566 Auction Para sa mga Mayayaman (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang elixir na tulad nito ay hindi gaanong nakakatukso sa mga malalaking tao.

Ngunit para sa mga disipulo ng Zephyr Academy...

Isa iyong armas na hindi nila matitiis!

Sa loob ng isang araw, sila ay magkakaroon ng kapangyarihan na hindi pa nila nararanasan. At ang elixir na iyon ay lubos na makakatulong sa susunod na Spirit Hunt. Sinong nakakaalam kung anong dinanas ng mga disipulong ito noong sila ay nasa Battle Spirits Forest, kung saan nakaharap nila ang malalakas na Spirit Beasts. Ilang beses silang pinaalalahanan na hindi sapat ang kanilang kakayahan at walang ibang magawa kundi ang tumakbo na lang. Idagdag pang, alam ng mga disipulong ito kung ilan ang mga disipulong namatay sa Spirit Hunt dahil sa kakulangan ng kapangyarihan.

Ang Spirit Intensifying Elixir ay panigurado ng lubos na makakatulong sa kanilang buhay!

Ang agad na pagtaas ng kanilang spiritual power ay magbibigay sa kanila ng bilis at lakas. Kapag sila ay nalagay sa panganib, magagawa nilang agarang magkaroon ng lakas at makatakas!

Kakatapos lang magsalita ng auctioneer at halos hindi mapakali ang mga disipulo ng Zephyr Academy sa kanilang kinauupuan.

Lahat sila ay nagkakandahaba ang mga leeg, at matalas ang pandinig para ilapag ang kanilang elixir para sa kanilang elixir.

Dahil sa Spirit Intensifying Elixir, hindi na nila kailangang mag-alala na sila ay papatayin ng Spirit Beasts sa susunod na Spirit Hunt! Kahit na pang-isang araw lang ang epekto noon, magagawa nilang makapagpatumba ng malalakas na Spirit Beasts sa isang araw!

Paniguradong maganda ang kanilang makukuha na spirit stones na makakapagbigay sa kanila ng magandang puntos sa Spirit Hunt. Mapapagaan ang kanilang buhay!

"Ang bilang ng Spirit Intensifying Elixir na mayroon kami ay lima. Magsisimula ang presyo ng bawat isang elixir sa limampung libong tael. Ngayon, simulan na natin ang bidding para sa unang elixir." Dahil sa nakikita niyang kasabikan sa mga mukha ng bawat tao, lihim na nakahinga ng maluwag ang auctioneer. Naaalala niya ang paalala sa kaniya ni He Chang Le kanina.

"Whoa! Limampung libo bawat isa. Kung maibebenta natin iyon lahat, ibig sabihin tayo ay magkakaroon ng dalawang daan at limampung libong tael, tama ba?" Saad ni Qiao Chu na binabasa ang kaniyang tuyong labi gamit ang dila.

Masama naman siyang tinitigan ni Fei Yan at sinabing: "dalawang daan at limampung libong tael? Talagang wala ka pang muwang."

Kumurap-kurap lang si Qiao Chu kay Fei Yan. Bago pa siya muling makapagsalita, may sumigaw.

"Sixty thousand!"

"Seventy thousand!"

"One hundred thousand!"

Nagpapataasan ang mga kabataang nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy.

Sa lugar kung saan ang mga naroon ay mga mayaman, ang mga nangunguna doon ay ang mga mayayamang disipulo ng Zephyr Academy.

Ang perang nasa sampu o daang libo ay hindi ganon kalaking bagay para sa mga ito, lalo na kung angg kanilang binbili ay makakapagsalba sa kanilang buhay.

Sa isang kisapmata lang, ang isang Spirit Intensifying Elixir ay umabot ng one hundred twenty thousand tael!

Halos lumuwa ang mga mata ni Qiao Chu dahil doon.

[Hindi ba't parang sumusobra naman ang mga kabataang ito?]

[Diyos ko, tumaas na ng tumaas ang bid, buhangin ba ang tinutukoy ng mga ito!?]

Di nagtagal ay nakuha nng isang disipulo ng Zephyr Academy ang elixir sa halagang one hundred thirty thousand taels. Matapos magtapon ng ganon kalaking halaga, masayang tumayo ang bata at nagmamalaking kumaway sa iba pang disipulo ng Zephyr Academy.

Nag-alab naman ang puso ng mga disipulo sa ginawa nito!

Lahat sila ay nanggaling sa isang academy, at iisa lang ang nasa isipan nila...ang hindi na muling matalo!

Ang lebel ng kanilang kakayahan ay nakadepende sa kung gaano sila pinagpala at hindi nila maiiba iyon. Ngunit pagdating sa pagkukumparahin ng yaman...hindi sila ganon kadaling matinag...

Matapos mapanalunan ng isang disipulo ang unang Spirit Intensifying Elixir, ang sumunod na bidding sa pagitan ng mayayamang disipulo.

Simula sa pangalawang elixir, tumaas sa one hundred fifty thousand taels ang bawat Spirit Intensifying Elixir. Dahil sa presyong iyon, ang ibang tao ay ipinaubaya na lang ang mga elixir na iyon.

avataravatar
Next chapter