webnovel

Baligtad (2)

Editor: LiberReverieGroup

Akala ni Fei Yan, hindi alam ni Jun Wu Xie at ang mga damit na pambabae ay para sa kaniya. Kaya naman napilitan siyang sundin ang sinabi ni Qiao Chu.

Sinong mag-aakalang alam pala ni Jun Wu Xie ang kaniyang tunay na kasarian!?

Kung a Alalahanin nga niya, noong unang magising si Jun Wu Xie, iniiwan nito ang kaniyang pusa kay Rong Ruo at hindi kay Fei Yan na siyang una nitong nakita. Ngayon ay mukhang may maganda nang dahilan si Jun Wu Xie kung bakit niya ginawa iyon!

Halatang alam ni Jun Xie simula pa lang ang tunay na kasarian nina Rong Ruo at Fei Yan!

Higit sa lahat, iba kung itrato ni Jun Xie si Rong Ruo sa kanilang lahat.

Hiyang-hiya pa rin si Fei Yan samantalang si Rong Ruo ay malapad na nakangiti. Hinila ni Fei Yan si Rong Ruo papunta sa kung saan at maya-maya lang ay bumalik ang mga itong nakapagpalit na ng damit.

Ngunit...

Mukha pa ring babae si Fei Yan kahit na nakadamit panlalaki na ito. At kahit tama na ang suot ni Rong Ruo na nakasuot ng damit pambabae, parang kinikilabutan si Qiao Chu na tignan ito dahil nga sa nasanay siyang nakasuot g panlalaki si Rong Ruo simula pa lang.

Sa wakas ay hindi nila nakaya ang mga titig na ibinabato sa kanila at muling nagpalit ng damit na una nilang sinuot.

Nang makita nila si Fei Yan na nakasuot muli ng pambabae, hindi mapigilan ni Qiao Chu na mapabungisngis kaya naman hinampas-hampas ito ni Fei Yan.

Maaaring si Fei Yan ang pinakamaliit sa kanila ngunit sa kanilang lahat, ito ang pinakamalakas. Inangat nito si Qiao Chu gamit ang isang kamay at sinuntok ito. Kung babae ito, Talagang babagay dito ang bansag na "Violent Lolita."

Habang tumatakas naman si Qiao Chu sa galit na si Fei Yan, umupo si Rong Ruo sa tabi ni Jun Xie at ngumiti: "Salamat."

Kahit na maraming ginawa si Jun Wu Xie para sa mga ito, hindi iyon binanggit ni Jun Wu Xie sa kanila.

"Hindi na kailangan." Mahinang sagot ni Jun Wu Xie. Sa kaniyang isipan, wala siyang maisip na paraan kung saan gagamitin ang pera.

Nakatitig si Hua Yao sa magkapalit na damit ng "sisters" at ikinaaliw niya iyon. Binura niya ang ngiti sa kaniyang labi at seryosong Bumaling kaay Jun Wu Xie: "Hindi ito ang magandang panahon para dito pero Little Xie, may isa pang bagay na sana ay matulungan mo kami."

"Elixir?" Tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang isang kilay.

Tumango si Hua Yao.

"Reseta." Hingi ni Jun Wu Xie na walang pagdadalawang-isip.

Nilabas naman ni Hua Yao ang reseta at ibinigay iyon kay Jun Wu Xie. Binasa naman agad iyon ni Jun Wu Xie.

"Para kanino ang gamot na ito?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Kay Master. Lubha siyang napinsala ilang taon na ang nakakalipas dahil sa pagprotekta sa amin. Kaya naman pinapamanhid niya ang sakit gamit ang alak." Nagdilim ang mukha ni Hua Yao habang sinasabi iyon. Dahil sa kahirapan, hindi nila kayang bumili ng wine para kay Yan Bu Gui at hindi lang siguro pinapakita sa kanila, lihim na dinadaing ni Yan Bu Gui ang kaniyang pinsalang natamo.

Ang resetang iyon ay nakuha nila nang kanilang lisanin ang Middle Realm. Nagpunta noon si Qiao Chu sa Ghost City para makipagpalit ng Eastern Pearls, dahil iyon ang pangunahing kailangan para sa elixir. Ngunit mahirap i-cultivate ang elixir at kahit na ang mga taga-Middle Realm ay hirap na mapagtagumpayang gawin ang cultivation noon.

Nang kanilang makilala si Jun Wu Xie, nag-alangan sila ngunit hindi nila pinakawalan ang kaunting pag-asa na iyon.

Yumuko si Jun Wu Xie at muling binasa ang nakasulat sa reseta.

Kinabahan si Hua Yao sa katahimikan nito at ang mga mata naman ni Rong Ruo ay umaasa.

"Halamag-gamot." Biglang sabi ni Jun Wu Xie.

"Ano?"

"Bigyan mo ako ng mga halamang-gamot." Ulit ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Hua Yao.

Sa wakas ay naiintindihan ni Hua Yao ang ibig sabihin ni Jun Xie at ang kaniyang madalas na kalmado ng itsura ay napalitan ng pagkasabik.

"Magagawa mo iyon?"

Tumango si Jun Wu Xie. Medtyo komplikado ang reseta ngunit hindi iyon ganon kahirap para sa kaniya. Ang medyo mahirap lang doon ay mayroong mga pambihirang halamang-gamot iyon na maging siya ay hindi niya pa kailanman naririnig.

"Nakakatuwa! Gagawin namin ang lahat para makuha ang mga halamang-gamot!" Nakangiting saad ni Hua Yao. Kahit gaano pa kahirap, kahit papaano mayroon na silang kaunting pag-asa!