474 Babaeng Makamandag (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung talagang marami ang sugatan, mas matapang ang amoy non at hindi kailangang suminghot ng suminghot ni Jun Wu Xie para maamoy iyon. Kaya naman sigurado siyang arte lang ang ginawa ng mga ito.

Napakagat-labi si Fan Jin. "Nang pumayag kang pumarito, ang tunay na intensyon mo ay para alamin kung sino ang nasa likod nito?"

"Muling tumango si Jun Wu Xie.

Natahimik si Fan Jin. Nang kaniyang makita ang reaksyon nina Qiao Chu, naniniwalang siyang alam din ng mga ito iyon at nagpanggap lang na walang alam at nagtungo pa rin sa bitag ng kaaway. At sa katunayan ang puntirya ng bitag na iyon ay walang iba kundi siya.

Sa buong panahong ito, prinoklama niyang siya ang poprotekta kay Jun Xie. Napagtanto ni Fan Jin na lahat ng natanggap at napagdaanan ni Jun Xie ay dahil sa kaniya. Hindi makahinga ng maayos si Fan Jin dahil sa pagkabagabag.

"Anong susunod nating gagawin?" Napansin ni Qiao Chu ang nababahalang mukha ni Fan Jin kaya pinilit niyang baguhin ang usapan. Nalulungkot siya para kay Fan Jin.

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie at biglang may tinawag: "Ye Sha."

Matapos sabihin ni Jun Wu Xie iyon ay isang anino ang sumulpot sa kaniyang likuran.

Masyadong mabilis ang lalaking iyon at maging si Hua Yao na nasa tabi ni Jun Wu Xie ay nagulat. Nang makita ni Hua Yao at Qiao Chu ang mukha ni Ye Sha, nanigas ang mga ito sa kanilang kinatatayuan.

"Ikaw...Ikaw...Hindi ba't..." Hindi kailanman makakalimutan ni Qiao Chu ang mukhang iyon. Kung hindi dahil sa pagsasakripisyo ng lalaking ito sa pamamagitan ng pagpapasabog sa sarili, maaaring patay na siya ngayon. Ngunit sa araw na iyon sa Cloudy Peaks, sigurado siyang nakita niyang pinasabog ng lalaking ito ang kaniyang sarili. Paanong narito ito ngayon at buo?

Nakapako ang tingin ni Ye Sha kay Jun Wu Xie at walang anumang ekspresyon ang mukha nito. Hindi man lang nito sinulyapan si Qiao Chu at Hua Yao.

"Hindi siya iyon." Biglang saad ni Jun Wu Xie.

Bumuka ang bibig ni Qiao Chu at agad ring tumikom. Nakatitig lang ito kay Ye Sha.

"Hanapin mo ang kinaroroonan ni Ning Xin." Humarap si Jun Wu Xie kay Ye Sha at inutusan ito.

"Masusunod!" Nagliwanag ang pigura ni Ye Sha at agad naglaho.

Ang bigong itsura ni Fan Jin kanina ay napalitan ng labis na pagkagulat.

"Little Xie, isusunod mo sina Ning Xin at Yin Yan?" Tanong ni Fan Jin na matamis na nakangiti. Base sa mga sinabi ng lider kanina, naintindihan na ng grupo kung sino ang tunay na nagbabalak pumatay sa kaniya.

"Hindi natin kailangang magmadali." Saad ni Jun Wu Xie habang marahang umiling.

Matapos ng ginawa ni Ning Xin kay Fan jin, para iyong direksyon na nagtuturo kay Jun Wu Xie sa mga himaton sa isang misteryo sa isipan ni Jun Wu Xie. Gusto niya pang makakalap ng mas marami pang himaton para matunton niya ang kasagutang kaniyang hinahanap.

"Sino si Ning Xin?" Tanong ni Jun Wu Xie sa mapanglaw na si Fan Jin. Nang banggitin ng disipulong iyon si Ning Xin kanina, bumakas sa mukha ni Fan Jin ang pagkagitla. Para bang mas hindi niya natanggap na si Ning Xin ang nasa likod ng lahat ng ito kaysa kay Yin Yan.

"Siya ang anak ni Ning Rui at si Ning Rui ang kapwa junior disciple ng aking ama---ang kasalukuyang Vice Headmaster ng Zephyr Academy. Malapit siya sa aking ama at masasabi ni Ning Xin na sabay kaming lumaki kasama ni Little Zhuo. Higit sa lahat...si Ning Xin at Little Zhuo ay nakatakdang magpakasal ngunit dahil sa kasalukuyang kondisyon ng kalusugan ni Little Zhuo, kailangan nitong magpagaling at minsan lang sila magkita. Naglalaan ng panahon si Ning Rui para maghanap ng gamot na makakapagpagaling kay Little Zhuo at si Ning Xin ay madalas na inaalagaan si Little Zhuo...Paanong siya ang nasa likod nito?" Napakamot ng ulo si Fan Jin dahil sobra itong naguguluhan. Hindi niya lubos maisip na si Ning Xin ay kasabwat at nagmamanipula sa kabila ng mahinahon nitong kilos at pananalita.

Kahit na hindi pa kasal sina Fan Zhuo at Ning Xin, ang turing na dito ni Fan Jin ay hipag.

avataravatar
Next chapter