563 Auction Para sa mga Mayayaman (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ganoon ba talaga kasikat ang elixir sa mga tao?" Tanong ni Qiao Chu habang sinusuot ang kaniyang sapatos.

"Oo! Sa ilalim ng kalangitan, ang nakakagawa lang non ay nanggaling sa iilan lang na angkan. Simula ng mawala ang Qing Yun Clan, lubhang naapektuhan ang suplay ng elixir sa merkado at ang mga hinigitan ng Qing Yun Clan ng hindi gaanong kasikatan na mga angkan ay nagsimulang umusbong. Kahit na ang regular lang na elixir ay nagsimulang magmahal." Nakita ng nagsisilbi sa kanila na naiintriga si Qiao Chu tungkol sa paksang iyon.

Maaaring kurakot at may anomalyang ginagawa ang Qing Yun Clan ngunit sila ang pangunahing pinagkukunan ng mga tao ng elixir buwan-buwan. Bukod sa mga elixir na ginagawa ng labindalawang elder, ang mga disipulo sa Inner House ay nakakagawa ng malakihang suplay ng elixir at medesina sa mga tao.

Kahit na hindi ganoon kataas ang kalidad ng mga elixir na iyon, pero kung ikukumpara sa pangkaraniwang gamot na binebenta sa mga tindahan, di hamak na mas epektibo iyon. At dahil na rin sa reputasyong pinanghahawakan ng Qing Yun Clan sa buong kalupaan kaya naman ang kanilang elixir ang hinahanap-hanap.

Dahil doon, ang biglang pagkawala ng Qing Yun Clan ay lubhang nakaapekto sa suplay ng mga elixir.

Hindi lang ang suplay ng mataas na kalidad ng elixir ang bumaba, kundi maging ang mga pangkaraniwan din.

Dahil sa tuluyang pagbaba ng suplay ng elixir, halos ubusin na ng mga tao ang elixir na kanilang makikita.

Karamihan sa mga angkan na gumagawa ng elixir ay nakipag-ugnay na sa mga may pangalan, kaya naman ang mga magagandang klase ng elixir ay kanila nang naibigay sa kanilang mga kakampi.

Bukod sa iilang angkan na iyon, kahit na ang mga indibidwal na may kakayahan sa medesina ay kung hindi galing sa prominenteng pamilya, kinukuha naman ng may malalaking pangalan. Dahilan para kaunti lang ang magawa nilang gamot.

Kapag may nadiskubreng isang taong magaling sa paggawa ng mga gamot, nagmamadali agad ang mga tao na kunin ito upang maging bahagi ng kanilang grupo.

Naging mahirap ang pagbili ng mataas na kalidad ng elixir.

Dahil don, nang ipinagbalita ng Chan Lin Auction House na mayroong mga elixir ang kasali sa bidding, nakuha non ang atensyon ng mga tao at nagmadaling pumarito. Mukhang hindi lahat ng iyon ay kayang papasukin ng auction house dahil sa dami nito.

"Kung kayo ay interesado sa mga elixir, maaari kayong makipag-bid sa auction. Ipinagbigay alam saamin ng aming amoang tungkol sa mga elixir na iyon. Dahil sa hiling ng aming kliyente, hindi magbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga matataas na tao."Napansin ng nagsisilbi sa kanila ang interes ni Qiao Chu sa mga elixir.

Kung pangkaraniwang araw lang sana ito ay nagamit ni He Chang Le ang kaniyang posisyon para sa mga taong iyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi maaari.

Tumawa si Qiao Chu at iwinagyway ang kaniyang kamay sa nagsisilbi sa kanila.

"Kung interesado ako sa mga bagay na iyon, tingin mo kailangan kong bilhin iyon? Kailangan ko lang hingin iyon kay Little Xie." Sumulyap si Qiao Chu sa hindi apektadong si Jun Wu Xie.

"Ano sa tingin mo, Little Xie?"

Saglit lang siyang tinignan ni Jun Wu Xie. Tumangging sumagot sa tanong na iyon.

Mukha namang hindi ito apektado sa malamig na pagtrato ni Jun Wu Xie, bumaling ito kay Hua Yao at nagtanong: "Kuya Hua, ilang elixir ang binigay sa'yo ni Litte Xie para ibenta sa auction na 'to?"

Sumagot naman si Hua Yao: "Pitong bote."

"Pitong bote...hmmm...kung ang isang bote ay maibebenta ng isandaang-libong tael, makakalikom tayo ng pitong-daang libong tael!!!" Napalunok si Qiao Chu sa isiping iyon. Binase niya ang presyong iyon nang sila noon ay magpanggap sa harap ng Zephyr Academy.

avataravatar
Next chapter