567 Auction Para sa mga Mayayaman (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maaaring may kamangha-mangha ngang epekto ang Spirit Intensifying Elixir ngunit limitado sa isang gamitan lang iyon. Ang ganong halaga ay isang bagay na tanging ang mga mayayamang disipulo lang ng Zephyr Academy ang makakayang bilhin iyon.

Di nagtagal ay naubos na ang Spirit Intensifying Elixir, ang lahat ng iyon ay nakuha ng mga disipulo ng Zephyr Academy.

Muli, ay nasaksihan ng mga mamamayan ng Chan Lin Town ang yaman ng mga taga-Zephyr Academy!

Sa pribadong silid sa ikalawang palapag, nagbibilang na si Qiao Chu ng kung magkano ang kinita ng Spirit Intensifying Elixir. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakangiti.

"Little Xie, gaano katagal para magawa ang elixir na iyon?" Tanong ni Qiao Chu kay Jun Wu Xie habang ang mga mata ay nagniningning.

Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie at sumagot: "Isang araw."

Napasinghap si Qiao Chu at tumatawang sinabi: "Haha! Nakagawa ka ng isang elixir sa loob ng isang araw? Haha! Ibig bang sabihin non ay mayroon kang isang daan at tatlumpung libong tael para igastos araw-araw?"

Kalmado namang sumagot si Jun Wu Xie: "Nakakapag-bake ang kalan ng dalawampung elixir sa isang salangan."

"..." Napaawang ang bibig ni Qiao Chu at hindi magawang isara iyon.

Maging si Fei Yan na nakatayo sa isang tabi ay napasinghap.

Di nagtagal ay inilabas na ng Chan Lin Auction House ang pangalawang elixir sa entablado. Ito ay ibang klase naman ng elixir.

Mas maganda ang epekto ng elixir na ito kaysa sa Spirit Intensifying Elixir.

Dahil sa resulta ng naunang elixir, ang auctioneer ay kampanteng nagpatuloy.

"Ang tawag dito ay All Dispelling Elixir, magagawa nitong kontrahin ang mahigit isang daang klase ng lason..." Hindi pa man natatapos ang auctioneer ay naghiyawan na ang mga tao.

[Nakakakontra sa mga lason!]

[Mas may pakinabang iyon kaysa sa naunang elixir!]

Mahirap na bantayan ang mga poison users at ang isang ring spirits ay natural na may lason. Kung sila ay aatakehin ng ganong klase ng spirits, sila ay malalamangan. Higit sa lahat, maraming Spirit Beasts ay may kakayahang maglabas ng lason. Kapag mas mataas na uri ng Spirit Beasts ang naglabas ng lason, mas makamandag na lason din ang nilalabas non.

Kung ang Spirit Intensifying Elixir ay makakapagbigay ng pansamantalang paglakas ng kanilang spiritual power ay isang malaki nang tulong, ibig sabihin non ay mas malaki ang maitutulong sa kanila ng All Dispelling Elixir bilang anting-anting para sila ay manatiling buhay!

Sa oras na iyon, hindi lang ang mga disipulo ng Zephyr Academy ang nasabik, kundi pati ang iba pang mga bigating tao na nagpunta sa Chan Lin Town para sana hikayatin ang mga disipulo ng Zephyr Academy!

Ang isang elixir na may ganoong epekto ay napakadalang lang na magkaroon!

Ang unang presyo sa bidding ng All Dispelling Elixir ay mas mataas kaysa sa Spirit Intensifying Elixir. Bawat isang elixir ay mag-uumpisa sa one hundred thousand taels.

Sa oras na ito, hindi lang ang mga disipulo ng Zephyr Academy ang nakisali sa bidding, maging ang mga taong masasabing may malaking pera sa bangko ay ayaw palagpasin ang tsansang ito na magkaroon ng pambihirang elixir.

Agad na umangat sa two hundred fifty thousand taels ang presyo ng unang All Dispelling Elixir!

Halos mapalundag si Qiao Chu nang kaniyang marinig ang presyong iyon. Di nagtagal ay kaniyang nadiskubre na kaya tumaas ng ganon ang presyo ng elixir ay dahil sa galing din ng auctioneer. Tuwing natitigil ang bidding ay bubuhayin nito ang mga tao, at muling sasabihin ang epekto ng elixir. Muling masasabik ang mga tao dahil doon.

"Little Xie, tingin ko, ang mga elixir na binenta natin sa pintuang daan ng Zephyr Academy ay masyadong mura! Kung dinala pala natin iyon dito sa Chan Lin Auction House ay doble ang ating kikitain!!!" Sabik na saad ni Qiao Chu.

Kahit na masasabing hindi malaking establisyemento ang Chan Lin Auction House, mahusay na naisagawa ng auctioneer ang kaniyang trabaho. Ang abilidad nitong pasunurin ang mga tao ay malaking epekto.

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie. Hindi niya inaasahan na ganito ang epekto ng mga elixir. Bukod sa mataas na uri ang mga elixir ni Jun Wu Xie, mas lalong tumaas ang epekto ng elixir na iyon sa mga tao ay dahil sa husay ng auctioneer. Ang abilidad nitong pag-initin ang mga tao ay naging malaking tulong. Kaya naman mas lalong tumataas ang bid ng mga tao.

avataravatar
Next chapter