawanan lamang ni Gu Ying.

Nang makarating sila sa departamento ng Spirit Healer lahat ng disipulo ay nakayuko at hindi

tinangkang itaas ang kanilang paningin ng kanilang makita si Gu Ying.

Kung susuriin ang reaksyon ng mga disipulo, maaaring si Gu Ying ay nagdulot ng kaguluhan sa

Zephyr Academy dahil kung hindi bakit lahat ng disipulo sa buong academy ay takot sa kaniya?

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie at nang makarating sa pintuan ni Gu Ling Sheng ay lumingon

ito kay Gu Ying at sinabi: "May mga kailangan akong sabihin sa kaniya."

Tumaas ang kilay ni Gu Ying.

"Pumunta ka na Senior at gawin ang dapat mo gawin. Mag-aantay ako dito sa labas."

Walang pakealam si Gu Ying kung makikipagkita si Jun Wu Xie kay Gu Ling Sheng nang mag-

isa. Sa buong Zephyr Academy ang tanging inaalala ni Gu Ying ay si Wen Xin Han at ang

importante kay Wen Xin Han ay si Fan Jin at hindi siya interesado na makialam sa buhay ng

kahit sino.

Si Jun Wu Xie at Gu Li Sheng ay ang mga taong pwedeng maiwan at hindi niya kailangan na

mag-alala tungkol sa bagay na iyon.

Hindi pinaghinalaan ni Jun Wu Xie ang pakikipagtulungan ni Gu Ying. Sa kaniyang obserbasyon

ay nagawa na niyang kontrolin ang utak ni Gu Ying.

Sa isip ni Gu Ying, siya at si Gu Li Sheng ay parang mga ibon na nakakulong sa sarili nilang mga

hawla.

Kumatok si Jun Wu Xie sa opisina ni Gu Li Sheng. Tahimik sa likuran ng pintuan bago narinig

ang boses ni Gu Li Sheng. Binuksan ni Jun Wu Xie ang pintuan at isinara pagpasok niya, nilayo

niyon ang nakangiting mga mata ni Gu Ying.

"Jun Xie!" ang mukha ni Gu Li Sheng ay puno ng pag-aalala at pagkabahala ngunit nang makita

niya si Jun Wu Xie ay nagliawanag ang kaniyang mga mata. Madali siyang tumayo at

sinalubong si Jun Wu Xie.

"Bakit ka nagbalik?" bulong ni Gu Li Sheng tila sinasadya niya na hinaan ang boses nito.

"Tapos na ang aking tungkulin kaya ako ay nagbalik." sagot ni Jun Wu Xie.

Mapait na ngumiti si Gu Li Sheng at sinabi: "Hindi ka na dapat nagbalik. Ang Zephyr Academy

ay ganap nang nagbago at hindi na nararapat manirahan ng kahit sino dito ng matagal. Hay."

buntong-hininga ni Gu Li Sheng ang mga mata niya ay nakatingin sa saradong pintuan.

Ang mata nito ang sumasalamin sa kung ano ang hindi masabi ng bibig nito ng siya ay tumingin

kay Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie.

Maputla ang mukha ni Gu Li Sheng.

"Ito ay tulad ng naisip ko, narinig ko kahapon na ang tao na nasa kakahuyan ay bigla na lang

kumilos at naisip na iyon ay kakaiba. Ngayon na andito ka alam ko na ang dahilan ng mga kilos

niya."

"Kilala mob a kung sino ang gumawa nun?" mahinahong tanong ni Jun Wu Xie.

Umiling si Gu Ling Sheng at mapait na ngumiti. "Dumating siya dito sa Zephyr Academy mahigit

kalahating buwan na ang nakakaraan at sinabing siya ay pinsan ni Ning Rui. Pakiramdam ng

Headmaster na kasalanan niya ang pagkamatay ni Ning Xin, nagmakaawa si Ning Rui at

sumang-ayon ang Headmaster na pahintulutan ang taong iyon na pumasok bilang guro sa

Spirit Healer. Sinabi ito mismo ng Headmaster sa akin. Nang mga panahon na iyon ay hindi ko

masyadong inintindi iyon. Kahit na naramdaman ko na parang may mali ay ayoko na pahirapan

ang Headmaster at pumayag na rin ako na papasukin iyon na guro ng Spirit Healer bilang isang

disipulo…"

avataravatar
Next chapter