246 Awkward (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagmadali si Jun Wu Xie pabalik sa Lin Palace kung saan ay nag-aalalang naghihintay si Jun Xian at Jun Qing. Nakahinga lang ang mga ito ng maluwag ng makita nila si Jun Wu Xie. Nais tanungin ni Jun Qing si Jun Wu Xie sa nangyari sa Imperial Palace nang hawakan ito ni Jun Xian sa kamay at sinabi kay Jun Wu Xie na: "Dumidilim na, maglinis ka na ng katawan at magpahinga. Makakapaghintay ang lahat bukas."

Nag-alangan muna si Jun Wu Xie bago tumango. Ayaw na ayaw niyang wala sa ayos ang kaniyang itsura. Kaya ang gusto niyang gawin ngayon ay ang magbabad sa maligamgam na tubig at linisin ang mga dugo nang tuluyang matanggal ang lansa nito.

"Papa. .." Naguguluhang tinignan ni Jun Qing si Jun Xian.

Umiling si Jun Xian at sinabing: "Hindi mo ba nakita kung gaano kapagod ang itsura niya?"

Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie at napagtantong maayos ang itsura ni Jun Wu Xie ngunit namumutla ito.

"Kawawang bata, marahil ay pinagod nito ng sobra ang kaniyang sarili. Dahil ligtas siyang nakabalik, maayos na siguro ang sitwasyon sa Imperial Palace. Hayaan muna natin siyang magpahinga. Pwede naman natin siyang tanungin bukas." Napabuntong-hininga si Jun Xian. Ang isang batang nasa edad na labing-apat ay dapat nagsasaya at wala dapat gaanong pakialam sa mundo. Ngunit walang pagkakataon si Jun Wu Xie na gawin iyon.

Napalagay siya sa paraan ng pag-iisip at lakas ng kaniyang apo. Ngunit nasasaktan siya kung paano magtrabaho si Jun Wu Xie.

"Masyado akong nag-alala, uutusan ko ang mga katulong na ipaghanda ng pagkain si Jun Wu Xie at ihatid dito." Naalala ni Jun Qing na baka hindi pa nga ito kumakain.

Nang makarating si Jun Wu Xie sa kaniyang silid, handa na ang kaniyang pagliliguan. Hinubad na niya ang kaniyang suot at nagbabad na sa maligamgam na tubig dahilan para pumayapa ang kaniyang pakiramdam.

Kakarating niya pa lang sa orange level spirit at dalawang labanan na agad ang kaniyang kinasalihan. Pagkatapos ay ginugol niya ang kalahating araw niya para gamutin ang malubhang Emperor. Talagang pinagod siya ng araw na ito...

Bumalik na sa pusang itim na anyo ang black beast. Kumuha ito ng roba gamit ang kaniyang bibig at ipinasok iyon sa banyo. Gusto sanang pumasok ni Drunk Lotus ngunit pinigilan ito ni Little Black. Inubos nito ang Jade Moon at ang bisa ng alak ay nawawala na kaya bumalik na ito sa pagiging si Little Lotus. Nang makita ni Little Lotus ang matatalas na kuko ni Little Black, wala siyang nagawa kundi ang humikbi na lang at ibabad ang sarili mag-isa sa maliit na lawa.

Tumalikod ang pusa para kausapin si Jun Wu Xie ngunit nadismaya siya nang makita si Jun Wu Yao na nakabantay sa pinto.

Marahang lumakad si Jun Wu Yao sa kahoy na bath tub at tumingin kay Jun Wu Xie na nakahiga doon habang nakapikit ang mga mata. Lumapat ang kaniyang mga daliri sa balikat ni Jun Wu Xie. Bakas ang tensiyon sa kalamnan nito.

Siguro ay dahil iyon sa mga hinarap nito buong araw. Nahulog siya sa masahe ni Jun Wu Yao habang siya ay nakababad sa tub. Sumandal ang kaniyang ulo sa kamay ni Jun Wu Yao dahil sa ginawa nito.

Ang bango ng kaniyang pinanliligo at ang amoy ng hamog ay nagbigay ng nakakagaang pakiramdam kay Jun Wu Xie. Idagdag pa ang mga daliri ni Jun Wu Yao na dumidiin sa kaniyang mga balikat. Nagdulot naman iyon ng hindi maipaliwanag na damdamin kay Jun Wu Yao. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Nanatili namang nanunuod lang ang pusang itim, hindi nito alam kung gagalaw ba ito o mananatiling nanunuod lang.

Nakapagdesisyon ang pusa. Kung gagawa si Jun Wu Yao ng hindi kaaya-aya ay magigising ang kaniyang Mistress panigurado!

Nakahinga ng maluwag ang pusa nang hindi mangyari ang iniisip nito. Napansin ni Jun Wu Yao na nagbago na ang temperatura ng tubig. Kinuha nito ang tuwalyang nakasabit at inangat si Jun Wu Xie gamit ang isang kamay. Agad nitong ibinalot dito ang roba at binuhat ito patungo sa malambot nitong higaan.

Wala nang nangyari pagkatapos niyon.

Kumalma ang tensiyonadong si Little Black at nahihiyang nagtago sa ilalim ng mesa nang mapagtanto niyang siya lang ang nag-iisip ng masama.

Ipinagkibit-balikat na lang iyon ni Little. Nagbago na ba ang demonyong iyon? Ang demonyo ay naging maginoo na?

avataravatar
Next chapter