568 Auction Para sa mga Mayayaman (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ba't napapawalang-bisa ng All Dispelling Elixir ang lahat ng lason? Ibig bang sabihin non ay pwede nating ibigay ito kay Mo Qian Fan?" Biglang Tanong ni Qiao Chu.

Umiling si Jun Wu Xie. "Ang elixir na binigay ko sakaniya noong isang araw ay ang All Dispelling Elixir. Ang elixir ay mabisa lang sa pangkaraniwang lason. Ngunit ang lason na nasa katawan ni Mo Qian Fan ay nagmula sa Middle Realm. Hindi kayang labanan iyon ng All Dispelling Elixir."

Tumango-tango naman si Qiao Chu bago muling nagtanog: "Para sa All Dispelling Elixir, ilang araw mo iyong ginagawa?"

Sasagot na sana si Jun Wu Xie nang pigilan ito ni Qiao Chu at sinabing: "Huwag...Saglit! Huwag mong sabihin sakin. Mas mabuti nang hindi ko alam. Tingin ko ay hindi kakayanin ng puso ko."

Mas mataas ang presyo ng All Dispelling Elixir kaysa sa Spirit Intensifying Elixir. At para sa isang taong hindi sanay sa ganitong kalalaking halaga, mas natatakot siya sa maaaring isagot ni Jun Wu Xie.

Sumuko na si Jun Wu Xie at napagdesisyunan manahimik na lang.

Kung alam lang ni Qiao Chu, ang mga elixir na binenta nila noon sa labas ng Zephyr Academy, gumawa siya noon ng isang daang libo sa loob ng isang buwan...

Siguro ay nuncang mahimatay si Qiao Chu sa kaniyang kinauupuan dahil sa gulat.

Sunod-sunod ang labas ng mga elixir ni Jun Wu Xie at pataas ng pataas ang presyo noon. Kapag may lalaban sa huling bid ay hindi rin magpapatalo ang isa pa. Mas lalong umiingay ang auction house habang tumatagal. 

Sa likod ng entablado ay halos hindi na mabura ang ngiti sa mga mukha ni He Chang Le. Nangangalay na siya sa kaniyang kinatatayuan ngunit hindi niya naman magawang iwan ang pangyayaring ito. Nanghingi na lang siya sa mga naninilbihan doon ng mauupuan.

Agad na naubos ang ikatlo at ikaapat na elixir.

Ang huling klase ng elixir ay dahan-dahang inakyat sa entablado. 

Tumatagaktak na ang pawis ng auctioneer at ang damit nito ay basang-basa na. Namumula ang mukha nito sa sobrang kasabikan. Nang inilagay ang ika-limang uri ng elixir sa enteblado, inihanda niya muna ang kaniyang sarili para sa introduksiyon ng huling elixir.

"Ang elixir na ito ay ang huling elixir para sa araw na ito. Ang epekto ng elixir na ito ay...sinisigurado ko, sumpa man, ay mas higit sa apat na nauna! Ang elixir na ito ay Hibernation Elixirs! Kahit gaano pa kasugatan ang iinom nito, basta sila ay humihinga pa, magagawa nitong ilagay sa "suspended animation" ang taong iyon sa loob ng tatlong araw! Ang tatlong araw na iyon ay ang pinaka-kritikal na panahon para sa isang sugatan!

Ang bulwagan ay natahimik.

Ang bawat pares ng mata ay nakatitig sa pinakanakakatulong na elixir na nakalagay sa tray...ang Hibernation Elixir!

Para ka malagay sa suspended animation sa loob ng tatlong araw ay lubos na nakakatulong! Maaari mong gamitin ang mga araw na iyon para manghingi ng tulong. Kahit na hindi sila magagamot sa pag-inom non, mapapatagal nito ang tsansa sa tuluyang pagpasok sa kamatayan ng isang tao.

Ang mundo ay puno ng mga hindi inaasahang bagay. Hindi natitigil ang kumprontasyon at kahit sino ay maaaring malagay sa bingit ng kamatayan.

Ang Hibernation Elixir ay hihilahin sila pabalik at bibigyan ng tatlong araw para makipaglaban sa kanilang buhay!

Para sa may matagal nang karamdaman, at para sa malubhang nasugatan, malaking tulong itong Hibernation Elixir para sa kanila!

"Sa totoo lang, gustong-gusto kong makipag-bid sa Hibernation Elixir. Ito ang aking huling tsansa para protektahan ang natatangi kong buhay. Nagsisimula two hundred thousand taels ang bid sa bawat isang Hibernation Elixir. Ako ay gagawa ng pagbubukod sa oras na ito. Kung papayagan ako ng lahat, sisimulan ko ang unang bid sa two hundred and ten thousand taels, sana ay payagan niyo akong lahat na mapasaakin ang unang elixir na ito." Sa unang beses, gumawa ang auctioneer ng hindi inaasahang bagay. 

Natahimik ang mga tao dahil sa sinabing iyon ng auctioneer!

Madalas na hindi pwedeng sumali sa bidding ang mga empleyado ng auction house. At bilang siya ang nangungunang auctioneer, hindi niya na siguro mapalampas ang pagkakataong ito. Kaya naman ito ay natukso na na makisali sa bidding. Paanong nanahimik lang ang mga tao at walang ginawa?

Sa sumunod na sandali, pumutok ang hiyawan sa loob ng auction house at agad na tumaas ang bid sa elixir!

avataravatar
Next chapter