477 Babaeng Makamandag (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Little Yan, ayos ka lang ba? Masyado na bang malamig ang hangin para sa'yo?" Nakangiting tanong ni Ning Xin kay Yin Yan na namumutla na ngayon.

Nakabawi si Yin Yan at sumagot: "Oo, meyo lumalamig na nga."

Siguro ay imahinasyon niya nga lang yon. Si Senior Ning ay masasabi nang perpektong babae, paanong naging tuso ito?

Ngumiti lang si Ning Xin at hindi na nagsalita pa.

Sa kabilang banda, nililinis ng mga disipulo ang pinaglabanan at isang bata ang tumatakbo papalapit sa matangkad na disipulong nakaapak pa rin sa ulo ng malaking Spirit Beast, nagsisisigaw ito: "Senior Lu! Senior Lu!"

Humarap dito si Lu Wei Jie. Tumalon ito palayo sa Spirit Beast at ibinato sa isang disipulo ang nakuha nitong spirit stones.

"Ano 'yon?" Tanong ni Lu Wei Jie habang pinupunusan ang dugo sa kaniyang kamay.

Mabilis namang sumagot ang bata.

Ang batang iyon ay may weapon spirit at ang ring spirit nito ay may kakayahang magpalit ng anyo sa pagiging combat boots. Ang boots na iyon ay nagbibigay sa kaniya ng kakayahang bumilis at tumalon kaya naman ang naatas ditong trabaho ay ang maghanap ng Spirit Beasts. Naghahanap ito ng susunod nilang pupntiryahin nang mapadpad ito sa isang madugong labanan. Nakita ng kaniyang dalawang mata ang grupo ng mga taong pumatay ng isang mataas na antas ng Spirit Beast at lubos niyang ikinamangha ang abilidad ng mga ito.

"Nakapangaso ng mataas na uri ng Spirit Beast?" Marahang naglakad si Ning Xin palapit matapos marinig ang balitang iyon.

Humarap naman si Lu Wei Jie kay Ning Xin, nang madako ang kaniyang tingin sa makurba nitong pigura, ang yabang sa mata nito ay napalitan ng pagsamba.

"Oo, nagawa ng mga taong iyon ang pumatay ng mataas na uri ng Spirit Beast." Sabik na Tumango-tango ang bata.

Bahagyang nalukot ang mukha ni Lu Wei Jie. Hindi madali ang magpatumba ng ganoong uri ng Spirit Beast. Bilang pangalawa sa hanay ng Zephyr Academy's Spirit Tournament, ang kaniyang kapangyarihan at kakayahan ay isang tao lang ang nakakalamang. At kahit sa grupo na kaniyang pinamumunuan, kung saan tinanggal na pinakamalakas na grupo sa Zephyr Academy, hindi pa rin sila kumpiyansa na kaya nilang pumatay ng mataas na uri ng Spirit Beast.

Ang mga Spirit Beasts na nabibilang sa mataas na antas aay hindi lang mas makapangyarihan at mas malakas kaysa sa mga nasa katamtamang antas, mayroon din silang partikular na level ng talino, at kaya ng mga itong makatakas.

Para tumalo ng isang katamtamang Spirit Beast, kailangan ay magkaroon ka ng sapat na lakas at kapangyarihan. Ngunit ang kailangan ng grupo para magpatumba ng mataas na uri ng Spirit Beast ay iba at mas brutal.

Hanggang ngayon, wala pang ni isang grupo sa Zephyr Academy's Spirit Hunt ang nagtagumpay na makapatay ng mataas naa uri ng Spirit Beast.

"Anong klase ng tao sila?" Tanong ni Lu Wei Jie.

"Lumapit ako sa kanila para magtanong matapos nilang patayin ang Spirit Beast. Mukhang wala silang alam tungkol sa Zephyr Academy, ang mga taong iyon ay naglalaro sa dalawampung taong gulang ang edad o mahigit. Sabi nila, sila ay nasa ekspedisyon para hanapin ang isang partikular na halamang gamot. Ngunit hindi sila pamilyar sa lupa in sa Battle Spirits Forest kung kaya sila ay naligaw. Nagtanong pa nga sila saakin kung kabisado ko daw ba ang lugar." Ibinahagi ng bata ang lahat ng sinabi sa kaniya ng lalaking kaniyang nakausap.

Nabura na ang pagkakakunot sa mukha ni Lu Wei Jie matapos marinig ang sinabi ng disipulo.

Hanggat hindi galing sa Zephyr Academy ang mga taong iyon, hindi niya dapat ikabahala.

Kung mayroong grupo sa Zephyr Academy ang makakagawang magpatumba ng mataas na uri ni Spirit Beast, iyon ay isang malaking banta sa kaniya.

Inaasam ni Lu Wei Jie na manguna sa Spirit Hunt.

"Oh?" Saad ni Ning Xin nang matapos magsalita ang bata. May isang ideya ang biglang nabuo sa kaniyang isipan.

avataravatar
Next chapter