webnovel

Ang Umpisa ng Pangangaso (3)

Editor: LiberReverieGroup

Ang paraan ng kanilang pagkakamatay ay pare-pareho. Namatay ang mga ito sa mga icicle at hindi na iyon bago. Alam nila sa kanilang mga sarili na maaari silang mamatay anumang oras sa lugar na ito.

Pero!

Walang mamatay sa ganitong estado!

Ang paraan ng kanilang pagkamatay ay halatang sinadyang mangyari ng isang tao!

Kahit na nabulok na ang kanilang mga ulo, ang mga damit sa kanilang katawan ay nanatili pa rin at makikilala mong pareho sa mga tauhan ng Flamboyant Palace. Nalaman tuloy nilang ang mga bangkay na ito ay mula sa huling grupo ng mga taong kanilang ipinadala dito sa Heaven's End Cliff.

Gayong an mga taong ito ay pumanaw na, nang masaksihan ng mga tauhan ng Flamboyant Palace ang pagkamatay ng kanilang mga kasamahan, naramdaman nila ang pangingilabot sa kanilang buong katawan.

At dahil nga sa natural na malamig ang lugar na ito, halos kumpleto at buo pa rin ang mga katawan ng mga namatay. 

"Eh!" Hindi na halos matagalan ng isang tauhan ang kaniyang nakikita kaya naman ito ay tuluyan na ngang nasuka.

Ang makitang ganito ang itsura ng isang grupo at ganito rin ang pagkakasalansan ng bangkay ay sadya ngang kahindik-hindik.

"Sinong may gawa nito!? Ang Flame Demons Palace...Soul Return Palace...O baka mula sa ibang Palace iyon!?" Sigaw ng lider ng grupo.

"Chief, anong gagawin natin...posible...posible bang nandiyan pa rin sila sa paligid? Gusto talaga tayo nilang patayin!" Namumulang saad ng isa sa mga tauhan ng Flamboyant Palace. Marami-rami din ang bilang ng mga taong namatay dito. Sa isang tinging lang dito ay mawawari mo nang marami nga sila at ang malala pa doon ay iisa lang ang disenyo ng suot ng mga bangkay na iyon. Disenyo ng damit ng mga taga-Flamboyant Palace.

Ang kapangyarihang taglay ng bawat palace sa Twelve Palaces ay halos pare-pareho lang ang lakas. Maliban na lang kung mayroon silang kasamang Elder habang nakikipaglaban. Gayunpaman hindi nila makakayang gawin ang ganitong bagay. 

Maaari ding ang mga salarin dito ay inilayo o dinala ang mga bangkay ng kanilang mga kasamahan palayo sa lugar na ito!

Kahit pa halos manigas na ang katawan ng lider dahil sa sobrang ginaw, namuo pa rin ang pawis sa kaniyang noo dahil sa kaniyang nakita.

"Chief...may narinig ako dati...na ang Flame Demons Palace ay minsang pinadala ang isa sa kanilang mga Elder patungo dito sa Heaven's End Cliff isang taon na ang nakakalipas. At sa loob ng isang taon na iyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakabalik sa Flame Demons Palace. Hindi kaya ang Elder na iyon ang may gawa nito? Maaari kayang natunton na nila ang puntod ng Dark Emperor at natatakot silang malaman natin at…

Nalukot ang mukha ng lider ng grupo. Hindi iyon maaari.

Ang Elder na tinutukoy nito ay si Elder Hui. Kahit na hindi man papantay sa ibang Elder ang kapangyarihan nito, laban sa mga normal lang na tauhan ay mas malakas pa rin ito. Iyon ang unang beses na isa sa mga taga-Twelve Palaces ang nagpadala ng kanilang Elder sa Heaven's End Cliff.

Hiniling nila sa kanilang Palace Lord ng Flame Demons Palace na pabalikin ang Elder pero sinabi nito na nawawala na nga raw si Elder Hui.

At sinong maniniwala doon?

Sa ganoong antas ng kapangyarihan ng isang Elder, paanong agad na lang itong maglalaho?

Sa halip na paniwalaan na nawawala nga si Elder Hui, mas pinaniniwalaan ng karamihan na nadiskubre ng Flame Demons Palace ang isang mahalagang bagay na makakapagturo sa puntod. O di kaya'y nahanap na nila ang puntod na Dark Emperor at pinanatili ang Elder doon upang magbantay!